Billionaire 3

728 Words
IBINABA ni Assi ang buhat-buhat na karton. Ang laman nito ay ilang mga bedsheet at pillow case. Ngayong araw ay bumisita siya sa clinic ni Doctor Cindy. Isang obstetrician gynecologist or ob gyne. Kaibigan niya ito at madalas siyang tumutulong sa clinic nito upang tumulong sa ilang gawain tuwing siya ay naka-rest day sa trabaho. Paminsan-minsan ay tinuturuan siya nito patungkol sa mga bagay na alam ng doctor na sa palagay nito ay kaagad niyang mauunawaan at maia-apply sa oras na kailanganin niya habang tumutulong sa klinika. Sinimulan niyang palitan ang punda ng dalawang pares ng unan sa isang kama. Nang may maalalang kunin sa kaniyang bag ay lumabas siya ng silid. “Ang sipag mo talaga, Assi. Narito ka nanaman,” wika ng isang pasyente ng klinik. Malaki na ang namimilog nitong tiyan. Halos kilala na siya ng ilan sa pasyente dahil sa madalas niyang pagpunta roon. “Hello, Ms. Candice.” Ngumiti siya rito. “Mukhang malapit ka nang manganak. Ang laki-laki na ng tiyan mo.” Pinagmasdan niya ang bilugan nitong tiyan. Nakasalamuha niya na siguro ang lahat ng klase ng pasyente sa klinik ni Cindy, at itong si Candice ang pinakagusto niya, dahil bukod sa madalas siya nitong batiin ay napakabait pa. “Congrats po, mukhang malapit na talaga.” “Oo nga. Kukunin kitang ninang kapag narito na.” Tumawa ito at naupo sa waiting area. “May ikokonsulta lang ako kay Doc kaya ako narito.” “Hindi ba’y kabuwanan n’yo na? Bakit pa kayo lum—” “Assi,” tawag ni Doctor Cindy at lumapit. Galing ito sa loob ng opisina. “May naghahanap sa ‘yo.” Kumunot ang kaniyang noo. “S-sino po?” Sino ba amg inaasahan niyang bibisita sa kaniya sa klinik? Wala namang nakakaalam sa kaniyang mga kakilala na nagboboluntaryo siya roon. Kaya paanong may maghahanap sa kaniya kay Doctor Cindy? “Naku, Girl, ang ganda mo.” Tumawa ito. “Dalawang lalaki ang naghahanap sa ‘yo at mukhang mahalaga ang pakay kaya pinatuloy ko na sa opisina. Puntahan mo na lang. Mag-aasikaso muna ako rito.” Ngumiti ito at lumapit kay Ms. Candice. Hindi naman na siya nagtanong pa, ngunit hindi niya maiwasang isipin kung sino man ang naghahanap sa kaniya. Umiling siya at kaagad na lamang tinungo ang opisina ng doctor upang puntahan ang dalawang lalaking sinasabi nito na siyang naghahanap sa kaniya. Marahan siyang kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pintuan. Namilog ang kaniyang mga mata nang makilala ang isang lalaking nakatayo. Ito ay ang nakaraan niyang customer sa department store. Ang lalaki namang nakaupo sa tapat ng lamesa ni Doctora Cindy ay hindi niya kilala, kaya hindi pinansin. “Mr...” Hindi niya alam ang pangalan nito. “A-ano pong ginagawa mo rito? B-bakit ninyo ako hinahanap?” Marahan niyang isinara ang pintuan nang makapasok siya sa loob. Bigla na lang nag-iba ang kaniyang pakiramdam sa mga oras na iyon. “Hello, Assi.” Malapad na ngumiti ang lalaki at naglahad ng palad. “Ako si Simon, at ito naman ang kaibigan kong si Alejandro. It’s nice meeting a beautiful lady like you.” ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD