Chapter 31 Kino’s PoV Hindi ko napag handaan ang ganitong tagpo, wala akong back-up plan. Sino ba mag-aakala na bigla na lang darating si Miss Roxy at hahanapin ako? Wala na akong magawa kundi ang lumabas nang hinahanap niya ako. Kailangan lusutan ang gusot na ito. “Miss—” Apat na pares ng mga mata ang nakatitig sa akin nang bigla akong sumabat sa mainit nilang usapan. Kay Miss Roxy ako nakatingin dahil naiinis ako sa pangingialam niya. “See? Nakita ko si Kino kasama si Patring na pumasok dito. Pero bakit kayong tatlo ang naabutan ko?” Bumilis ang pagtibòk ng puso ko, paano ko lulusutan ito? Malamang nang makita niya ang pagpasok namin ni Patring ay dali-dali siyang sumugod dito at hindi na napanood na pumasok na rin sila Sir William at Henry. Tatlong tao tuloy ang lulusutan

