“Magandang gabi po, Sir!” mangha at halos magkakasabay na bati ng mga pulis nang makita ng mga ito ang ama ni Calvin pagpasok namin dito sa presinto. Hindi makapaniwala ang mga ito na nasa harapan nila ngayon ang sikat at magaling na news anchor sa tv.
“Sir Christ, ano po ang meron ay napasugod po kayo rito sa presinto?” tanong ni kuya pulis na tumulong sa akin na ikulong si Calvin. Sa lahat ng pulis ay ito ang hindi namangha na makita ang ama ni Calvin my loves.
Magalang na binati ng ama ni Calvin ang kaharap na pulis at naglakad ang mga ito papunta sa lamesa ni kuya pulis. Sandaling nag-usap ang dalawa at napatingin sa akin. Napayuko ako dahil batid ko na ako ang topic sa usapan ng mga ito. For sure na ikinuwento na ni kuya pulis ang tungkol kay Calvin sa ama nito. Hindi ko alam kung tama pa ba itong mga pinaggagawa ko, but he left me no choice, if he let me to allows to his house, wala sanang problema. Wala kami dito sa presinto, hindi sana siya nag himas-rehas, na ayuko rin naman talaga mangyari sa kanya.
Lumakad si Mr. Guevara at ang pulis patungo sa selda kung saan naroon si Calvin my loves ko. Hays. Sumisikip ang dibdib kong makita ko ang itsura niya sa loob ng selda na pawis na pawis at mukhang kawawa. Sorry, my loves, hindi ko gustong mangyari ‘to sa ‘yo. Ayokong nariyan ka sa loob ng rehas. But ikaw naman kasi eh… Nagmamatigas ka pa talaga.
Nakasunod lang ako sa likuran ni kuya pulis at ng ama ni Calvin. Awtomatiko namang napatayo si Calvin mula sa pagkakaupo sa malamig na sementadong flooring sa loob ng selda nang makita ang ama niya na naglalakad papunta sa kanya.
“Dad!” mangha na tawag ni Calvin sa ama. “W-what… What are you doing here? Dad?” alangan na tanong nito sa ama.
“Well, I am here to help you, Son.” walang paligoy ligoy na tugon ni Mr. Guevara kay Calvin.
“Magpasalamat ka, boy at mabait ‘tong tatay mo, dahil kung nagkataon, dito ka sa loob ng selda magpapalipas ng gabi.” lumuwag ang nagsisikip kong dibdib nang bugsan ni kuya pulis ang selda at palabasin si Calvin.
“Oh, hija, ‘wag ka nang mag-alala. Si Sir Christopher na ang bahala sa ‘yo. Mabait ‘yan si Sir Christopher kaya sure akong hindi ka niya hahayaang madehado mula sa anak niya.” baling na sabi sa akin ni kuya pulis at muling isinarado ang gate ng selda nang makalabas na si Calvin.
“S-salamat po kuya pulis,” nahihiya kong pasasalamat kay kuya pulis.
“Oh, paano, Sir Christ, alam mo na ang dapat mong gawin dito sa binata mo. Turuan mo ng leksyon ang batang ‘yan, para hindi pamarisan ng iba.” bilin ni kuya pulis sa ama ni Calvin. Muling nag daupang palad ang dalawa at pagkatapos ay lumakad na palayo sa amin si kuya pulis.
“Dad, what did you do? Bakit pumunta ka pa rito? What if kung may makakilala sa ‘yo dito? Masisira ka sa publiko—-”
“That’s exactly what I’m doing, Son. Ayokong masira ang pangalan ko at ang pangalan ng Mommy mo. Kaya nga inayos ko na ang gusot mo.” sagot naman ni Mr. Guevara sa anak.
“Inayos ang gusot, Dad, how?”
“Marry her,” tipid na sagot ng ama ni Calvin ang nagpalaki sa aking mga mata. What? Oh My Gosh. Ano daw? “Marry me” sa akin? Inuutusan niya na pakasalan ako ni Calvin my loves ko? Super Oh My G! Ang bait naman sa akin ni papa God. Ang hiling ko lang ay sana pumanig sa akin ang ama ni Calvin my loves ko. Then heto’t gusto pa nito na pakasalan ako ng anak niya.
Kung ako naman ay namilog ang mga mata sa pagkabigla at mangha. Si Calvin naman ay mabilis na nagsalubong ang mga makapal na kilay at dumilim ang mukha nito na napatitig sa akin. Tsk. Kung yello lang ako ay kanina pa ako natunaw dahil sa sama ng titig niya sa akin.
“What did you say, Dad? Marry her? No! I can’t Marry that woman, I don’t love her kaya bakit ko siya pakakasalan.” giit na sagot ni Calvin sa ama. Nasa tinig nito ang disgusto sa sinabi ng ama.
“Because you got her pregnant, Son. That’s only the reason.”
“No! Dad! Hindi ko pa napapatunayan na ako ang ama ng bata sa loob ng tiyan n’ya—----”
“Ikaw ang ama, Calvin, alam mo ‘yan, so please stop deny it, masasaktan si baby sa ginagawa mo.” lakas loob na sabat ko sa pangangatwiran ni Calvin sa ama nito. Nag-aapoy sa galit na tinitigan ako nitong muli. Then he held my wrist. Napa-igik ako sa sakit nang pigain niya ang palapulsuhan ko.
“Calvin, stop! Don't make a scene here. Nakakahiya sa mga tao na makakakita sa ‘yo. Baka isipin nila ay hindi ka namin tinuruan ng magandang asal ng Mommy mo.” sita ni Mr. Guevara nang makitang umaasim at napapangiwi na ang mukha ko dahil sa sakit ng higpit at diin ng hawak ni Calvin sa palapulsuhan ko.
“Ayokong masira ang career ko, Son, kaya sa ayaw sa sa gusto mo. Magpapakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon, hindi maganda sa baby na isilang siya na hindi naka-apelyido sa ama niya. Kaya kailangan niyong ikasal sa lalong madaling panahon.” Hinawakan ni Mr. Guevara ang anak sa magkabilang balikat nito. “I don’t need to please you to marry her, Son. You got here pregnant so be a man. Marry her at ‘wag mong kaladkarin ang family name natin dahil lang sa unexpected pregnancy ng babae na ginamit mo. You had her, used her body, you enjoyed her, I know you’re not a kid anymore. I’m sure that you’re aware of your actions. Kaya humantong ka sa sitwasyon na ‘to. Kaya naka-buntis ka. At dahil nabuntis mo siya… Marry her, Son. Marry her for the sake of your baby.”
“But… Dad—”
“No buts this time, Calvin. No buts. Kapag hindi mo siya pinakasalan. Bukas-makalawa ay magiging matunog ang balita na ‘to sa apat na panig ng pilipinas. I can’t imagined na ang sarili kong anak ang magiging headlines ng news na ibabalita ko sa radyo at tv. I can't, Son. I can’t.”
“Uhhh! s**t! Damn it, Dad! This is insane. Your decision is insane!” walang nagawa si Calvin sa desisyon ng ama nito na pakasalan niya ako. Lumakad si Calvin palayo sa amin ni Mr. Guevara, ngunit nakakailang hakbang pala siya ay muli itong pumihit paharap sa amin… Sa akin. Madilim ang mga mata na tinitigan niya ako.
“Prepárate porque voy a hacerte sufrir de verdad…”
Pagbabanta na sabi ni Calvin sa akin at muli ay tumalikod na ito at iniwan kami ng ama niya.
Napanguso naman ako dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ibang lengwahe ang sinabi na iyon ni Calvin. Pero kahit hindi ko maintindihan ay malakas ang instinct ko na pinagbabantaan niya ako. I smirked. As if naman I'm afraid of him. Tsk. Hindi ako takot sa ‘yo my Calvin my loves. Ang daming sunog baga sa lugar namin. May mga adik at snatcher pa na naglilisaw-lisaw sa lugar namin eh hindi ako natakot ni minsan. Sa ‘yo pa kaya? Ugh. Hindi mo pa ako kilala Calvin, ibahin mo si Cristely Alteros. Makikita mo at lalambot ka rin sa akin sa huli. I marked my words! Magiging akin ka rin sa huli. Hindi mo na lang basta iuungol ang pangalan ko sa sarap sa tuwing nasa ibabaw tayo ng kama. Bukas makalawa ay bibigkasin mo rin ang mga katagang “I love you Cristely Alteros! Mahal na mahal kita!” hindi ako titigil hanggat hindi ko naririnig na bigkasin ng mga labi mo ang mga salita na ‘yon, Calvin. Hindi ako papayag.