Parang sobrang umingay ang paligid. Walang sumisigaw o nagsasalita, pero maingay. Parang may nag bangaan sa dibdib ko na pilit kong pinaglalayo. Was I just confused? Si Benj pa rin ba talaga? Sadya lang bang masyadong naging absent si Benj nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko napapansin? “Okay, that’s enough. You’re embarrassing yourself,” saway ko sa kanya at uminom sa chocolate ko. He laughed as if he proved something na hindi ko alam. “That’s my talent,” sagot niya sabay kindat na parang wala lang. Wala lang naman talaga! Nagkakaroon lang iyon ng meaning kapag binibigyan ko ng malisya ang mga ginagawa niya, pero in reality, wala talaga. Nilingon ko si Blaise na halos makalimutan kong nandito pa nga pala. Kitang kita ko ang pag higpit ng hawak niya sa baso niya pero wala akong maga

