Tuluyan na akong nakatulog sa pagitan nilang dalawa. Hawak ni Benj ang kaliwang kamay ko samantalang hawak ko naman sa kanan si Blaise. I know I’m being unfair to Blaise. He didn’t sign up for something this confusing. Ginusto ko ang nangyari kagabi, at dahil doon, dapat maging tapat ako kung ano talaga ang nararamdaman ko. I should not use someone else just to make myself feel good. "That was a good nap! Thanks, Baks!" Si Benj ang naunang bumangon. Binitawan ko agad ang kamay ni Blaise kahit na madilim at alam kong hindi naman makikita ni Benj. Pagbaba namin ng van, sumalubong agad ang malamig na hangin. Everyone else was stretching while I stood there, trying to get myself together. "Baks!" pinulupot ni Benj ang kamay niya sa braso ko. "Ang lamig sobra! Payakap nga," lambing niya. I g

