Chapter 32 Kino’s PoV Sino si Ma’am Bie? Paulit-ulit ito sa isipan ko habang nasa loob ng shower room. Kung hindi si Pancho ang pumatay sa nanay ko, sigurado akong ‘yung ‘Ma’am Bie na ‘yon ang may sala. May ideya na ako kung sino. Malaki ang probable cause niya, wala lang akong ebidensiya. And it frustrates me a lot. Gusto ko sumigaw, manuntok, at ibalibag ang mga nandito sa shower room. Malapit na sana… Abot-kamay ko na ang katotohanan pero bakit mailap pa rin ang hustisya? Nagbabad muna ako sa shower para mapanatag ang aking isip. Masyadong mabigat ang mga natuklasan at ginawa ko sa araw na ‘to. Pagkatapos kong mag-relax, kumatok ako sa pinto ni Miss Roxy. Mabuti at maagap niyang binuksan ang pintuan. Akala ko kasi ay kakatok ako magdamag dahil ayaw niya akong makita. “Miss,

