Billionaire 4

1478 Words
NGUMITI si Assi sa dalawang lalaking nasa harapan. Tumango siya pagkatapos nitong magpakilala. “Hello po, Sir Simon. It's nice to see you again, may problema po ba kahapon at bigla kayong napasugod dito para sa ‘kin?” Nagtataka kasi siya sa dahilan kung bakit bigla na lamang siyang kinailangan ng lalaki gayong kahapon niya lamang ito nakilala at nakausap. Napapaisip siya kung mayroong nagawang kasalanan dito kahapon nang hindi niya alam. Umiling naman ang ginoo na nagngangalang Simon. “No,”tugon nito at mahinang tumawa. “Actually hindi ako ang may kailangan sa ‘yo ngayon, but my friend Alejandro.” Hinawakan nito sa balikat ang kaibigan na nakaupo sa harap ng lamesa ni Doc Cindy. “He is Alejandro Portalejo, and he has something for you.” Mas lalo siyang napaisip sa sinabi nito. Hindi niya naman kilala ang lalaki at siguradong hindi pa nakita kahit na minsan kaya naman paanong mayroon itong kailangan sa kaniya. “H-hindi ko maintindihan, ano hong kailangan ninyo?” Tumingin siya sa lalaking nagngangalang Alejandro. Seryoso lamang ang mukha nito at pinagmamasdan siya. Pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang mukha, at maya-maya ay ngumiti. “I don’t think we can talk about it here properly. Can we go outside? It’s too private to talk about here.” Simon agreed. “Yes, let's have some coffee outside. Ito’y kung ayos lang sa ‘yo, Ms. Miller.” Maaliwalas palagi ang mukha ng lalaking ito dahil palangiti. “Don't worry hindi kami masamang tao. I am an attorney and my friend Alejandro is a businessman.” Mayroon itong kinuha sa bulsa ng suot na coat at iniabot sa kaniya. “Here is my business card.” Tinanggap niya naman iyon. “Ayos lang ho, naiintindihan ko. Hindi na kailangan nito, mukha naman kayong disenteng mga tao.” Ngumiti siya. Nagkasundo silang lumabas. Sumama naman kaagad si Assi maging sa sasakyan ng dalawang lalaki, kay Simon siya sumabay dahil ito ang kaniyang kakilala. Mukha naman itong mabait gaya ng una niyang pagkakakilala sa lalaki. Palangiti at palabati ito. “You often visiting the clinic?” “Po?” Hindi niya masiyadong narinig ang sinabi nito, dahil sa kakaisip ng dahilan kung bakit bigla na lamang may maghahanap sa kaniya na dalawang lalaki at pawang hindi niya kilala. “Pasensiya na, may iniisip lang ako.” Simon chuckled. “Ayos lang, ang tanong ko ay kung madalas ka ba sa clinic na ‘to?” She shook her head. “Hindi po. Kapag wala lamang akong pasok, saka ako nagpupunta rito para tumulong kay Doc Cindy.” Napatango ang lalaki matapos siyang saglit na sulyapan mula sa shotgun seat na kinauupan niya, katabi nito. Bumaba sila ng sasakyan at magkasabay na pumasok sa isang mamahaling coffee shop. Pinili nila ang spot kung saan walang gaanong tao. Ipinaghatak siya ni Simon ng upuan at naupo ito sa kaniyang tabi, samantala kaharap naman niya ang lalaking nagngangalang Alejandro. Iba ang awra nito kung ikukumpara kay Simon, masiyadong seryoso at maiilang kang kausapin o kahit na tanungin man lang. Alejandro gave her the menu. Tinanggap niya naman iyon ngunit hindi para um-order ng makakain kundi ilapag sa ibabaw ng lamesa. “Tubig na lang po ako, babalik din naman ako sa clinic agad. Marami pa ho kasi akong kailangan gawin.” Humarap siya kay Simon. “Pasensiya na.” Simon nodded. Nagkibit balikat naman si Alejandro at ito na ang um-order para sa kanilang tatlo. Pinagsalikop nito ang palad sa ibabaw ng lamesa at muli siyang pinakatitigan. Ang paraan ng pagtitig nito ay nakapagpapailang sa kaniya, kaya naman nag-iwas na lamang siya ng tingin. “I think you are familiar with surrogacy?” Kumunot ang kaniyang noo. Naalala niyang nabanggit na ito minsan ni Doc Cindy kaya naman tumango siya. Pero kahit nabanggit ito minsan ng doctor ay hindi pa rin siya nakakasalamuha nang ganoon. Minsan din siyang nakabasa ng article nito online, hilig niya kasi ang pagbabasa ng kung ano-ano. “Then, I will be direct to the point.” Alejandro look at her eyes. “Well, Ms. Assi Miller, I want you to be the surrogate mother of my child.” “Hindi kaya binigla mo siya?” tanong ni Simon. Lalong kumunot ang noo ni Assi. “Ano?” Nawala ang paggalang niya sa tono ng pananalita. “T-teka, nabingi yata ako. Anong ibig n'yong sabihin?” Pinagsalikop niya ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang mga binti. Bigla siyang kinabahan. Bago iyon sa kaniyang pandinig. Alejandro sighed. “I don't want to waste your time, that’s why I told you already what I need to you. Be the surrogate mother of my child.” She paused and tried to understand everything. “P-pero, bakit ako?” She looked at Simon. Nagkibit balikat naman ang lalaki at hinayaan silang mag-usap ni Alejandro. Nang dumating ang kanilang orders ay ito na ang nag-asikaso. “Don’t worry, hindi mo ‘to gagawin nang walang kapalit.” Ibinaling nito ang tingin sa kaibigan. “Oh, sorry.” Tila naintindihan naman ni Simon ang nais sabihin ni Alejandro sa isang tingin lamang. Mayroon itong kinuha sa suot na coat at inilapag sa lamesa. “Here, Assi, iyan ang matatanggap mo kapalit ng sinabi ni Alejandro.” Tinignan naman ni Assi ang iniaabot nito. Ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang makita ang halaga ng cheque na iyon. “Three million. I think that’s enough or higher than you expected.” Alejandro was determine to have his child in any way, he would not let Assi to refuse his offer today. “But then since you will carry my child, you don't have to think about the expenses, you just have to get healthy and carry my child for nine months. After that we're done. I will give the half of the money in advance.” Napalunok si Assi sa laki ng perang binanggit ng lalaki. Nagningning ang kaniyang mga mata roon, subalit ano ang kaniyang dapat itugon sa lalaki? Magbubuntis siya ng ilang buwan at makikita siya ng mga tao, ano na lamang ang iisipin ng mga ito? Ngunit bakit ba ang mga ito ang una niyang iniisip gayong ang malaking halaga ang dapat niyang intindihin. Sobra-sobra na ito upang mapagtapos niya sa pag-aaral ang bunsong kapatid na iniwan ng kanilang ina. Maari na rin silang makalipat kung sakali. Hindi kaagad tumugon si Assi, kaya naman sinubukan pa siyang kumbinsihin ng dalawang lalaki. “You will only carry his child, after nine months you’ll have the whole amount he offered you. Isn't it a good offer? Wala ka na ring poproblemahin sa mga gastusin, he will provide you everything,” nakangiting wika ni Simon upang kumbinsihin siya. “Saka sayang naman ang tatlong milyon.” Napalunok si Assi, talagang sayang nga iyon. “P-pero bakit ako?” Ito lamang ang kaniyang ipinagtataka ngunit mahalaga pa ba iyon sa ngayon? “Uhm, Assi, it's okay if you don't want. Maghahanap na lang kami ng iba.” Humigop si Simon sa in-order nitong kape. “If you know any puwede mo rin i-suggest sa ‘min.” Napakamot siya sa kaniyang batok. Wala na siyang dapat pang pag-isipan. Hindi biro ang ganoong halaga at maayos naman siyang inalok ng dalawang lalaki. “We will do this with a tied contract, don't worry, Ms. Miller.” Alejandro remained professional. “You'll have the full amout of money I offered and I'll have my kid.” Huminga siya nang malalim. “Sige, pumapayag na ako.” Sabihin mang nahihibang na siya ngunit anong gagawin niya? Nanghihinayang siya sa malaking pera. Hindi niya iyon kikitaan sa loob ng siyam na buwan sa pagtatrabaho sa kumpanyang kaniyang pinapasukan. Kaya naman buo na ang kaniyang desisyon. “Kailan ito sisimulan?”Hindi niya nais na magbago pa ang isip, dahil pagsisisihan niya ito. “We will arrange everything first then let you know when will it begin.” Simon smiled at her and looked at Alejandro. Umaliwalas ang mukha ng kaibigan dahil sa narinig na tugon ni Assi. Alejandro was so happy. Dahil sa wakas ay masisimulan na ang kaniyang binabalak. ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD