Chapter 4 Himas-rehas or ako?

1903 Words
Nangingilit ang mga ngipin ni Calvin sa galit sa babae na nasa harapan niya ng mga sandaling iyon. Ang sabi niya ay ito ang maghihimas-rehas sa oras na mapatunayan niya na hindi siya ang ama ng bata na ipinagbubuntis nito. Pero heto’t siya itong himas-rehas dahil ayaw siyang palabasin ng mga pulis sa kaso na hindi naman niya alam kung ano. Pag naka labas talaga siya roon sa presinto ay hinding hindi na niya kakausapin pa ang babae. Hindi na rin siya mag-aaksaya pa ng oras para ipa-prenatal paternity test pa ang baby sa loob ng sinapupunan nito. Bahala na ito sa buhay niya! “Sige na kasi, Calvin, just say it na isasama mo na kami sa house mo, para makalabas ka na r’yan,” wika sa kanya nito. Humigpit ang hawak niya sa bakal na rehas na kinaroroonan niya. Sa talambuhay niya, hindi siya na-involve sa kahit na anong krimen or illegal na gawain kaya. Tapos. . . dahil lang sa Cristely na ‘to ay na-experience niya ang makulong? This is f*****g, s**t! “Hinding-hindi kita isasama sa unit ko! No way! Wala akong responsibilidad sa ‘yo, kaya wala kang mapapala sa akin!” mariing tugon niya sa dalaga. Tutal naroon na rin siya sa loob ng rehas, wala na siyang pakialam kahit pa doon siya magpalipas ng gabi. Pero sisiguraduhin niya na hindi mangyayari ang bagay na ‘yon! Hinugot niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang kaibigang si George. Hindi naman nagtagal ay sumagot ito sa kanya at sinabi na papunta na ito upang saklolohan siya sa problema niya roon sa presinto. “I have money, so I can easily get out of here! At sa oras na makalabas ako rito, ‘wag na ‘wag ka ng magpapakita o lumapit sa akin!” tuluyan ng nasagad ang pasensya niya sa mga kalokohan na ginawa sa kanya ng babae. Nagkaroon pa siya ng kaunting concern sa bata na nasa tiyan nito, kaya kahit hindi siya naniniwala na siya ang ama ng bata na dinadala nito ay gusto niya na ipa-DNA test ang bata. . . Para just incase na siya nga talaga ang ama ay handa siya na i-support ang needs ng bata. Pero dahil pinakulong siya nito, wala na. Wala na siyang pakialam pa sa bata na nasa sinapupunan nito! At lalong lalo naman sa malas na babae na ‘yon! Napangiwi si Cristely dahil sa patuloy na pagmamatigas ni Calvin. Grabe, himas-rehas na nga ang inabot nito ay ayaw pa rin talaga silang mag-inang patirahin sa house nito. Ang tigas talaga ng puso nito sa kanilang mag-ina! Walang awa. Pero habang nagmamatigas ito sa kanya, mas lalo siyang ginaganahan na galingan ang pagdadrama niya sa mga pulis. Hindi siya papayag na hindi sila titirang mag-ina sa bahay nito. Matigasan pala ang gusto niya, ah? Pwes, ibibigay niya ang gusto nito! Tumalikod si Cristely at lumapit sa pulis na kausap niya. Malungkot ang mukha niya at nangingilid ang mga luha. Kailangan niya na galingan ang pagdadrama niya para kaawaan siya ng mga ito at tulungan siya na mapapayag si Calvin sa kondisyon na gusto niya. “Ano Miss? Pumayag na ba si boyfriend mo?” kaagad na tanong sa kanya ng pulis. Malungkot at hindi maipinta ang mukha na umiling siya rito. “Aba! Gago talaga ‘yang lalaki na ‘yan, ah!” Salubong ang mga makapal na kilay na tumayo ang pulis sa silya na kinauupuan nito. “Dapat turuan ng leksyon ang isang ‘yan!” mabilis na hinawakan ni Cristely sa balikat ang pulis nang mag tangka ito na lumakad papunta sa nakakulong na si Calvin. “Kuya, pulis—----” pigil niya rito pero malakas ito kaya hindi niya napigilan. Bigla ay kinabahan siya sa kung ano ang pwedeng gawin ng pulis kay Calvin my loves niya kaya sinundan niya ito kaagad. “Hoy! Ikaw!” ginalaw-galaw ng pulis ang isang daliri nito, sinisenyasan niya si Calvin na lumapit sa kanya. “Lumapit ka sa akin,” umiigting ang panga na hinawakan ng pulis sa kwelyo si Calvin. “Tarantado ka! Bumuntis-buntis ka ng babae tapos ngayon hindi mo pananagutan?” nangingilit ang mga ngipin na piniga pa ng pulis ang ang suot na damit ni Calvin. “Ikaw, nagpakasarap ka sa kama! Tapos ngayon nakabuo ka eh basta mo na lang tatakasan ang responsibilidad mo! Hayop ka!” “Please! ‘Wag n’yo po siyang sasaktan, kuya, pulis!” agap na sigaw ni Cristely ng akmang iuuntog ng pulis ang ulo ni Calvin sa bakal na rehas. Jusko! Ang gwapong mukha ng my loves ko, baka magalusan! Kawawa naman! Kinakabahan na kinagat niya ang kanyang kuko at nahahabag na napatitig kay Calvin na ngayon ay pinanggigigilan sa galit ng pulis habang hawak ito sa kwelyo. Kung bakit kasi ayaw pa ng lalaki na ‘to na patirahin silang mag-ina sa unit nito eh, ‘di sana kanina pa sila naka-alis sa presinto! Tsk! “Please, kuyang pulis. . . ‘wag n’yo siyang sasaktan. . . kawawa naman po siya. . .” mahinang sabi niya sa pulis. Nakita niya na pinaningkitan siya ng mga mata ni Calvin. Napayuko siya dahil kinain siya ng guilt niya. “Magpasalamat ka at mabait sa ‘yo ang girlfriend mo, dahil kung ako lang, kanina pa kita pinabugbog sa mga kasama mo r’yan sa loob!” padaskol na binitawan ng pulis ang damit ni Calvin at tinalikuran na ito. Hindi magawang tumingin ng diretso ni Cristely habang nakatitig ito kay Calvin na masamang nakatitig naman sa kanya. Maya-maya ay sabay silang napatingin sa tao na nagsalita. “Calvin!” tinig ng kaibigan ni Calvin na si George. “What happened? Bakit ka nakakulong. . .” shock ito na napatigil sa pagsasalita nang makita ang kaibigan ng kanyang asawa at naging babysitter ng kanilang anak. “Hi! Sir, George!” naiilang ngunit pinilit ni Cristely na batiin ng nakangiti ang lalaki. Pinag lipat-lipat ni George ang paningin sa kaibigan si Calvin na nasa loob ng rehas at kay Cristely na nakatayo sa harap ng rehas. Kumunot ang noo niya. Kaagad siya na nakakutob ng hindi maganda kaya nasa loob ng selda ang kaibigan niya. “Thanks God! George, at dumating kang kaagad!” nakaramdam ng pag-asa si Calvin nang makita ang kaibigan. “Ikaw ba ang kasama ng tarantadong lalaking ‘yan?” napatingin si George sa likuran niya nang marinig na nagsalita ang pulis. “Yes, Sir, ano po ba ang kaso ng kaibigan ko?” tanong niya sa pulis. The police gritted his teeth and made a tsked. He looked at Calvin. “Serious Physical injury,” Lumuwa ang mga mata ni George sa narinig na sinabi ng pulis. “Serious physical injury?!” hindi makapaniwala na usal niya sa narinig na sinabi ng kaharap. Hindi siya makapaniwala dahil never naging basag ulo ang kaibigan niya. “P-pero sino po ang sinaktan ng kaibigan ko?” “Siya, ang girlfriend niya!” mabilis na tugon ng pulis at tumingin pa sa gawi ni Cristely. Napalunok naman si Cristely sa hiya. Pero since naroon na siya eh, kaya wala ng bawian pa. Shock na napatitig si George sa kaibigan niya. Well, hindi na siya magtataka pa kung pati ang kaibigan ng asawa niya ay pinag-interesan na ikama ng pasaway at malikot niyang kaibigan. Kung ‘yung ahente nga lang ng house and lot na binili niya para sa Lola ng asawa niya, partida, isang beses lang na-meet ng kaibigan niya ay nagawa nito na landin kaagad. Ito pa kayang si Cristely na kaibigan ng asawa niya? Hindi na siya magtataka pa dahil maganda at kaakit-akit naman itong talaga. Na-shock na siya sa narinig na sinabi ng pulis na sinaktan ng kaibigan niya si Cristely. . . ang girlfriend nito. Pero may mas ikaka-shock pa pala siya. “Malaki ang kasalan ng lalaking ‘to sa girlfriend niya, kaya dapat lang na makulong siya! Tarantado, e! Pagkatapos magpakasarap, ayaw ng panagutan yung bata! Gago!” nanggigigil sa galit na sabi ng pulis. “Ako, may anak din akong babae, at dalawa sila. At ‘yun katulad mo na lalaki ang dapat na mawala sa mundo, dahil ayokong pamarisan ka pa ng ibang lalaki! Dahil ayokong may lalaking katulad mo ang gumawa ng ganito sa mga anak ko!” Amazed na napatitig si Cristely sa pulis. Na-touch talaga siya sa narinig niya. Kaya naman pala ganun na lang ka-concern sa kanya si kuya pulis, may dalawang anak pala ito na babae. “B-binuntis mo siya?” hindi makapaniwala na tanong ni George sa kaibigan. “Oo, binuntis niya, may ultrasound pa nga na ipinakita sa amin ‘tong girlfriend niya,” ang pulis ang naunang sumagot sa tanong ni George. Hindi kasi alam ni Calvin kung paano i-e-explain ang lahat sa kaibigan nito. “I-t’s not. . . what you think. . . George, hindi. . . hindi ganun ang nangyari—-” “Shut up! Calvin! Nabuntis mo siya, kaya dapat lang na panagutan mo ang kaibigan ng asawa ko!” mariing putol ni George sa kaibigan niya. Kung kanina ay nag-aalala siya rito. Ngayon ay badtrip na badtrip na siya rito. Nagkukumahog pa siya at halos paliparin ang kotse sa pagmamaneho para lang makarating kaagad sa presinto nang sabihin nito sa kanya na nakakulong ito. Tapos. . . Malalaman niya ang dahilan kung bakit ito nakulong? Nasa panig siya ng pulis dahil may anak din siyang babae. . . At bilang ama. Ayaw niya na sapitin ng anak niya ang ginawa ng magaling niyang kaibigan sa babae na nabuntis nito. “May anak din akong babae, Calvin, kaya this time. I can’t help you, I won’t tolerate you. . . your mistakes. You slept with her, impregnated her, kaya dapat lang na panagutan mo si Cristely,” sabi niya sa kaibigan. “Sorry, but I won’t help you to get out here. If you want to get out in jail, help yourself, Calvin. Kaibigan kita, and as much as I do, I want to help you. But not this time, ayokong maging kasangkapan ako sa kalokohan mong ito. Remember what I’ve told you, paulit ulit akong nag paalala sa ‘yo, But you’ve never listen to me. You said, you want to live life to the fullest, then make yourself live life to the fullest now, with them.” mahabang litanya na advice niya sa kaibigan saka ito tinalikuran. “When karma hits you, it hits you. And it’s really painful when it comes back to you. Kaya magdusa ka ngayon, Calvin! Deserve mo ‘yang makulong! Asshole!” napapailing na sumakay si George sa kotse at binuhay ang makina. “Namnamin mo ang karma mo, my friend!” nakangisi niyang sabi sa sarili. Na-shock siya kanina ng nasa loob siya ng presinto. Pero gusto din niyang matawa sa mukhang kawawa na kaibigan si Calvin. Minsan talaga, kung ano ‘yung ayaw mo, ‘yun pa ang mapupunta sa ‘yo. Hindi makalimutan ni George ang maasim na mukha ni Calvin sa tuwing nakikita nito sa bahay niya ang kaibigan ng kanyang asawa na si Cristely, allergy na allergy ito at naba-badtrip sa tuwing nasa paligid ang dalaga. ‘Yon naman pala eh type rin nito si Cristely to the point na nabuntis pa niya ito? Such an asshole! “Now learn how to change your child's diaper!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD