By the time na gabi na, ramdam ko na ang pagod sa buong katawan ko. Bukod sa ilang oras na kaming naglalakad, gulong gulo rin ang utak ko. Ang daming tanong na bumabagabag sa akin na pilit ko namang isinasantabi muna pero madalas talaga ay bigla na lang lilitaw. Ang daming bagay na ayaw kong sagutin pero alam ko rin na hindi ko pwedeng takbuhan habang buhay. "Since this is our last night here in Tagaytay and we're about to leave Philippines, let's go to a bar?" yaya ni Marco habang naglalakad kami sa hotel. "Right! We shouldn't waste this moment that we're all together because God knows when you guys are going back to US. Also, I want to bond with Benj and Daenerie!" dagdag naman ni Lexie. Madalas kaming mag inuman ni Benj pero kapag nag b-bar kami ay umuuwi akong wasted. Ang huling bar

