Tahimik ang buong hapag nang makababa ako. Si Benj lang ang maingay na kung ano-anong sinasabi tungkol sa kagabi. Ako, halos hindi makagalaw dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang nangyari kagabi. Samantalang si Blaise naman ay parang alam na alam na may nangyayaring gulo sa utak ko. Pagtapos kumain ay nag decide sila na bumyahe papuntang Tagaytay. Hindi sigurado kung balikan lang ba o mag s-stay kami ng isang araw. May van na dala sina Ate Blaire kaya pinakuha na lang nila ang sasakyan ni Benj para sama-sama na kami sa iisang sasakyan. "Can I sleep at the back? I want to sleep," sabi ni Ate Bielle na um-agree naman ang lahat. Sa susunod na upuan naman si Ate Blaire na gusto ring mapag-isa para makahiga. Wala kaming choice tatlo kung hindi mag tabi-tabi sa upuan sa likod ng driver dahil wa

