Chapter 30 Kino’s PoV Sa wakas ay napasok ko na rin ang security room. Napanood ko na rin ng bahagya ang footage. Hindi ito buo, may sumadyang pumutol ng video at kung sino man ang gumawa no’n sigurado akong siya ang pumatay sa nanay ko. Parang sasabog ang dibdib ko nang makita ang Mama ko sa huling sandali ng kanyang buhay at kasama niya pa ako. Ayoko mag-isip ng kung ano ano sa mga sandaling ito kung saan napaka-delikado. Isasantabi ko muna si Pancho at ang daan-daan kong katanungan. Dumating na kasi si Sir William at Henry. Mula sa silid na pinagtataguan ko, napapanood ko kung paano nila pagnasaan si Patring. Ang bills ng pangyayari, kani-kanina lang ay nag-uusap lang si Sir William at Patring, ngayon ay naghahalikan na sila. Sa pagkaka-alam ko, kay Sir William isinuko ni Patring a

