Nakatitig ako sa sunod-sunod na messages na pumasok sa phone ko galing sa isang group chat na hindi ko alam kung bakit ako kasali.
Family Trip
Iyon ang pangalan ng group chat. Tinignan ko ang mga beach houses na sine-send ni Benj, at binabasa ko naman ang mga replies ng mga kapatid niya. Walang reply si Blaise at hindi rin siya nag s-seen sa messages kaya hula ko ay siya 'yung tipo ng tao na sasama na lang dahil planado na dapat ang lahat.
Bumuntong hininga ako at pinatay ang phone ko. Hindi ako sumagot sa kahit anong chat nila hindi dahil katulad ako ni Blaise na gusto ko sila ang magplano kundi ay hindi ko alam kung tama bang nandoon ako sa group chat na 'yon.
Ilang minuto ang lumipas ay biglang nag ring ang telepono ko. Video call mula sa group chat. Hindi ko alam kung sasagutin ko pero nakita kong nag join na si Benj at Ate Blaire kaya naman sinagot ko na lang din.
"Ayan! Buti naman at sumagot kang bruha ka. Ang tahimik mo sa GC eh!" Si Benj ang unang bumati sa akin. Kumaway si Ate Blaire kaya kumaway din ako sa kanya.
"Daenerie, we want you to come with us. You're practically family, right?" Ngumiti lang ako sa sinabi ni Ate Blaire. Sumilip bigla si Ate Bielle sa camera.
"You're Benj's favorite, so attendance is a must, Daenerie! Besides, soon enough you'll be working with us. It's the perfect time to get to know each other," sabi naman niya.
Bago pa ako makasagot ay biglang bumungad si Blaise na kasasagot lang ng tawag. Nag kukusot siya ng mata na para bang nagising lang siya sa tunog ng tawag.
"Sorry. Nagising ka ba namin, Blaise? Ito kasing si Daenerie, hindi sumasagot sa group chat kaya kinailangan naming tawagan to make sure she's coming," paliwanag ni Benj. Nakatitig lang ako kay Blaise na sinusubukan pa rin mag adjust ng mata sa liwanag ng telepono niya.
"Daenerie's coming?" Tanong niya habang pumikit pikit pa. Nang maka-adjust na ang mata niya ay bumalik na ang yabang sa aura niya.
"Of course she's coming. She needs to come because surely, hindi rin papayag si Mama na she won't come with us," sagot naman ni Ate Blaire.
"Yes, isa pa, gusto rin ni Mama na kasama si Tita Cassandra. Alam kong family trip natin 'to, pero nasanay lang talaga kami na sila Daenerie ang kasama namin sa mga ganitong bagay," nahihiyang sabi ni Benj.
"Okay lang naman sa amin kung ayaw mo, Blaise. Hindi naman namin mamasamain kung gusto niyong kayo-kayo lang. Isa pa, dapat naman talaga ay magkaroon kayo ng bonding na kayo lang," nahihiya ko ring sagot.
"No, no. Don't worry, Daenerie. I'll be the happiest if you'll come." Gusto kong umirap sa kanya dahil sa kapilyuhan ng mga salita niya. O baka ako lang ang nag o-overthink na may meaning ang bawat word na lumalabas sa bibig niya.
Lumipas ang gabi sa pag p-plano lang. Until Saturday came when I found myself standing in front of a private beach house they rented for a week. Hindi sumama ang mga Kuya ko dahil may work sila pareho kaya kaming dalawa lang ni Mama ang kasama. Sinigurado ko naman kay Janice na dadalhin ko ang mga products na kailangan ko gawan ng promotion video para hindi nate-tengga ang work. While Benj made sure that the coffee and flower shops will be managed by his most trusted manager.
"Daenerie!" tawag ni Benj habang nakasuot ng loose white shirt at navy blue shorts. "Dito ka sa tabi ko, dali!" Tinignan ko si Blaise na nakaupo rin malapit sa kanya. Titig na titig sa akin na para bang hinuhubaran na niya ako sa kanyang isip.
But still, sumunod ako. How can I say no? It's Benj.
"Baks, ang ganda rito," bulong ko sa kanya. Tumango tango siya at umakbay sa akin.
"I'm so glad you came," he said. Napatitig ako sa seryoso niyang mukha na nakatingin lang sa dagat. Kapag ganito ang itsura niya, kamukhang kamukha niya si Blaise. Walang bahid ng tunay niyang kulay. "Hindi kasi kumpleto kapag wala ka." Bumaling siya sa akin.
My heart squeezed in the worst way possible. Ang mga salitang simple lang para sa kanya ang dahilan ng pagwawala ng puso ko.
"Dami mong bola," pilit kong sagot at iwas ng tingin. I was looking at the sea when I felt the stare of Blaise beside me kaya nilingon ko siya. Kita ko ang seryoso niyang ekspresyon pero nang makitang nakatingin ako ay bumaling na lang din sa harapan.
Nanatili kaming ganon nang ilang minuto bago nag desisyon si Benj na mag swimming. Hindi muna ako sumama dahil mainit pa at sigurado akong kakatayin ako ni Janice kapag nagpa-tan skin ako nang hindi ko sinasabi sa kanya lalo pa at whitening soap ang kailangan kong i-video mamayang gabi. Siguro ay tatapusin ko na lang muna lahat ng mga products na pampaputi bago ako magpapa-tan na kailangan ko pang ipaalam kay Janice.
"Benj loves you," casual na sabi ni Blaise sa tabi ko. Ngumiti ako at tumango.
"I know. Just not in the way I want him too," I confidently answered. Alam ko naman na mahal ako ni Benj. Hindi naman siya nagkulang sa pagsabi at pagpaparamdam noon sa akin.
"Why Benj, Aen?" Nilingon ko siya. Medyo malayo naman ang agwat namin sa isa't isa pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makahinga sa tanong niya.
"Maybe because he's the only person na nakatiis sa kaartehan ko kahit gaano katagal na ang lumipas." I chuckled. Hindi ko na nga halos maalala kung paano ko ba nagustuhan si Benj. Na-realize ko na lang na ayaw ko siyang may ibang kasama kasi naiinggit akong napapasaya siya ng ibang tao na hindi ako.
"I can do that," sagot niya. Ayan na naman siya.
"Hindi ganon kadali 'yon, Blaise. Kung ganon lang sana ang patakaran, bakit hindi? Hindi ko rin naman gusto pahirapan ang sarili ko, eh. Sa tingin mo ba ayokong mag move on at maghanap ng iba? Gusto ko rin. Pero... wala eh. Si Benj..." Tinignan ko si Benj na nag e-enjoy ngayon sa beach kasama sila Ate Blaire. "He's my best friend," bulong ko.
"I still don't understand that, Aen. You know that he likes men, and yet you still fall in love with him." Tumango ako dahil kahit naman ako ay hindi rin maintindihan.
"Every time na sinasabi ko 'yan sa sarili ko, parang auto reject 'yung reason eh. Every time na sinasabi kong kailangan ko nang umiwas, kailangan ko nang umalis, wala akong mapapala sa nararamdaman ko para sa kanya... hindi na tinatanggap ng sistema ko ang mga dahilan, Blaise." Nilingon ko si Blaise na nakatitig lang sa akin. Seryosong seryoso ang mga mata niya na para bang pilit niyang iniintindi ang mga sinasabi ko.
"That's why I want to help you, Aen. Forget about him and play with me. I don't care if you'll see him in me. I'll try harder and harder until you'll see me." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Alam kong laro lang ito para sa kanya kaya alam ko rin na hindi masyadong masakit para sa kanya kung sakaling pumayag ako sa gusto niya pero...
"If Benj finds out, it'll be the end of our friendship too, Blaise. I can't risk this. Isa pa, I have an upcoming workload from your company. Magiging boss kita. Bukod sa kambal kayo ni Benj, boss pa. Hindi pwede," pilit kong paliwanag sa kanya pero pilit din ang kunot ng noo niya na tila ba hindi niya tanggap ang mga dahilan ko.
"f**k," bulong niya nang umiwas siya nang tingin.
Titig na titig ako sa seryoso niyang mukhang nakatingin sa dagat. Hindi ko alam pero biglang dumaan ang kaba sa dibdib ko. Ibang iba sa nararamdaman ko kanina nang titigan ko si Benj.
But why do I feel like what I felt for Benj earlier is worse than what I am feeling right now?