Malakas ang kabog ng dibdib na nakatayo si Cristely sa harap ng malaking gusali. Ang isa sa pinakamalaki at tanyag na TV network station sa dito sa pinas at sa ibang bansa.
She was there for help. Nang sabihin sa kanya ng mga kaibigan ni Calvin na ang ama nito ay isang news anchor, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Ka agad na siyang pumunta sa tv station upang kausapin, humingi ng tulong sa ama ni Calvin.
Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang father ni Calvin, basta ang alam lang niya ay buo ang loob niya at gusto niyang makaharap ang lalaki. Dahil wala siyang mahihitang tulong mula sa ina ni Calvin, umaasa siya na sana… Sana naman ay pumanig sa kanya ang ama ni Calvin, at tulungan siya na mapalambot ang matigas na ulo at puso nito sa kanilang mag-ina.
She exhaled and inhaled. Kaya mo ‘yan Cristely, go, go, go! Para kay baby. Habang naglalakad siya sa loob ng gusali ay may guard na tumawag sa kanya kaya naman binilisan niya ang lakad dahil baka palabasin siya nito.
“Miss! Miss! Sandali, saan po kayo pupunta? Bawal po kayo r’yan!” narinig niya na sabi ng guard sa kanya. Pero tila bingi na wala siyang naririnig na nagsasalita mula sa likuran niya. She walked faster just to reach the door kung saan naroon ang ama ni Calvin.
“Miss! Ano ba? Sinabi ng bawal ka r’yan!” narinig niya na may diin na tinig ng guard sa kanya. Naiinis na ito sa kanya dahil hindi niya ito pinapansin. Nang matanaw niya ang pinto ay mabilis siyang tumakbo at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Gulat na napatingin sa kanya ang mga tao sa loob sa pagkagulat ng mga ito.
“Mr. Guevarra, buntis po ako!” gusto niyang batukan ang sarili niya kung bakit ‘yon pa ang lumabas sa bibig niya. Napakagat siya ng pang ibabang labi sa pagkapahiya sa ginawa.
Ang production team naman at co-news anchor ng ama ni Calvin ay mangha at nanlalaki ang mga mata na napatitig sa kanya at pagkatapos ay pumaling ng tumingin kay Mr. Guevara. Maging ang ama ni Calvin ay nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa sa nangyayari ng mga sandali na ‘yon.
Shit. I'm Dead. Ang tanga ko! Bakit naman kasi sinabi ko na buntis ako. Baka isipin ng mga ka-work ng father ni Calvin eh pumapatol sa bata si Mr. Guevara. Hays! Ang tanga-tanga mo talaga, Cristely!
Napasinghap siya sa gulat nang hawakan ng humahabol na guard sa kanya ang braso niya. “Tsk. Ang kulit mo naman, Miss, sinabi ng bawal ka dito eh!” sita ng guard sa kanya. “Pasensya na po kayo, pinagbawalan ko naman po siya, ang kaso… ang kulit niya, ang bilis tumakbo.” paliwanag nitong sabi sa mga tao sa loob ng room na iyon.
“Halika na Miss, bawal ka dito dahil ilang minuto na lang ay mag-o-on-air na ang news. Bawal guluhin ang mga tao dito.” hila ng guard sa kanya ngunit humawak siya sa hamba ng pinto upang hindi siya matangay ng guard.
“Mr. Guevara, please, tulungan n’yo po ako, buntis po ako!” muli ay pagsasalita niya.
“Kuya Mol, let her stay,” malumanay na utos ng babae na co-host ng ama ni Calvin.
“Pero… Ma’am…” napapakamot sa ulo na anang guard. Nginitian ng host na babae ang guard.
“It’s okay, kuya Mol, I think she’s… she’s good naman, at hindi siya gagawa ng ingay while on air kami. So you can let her stay.”
Nakahinga siya ng maluwag ng bitawan ng guard ang braso niya. Mabuti na lang ay may Angel siya. Ang maganda na news anchor na kasamahan ng ama ni Calvin. Hindi siya mahilig manood ng balita, pero nakikita niya sa tv ang mukha ng news host na nag save sa kanya. Hindi lang ito maganda, mabait pa.
“S-salamat po…” nahihiya niyang sabi sa babae na tumulong sa kanya. Nakita niya na may binulong ang babae sa ama ni Calvin, then they both looked at her, hindi niya alam kung ano ang sinabi ng babae sa ama ni Calvin but she had a feeling na mabuti ang sinabi nito kasi nakita niya na tumango-tango ang ama ni Calvin habang nakatingin sa kanya.
“Susi, bigyan mo s’ya ng silyang mauupuan.” narinig niya na baritonong tinig na utos ng ama ni Calvin sa babae, isa sa mga production team.
“Okay po Sir Guevara,” tugon ng babae na inutusan ng ama ni Calvin. “Maupo po kayo dito Miss,” sabi nito sa kanya matapos ilagay ang silya sa tabi niya. “Mag-o-on-air na po ang balita kaya please lang po, ‘wag po sana kayong gumawa ng ingay para hindi sila ma-interrupt. Live po kasi ang balita nila.”
Mabilis siyang tumago sa sinabi ng babae. “Okay po, salamat po.” magalang niyang sang-ayon rito. Hindi nga nagtagal ay narinig niya na may lalaking sumigaw. Hudyat iyon na magsisimula na ang on-air na pagbabalita ng dalawang news anchor.
Habang abala ang production team sa pag ere ng balita ay napatitig siya sa ama ni Calvin. Hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha ng sobra. Kaya naman pala ang daming chicks ang nahuhumaling sa ama ni Calvin, grabe ang gwapo kahit may edad na ito. Pilya niyang nakagat ang pang ibabang labi. Kahit nasa 50’s na ito ay still yummy pa rin talaga! Ang gwapo sa personal, well telegenic naman ito sa tv, pero super gwapo sa personal.
Naalala niya ang ama mother ni Calvin, at napangiwi siya. Ang hirap siguro ang magkaroon ng asawa na kasing gwapo at sikat na news anchor tulad ng ama ni Calvin. Tapos… Tapos chickboy pa ito. Hays… Bigla ay nagkaroon siya ng habag sa soon to be mother-in-law niya. What ifs… what if matulad si Calvin sa father nito. Iyon tulad ng sinabi ng lalaki na narinig niya sa simbahan na babaero ang father ni Calvin. Parang hindi niya ma-imagined na may ibang babae ang lalandiin ng Calvin my loves niya. OMG! That’s so ouchy! Hindi pa nga sila naikakasal ay tila ba hinahati na sa sakit ang puso niya if ever na magkaroon ng ibang chick si Calvin. No. No, no, no! She can’t let that thing happen. Kapag kinasal sila ni Calvin my loves niya ay as in. 24/7 niyang babantayan ito just to make sure na walang ibang babae ang aaligid at lalandi sa my loves niya. As in. 24/7 talaga, kahit wala na siyang magawang iba basta babantayan niya ang asawa niya. She won’t let anyone snatch him from her. Calvin is for her only. No sharing, because she hates sharing, that it.
Dahil sa paglalakbay ng diwa niya sa kakaisip kung ano ang gagawin sa oras na maikasal na sila ni Calvin ay hindi niya namalayan na tapos na pala ang pag on-air ng balita. Kaya naman napakamot pa siya sa ulo ng marealise niya na nakatayo na sa harap niya ang ama ni Calvin. Mabilis siyang tumayo sa silya na kinauupuan.
“S-sorry po! May… may sinasabi po kayo?” wala sa sarili na sabi niya rito.
“Oh, come on, Christopher, don't scare her, she’s pregnant.” nakangiti na sabi ng babae na co-host ng ama ni Calvin. Lumapit pa ito at pilyang bumulong sa lalaki. “You’re so naughty, huh. She’s young, but you make her pregnant, kaloka ka! Mas bagay pa naman sila ng anak mo!” she winked at him, then looked back at her.
“Anyways. Take care of your baby, hija, Oh my Gosh. I am too old to become a godmother sa baby n’yo—----”
“Hindi po si Mr. Guevara ang ama ng baby ko,” lakas loob na putol ko sa maling inisip ng mabait na co-host ng ama ni Calvin.
“I know,” tipid na usal naman ng ama ni Calvin sa sinabi niya.
The female news anchor widened her eyes. “So… Sino ang ama ng baby mo? Ano ka ni Chris? Oh my G. Don’t tell na you’re one of his children, ah?”
“Luisa!” may diin na bigkas ng ama ni calvin sa pangalan ng co-host.
“I am stating the fact that it is possible to happen, who knows na she's your daughter to those women that you slept with before ‘di ba? Like doon sa mga dramas na napapanood ko sa TV. Wait, ang tanong natatandaan mo ba kung sino-sino ang mga chicks na ‘yon? Huh?” pilyang pang-aasar ng babae sa ama ni Calvin.
“I’m pretty sure that your Mom is beautiful, ang ganda mo kasi!” compliment na sabi nito sa kanya. Nahihiya man ay nagpasalamat siya sa co-host ng ama ni Calvin.
“Okay, I gotta go, Chris, Take care of her! Bye, hija!” nakangiti na paalam sa kanila ng co-shot ng ama ni Calvin.
Parang tambol ang lakas ng dibdib niya nang silang dalawa na lang ng ama ni Calvin ang magkaharap. Kahit naroon ang production team ay busy naman ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa. Lumunod siya ng malalim saka binati ang kaharap. Kanina ang lakas ng loob niya na sumigaw ng buntis ako. Tapos ngayon ay parang umatras ang dila niya kaya hindi niya magawang magsalita.
“H-hi po, M…Mr. G-guevara.” garalgal ang boses na bati niya sa lalaki na nakatitig sa kanya.
“Where’s Calvin?” seryoso ang tinig na tanong nito sa kanya.
“Uhm… Ano po kasi… Nasa… Nasa….” hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin sa ama ni Calvin dahil baka magalit ito sa kanya sa oras na malaman nito kung nasaan ang anak nito.
“Where’s Calvin, hija?”
Muli ay malagkit ang lalamunan na lumunok siya bago sumagot. “Nasa kulungan po…” kagat ang pang-ibabang labi na tugon niya rito.
“What? He’s on… Jail? Why?” mangha na sabi ng ama ni Calvin at sinadya pang hinaan ang pagsasalita upang walang makarinig. “Bakit nasa kulungan ang anak ko?”
“Ayaw po kasi niyang panindigan ang baby namin, Mr. Guevara, kaya… kaya pinakulong ko po.” lakas loob na amin niya sa ginawa niya.
Nasapo ng ama ni Calvin ang noo. Bigla ay nagkaroon ito ng malaking problema. Maraming issues na itong kinaharap lalo na yung kabataan nito. Mostly, about sa chicks issue niya. But he can easily get rid of it, chick is only for one night to him. He just wanted to play with those women, that’s all he wanted. He became kicky and playful to women because of his wife’s fault.