Chapter 3 BRING ME TO YOUR HOUSE

1610 Words
Chapter 3 “Calvin, sandali! Hintayin mo ‘ko!” habol ni Cristely sa lalaki na basta gusto na lang siya na iwan roon sa Clinic. Tila bingi naman at walang naririnig na dere-deretso sa paglalakad si Calvin, nabibingi na talaga ang tenga niya sa ingay ng bibig ng babae na kasama niya! Kung alam lang talaga niya na ang Cristely na ‘yon ang babae sa bachelor’s party ng kaibigan niyang si George ay. . . sure siya na hindi siya magpapa-akit sa ka-sexyhan nito, hindi talaga, swear! Mm. . . Yes, aminado siya na maganda, sexy at talagang kaakit-akit ang babae na kasama niya. But. . . hindi niya type ang katulad nito. Maingay at asal kalye, palekera pa. Kahit hindi niya mahal si Lorelei. Ang babae na naka takda niyang pakasalan dahil ‘yon ang request ng kanyang namayapang Lola. At sa merging na rin ng negosyo ng kanyang parents. Lorelei is a kind of woman magugustuhan ng isang lalaki na pakasalan. College graduate student sa kursong accountancy at grumaduate ito with flying colors pa. Matalino at masipag mag-aral. Kaya naman nang sabihin sa kanya ng kanyang Mommy na nakatakda siyang magpakasal sa anak ng malapit na kaibigan ng kanilang pamilya, hindi na siya tumutol pa dahil inisip niya na sweerte na rin siya kay Lorelei. Mahinhin at maganda rin naman ito. Kaya nga nagtataka siya kung bakit NBSB pa rin ang dalaga. He thinks na kaya hindi pa nagkaka-nobyo ang babae dahil crush siya nito. Dankasi naman ay nang minsan may family gathering na idinaos sa dalawang pamilya. Iyon ang gabi na pormal na in-announce ang tungkol sa kanilang arranged marriage na dalawa. Hindi niya type si Lorelei, but there’s apart of him na gusto niya na ikama ito. But iyon lang ‘yon. He just wants to bed her lang. Na-curious lang siya at na-excites na matikman ito sa kama. He just wants to know how she would wildest moans his name habang inaangkin niya ang katawan nito. Besides, hindi na siya talo kung si Lorelei ang mapapangasawa niya. But still. . . He can't promise that he will stick with her. . . He wants to enjoy his life, fulfill his dreams as a man. Satisfy himself sa ibat-ibang babae. Gusto niya na sa oras na lumagay na siya sa tahimik ay masabi niya sa kanyang sarili na he can live his life to the fullest. Ayaw niya na matulad siya sa marriage life ng parents niya na bunga rin ng isang arranged marriage. First and foremost. He already told his parents na okay lang sa kanya na pakasalan si Lorelei. But he can’t promise na he will fall in love with her to the point na mag-stick siya rito for the rest of his life. Mahal lang niya ang Mommy niya kaya nagawa niya na sumang-ayon sa arranged marriage nila ni Lorelei, ‘yon nga. Hindi na rin siya talo sa dalaga. Yummy. . . at pwede ng pagtyagaan sa kama! “Ano ba, Calvin! Ang sakit na ng tagiliran ko, ah! Ang bilis mong maglakad! Nakakainis ka na!” Tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap sa babae na kanina pa kuda ng kuda sa likuran niya habang naka sunod sa kanya. “You can’t yet prove na ako ang ama ng baby d’yan sa t’yan mo, so malinaw naman siguro na wala pa akong responsibilidad sa ‘yo, at never in my wildest dreams na ako ang magiging ama ng batang ‘yan. So please. . . Stop following me and messing up with me!” ubos na ang pasensya niya rito. Lucky lang talaga ang kaharap niya dahil best friend ito ng asawa ng kaibigan niyang si George. Pero kung hindi lang talaga. . . Ewan lang niya kung saan pupulutin ang babae na ito. Cristely pouted her lips, ‘yong paawa emote ba para kaawaan siya ng kaharap niya. But then, bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigan ni Calvin sa kanya. If she wants to get him, she has to be fierce-looking always in front of him. Dahil pag dinaan niya sa paawa si Calvin ay hindi niya ito mahahawakan. Dapat maging palaban siya dahil walang puso ang kaharap niya. Kaya naman sa halip na magpaawa siya rito, tinaas niya ang kanyang kilay at namewang sa harap nito. “I can’t prove, yet, yes. You’re right, but you heard naman ‘yung sinabi ni dok ‘di ba? 8 to 10 weeks before kayo sumailalim sa prenatal paternity test ng baby natin. But it doesn’t mean na tatakasan mo na ang responsibilidad mo sa aming mag-ina. Okay. . . kahit hindi na lang sa akin, kahit para na lang sa baby natin.” matapang niyang sabi na siyang ikinakunot ng noo ng kaharap niya. “And. . . what do you mean by that? Hmm?” tanong sa kanya ni Calvin. “Tsk. Calvin, naman! Kailangan mo pa bang itanong sa akin ‘yan? Syempre, you have to bring me to your place. . . I mean. . . Sa house mo, we need shelter and food para mabuhay kami ni baby!” Tumaas na yata ang lahat ng balahibo ni Calvin sa buong katawan sa narinig niya na dini-demand ng kaharap niya. After nito na ipahiya siya sa simbahan at ipagsigawan sa madla na nabuntis niya ito, then ngayon naman ay gusto nito na sa unit niya tumira? Para ano? Para buhayin niya ito at ipagtrabaho? No way! Wala pang babae ang naglaro sa kanya the way this woman trick on him! He barks a laughter, as in sinadya niya na ilakas ang tawa niya para i-emphasize sa babae na kaharap niya na hindi siya nito ma-ti-trick ng basta basta lang kung sa inaakala nito na uto-uto siya ay tanga. Hindi pa siya nito kilala. “G-gusto mong tumira sa pad ko? Tama ba ako?” “Oo! ‘Yon nga!” mabilis na sagot ni Cristely sa lalaki. “Gusto mo na panagutan ko ang baby d’yan sa t’yan mo, tama?” “Tompak ka ulit r’yan!” mabilis na sagot muli niya sa lalaki. Inilang hakbang ni Calvin si Cristely at hinawakan ito sa wrist nito. Piniga iyon kaya naman napangiwi si Cristely sa sakit. “In your f*****g dreams, woman! Hinding-hindi kita isasama sa pad ko! Never! Wala pa ni-isang babae ang pinatuloy ko sa unit ko. . . At lalong hindi ikaw ‘yon! Kaya pwede ba, stop bothering me! I’m running out of my patience with you! Hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan mo, naiintindihan mo ba ako? Huh?” he gritted his teeth kaya naman batid ni Cristely na hindi na nagbibiro ang kaharap niya. Pero hindi rin naman siya nagbibiro. She mean it when told him na kailangan isama silang mag ina ng lalaki sa house nito. Paano niya palalakihin ang tiyan niya kung sa kalsada sila matutulog ‘di ba? Nakipag sukatan siya ng masamang titig sa lalaki. “Alam mo, nasasaktan mo na ‘ko, ha. Yes, tinali ko man ‘yang wrists mo sa headboard ng kama, pero alam kong hindi masakit ‘yon! At in-enjoy mo pa nga ‘yon pagkakatali ko sa ‘yo, ‘di ba? Pero ikaw. . . Namumuro ka na sa akin kanina pa! Ang sakit na ng wrist ko sa kakapiga mo, kaya alam mo. . . kapag hindi mo ‘ko binitawan ngayon? Sisigaw talaga ako at ipapahuli kita sa mga pulis!” Ngumisi si Calvin sa sinabi nito. Ipahuhuli sa mga pulis? Eh wala naman pulis siyang nakikita doon sa ospital. Sa halip na bitawan ang wrist ni Cristely ay mas piniga pa niya ang pagkakapisil sa dalaga. “Go ahead, ipahuli mo ako sa mga pulis!” he said, then smirked at her. Hindi naman nag-aksaya ng oras si Cristely. Sinusubukan talaga siya ng lalaking ‘to, ah! Fine! Pagbibigyan niya ito! “Mamang pulis! Mamang pulis! Please, help me po! Sinasaktan po ako ng boyfriend ko!” malakas na sigaw ni Cristely, mabilis naman na may lumapit na dalawang pulis sa gawi nila. Namilog ang mga mata ni Calvin nang makitang may pulis nga na papalapit sa kanila. At bago pa niya mabitawan ang wrist ni Cristely ay naka lapit na sa kanila ang dalawang pulis. “May problema ba dito, Miss?” tanong ng isang pulis nang tumapat ito sa dalawa. Pinaawa ni Cristely ang mukha at pinilit niya na mangilid ang kanyang mga luha. She needs to cry! Cry, cry. ‘Yon ang kailangan niya para lumabas siyang kaawa-awa sa mga mata ng dalawang pulis! And there! The tears came out! Mabuti na lang talaga at mababa ang luha niya. “Miss…” untag sa kanya ng isa pang pulis nang hindi siya sumagot. “A-ano. . . po kasi. . . ‘tong kasama ko, nabuntis po niya ako. . . tapos ayaw niya na panagutan kami ng baby ko. . .” sumbong niya sa pulis. “Tas, tignan n’yo po ‘yung kamay n’ya, sinasaktan po ako!” Mabilis na napatingin ang pulis sa wrist niya na nakahawak pa rin si Calvin. Kaagad naman na binitawan ni Calvin ang palapulsuhan niya, napatitig ng masama ang dalawang pulis sa mukha ni Calvin nang makita ang namumulang balat ni Cristely dahil sa higpit ng pagkakapiga niya sa wrist nito. “Sige! Dalhin sa prisento ang lalaking ‘to!” utos ng isang lalaki sa kasama nitong pulis. “Hey! Is not what you think—----” wala nang nagawa pa si Calvin ng bitbitin siya ng isang pulis papunta sa mobile car ng mga ito upang dalhin sa prisento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD