Maling mali ang timing nang pag tawag ni Benj habang nag uusap sila Mama. Umalis ako sa sala at sinagot ito.
"Ano?" Bungad ko sa kanya na para bang ayoko siyang kausap kahit na kabaliktaran naman.
"Tinext ko si Blaise na sunduin ka, ah? Nasaan na kayo?" Tinignan ko si Blaise na nakikipag usap pa rin kay Mama. Napalingon siya sa akin dahil doon.
"Hindi niya sinabi sa akin na pinapasundo mo ako. Nandito pa naman siya, pero kaya ko namang pumunta mag-isa, Benj. Hindi na kailangan sunduin." Bumuntong hininga ako at lumabas ng bahay para makapag salita nang maayos.
"Eh kasi alam ko namang nagtatampo ka sa kagabi, Baks, kaya iniisip ko baka hindi ka pumunta kung itext lang kita na pumunta ka." Natahimik ako sa sinabi niya.
"Hindi na ako nagtatampo, nagpadala ka na ng chocolate eh," I casually said.
Ilang segundo siya natahimik bago nagsalita ulit.
"Hindi ko ideya 'yan. Si Blaise ang may gustong magbigay sa 'yo ng drink. Ako lang nag prepare dahil hindi naman niya alam kung paano, pero tinuruan ko na siya dahil daw gusto niyang matuto. Alam mo, kung hindi pa ako nagtanong kay Ate Blaire ay iisipin kong may gusto sa 'yo si Blaise! Pero ang sabi naman ni Ate Blaire ay ganyan siya sa kahit sinong kaibigan niya sa US," ako naman ang natahimik muli.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya na 'yon o maiirita.
"Anyway, sige na, pupunta na ako." Binaba ko na ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi ganito ang nararamdaman ko. Dapat lang na wala akong pakialam kung ganito pala siya sa lahat ng mga kaibigan niya sa ibang bansa. Ibig sabihin lang nito na kaibigan lang din siguro ang turing niya sa akin. Ayos na 'yon, hindi ba?
"Let's go?" Halos maibato ko ang cellphone ko nang marinig ko ang boses sa likod ko.
"Blaise naman!" Sigaw ko sa kanya habang hawak hawak ang dibdib ko.
"Sorry," aniya habang nakalapat pa rin ang ngisi sa labi niya. "You're always on edge whenever I'm near. I wonder why?" Umirap ako.
"Don't flatter yourself," mahina kong sabi.
"Can you blame me? You make it too easy," bulong niya at hindi ko na namamalayan na malapit na siya sa akin.
I'm not going to lie because I've been lying so many times for the past days already. Hindi ko alam kung maiinis ba ako, matutuwa, o uunahin ang paghilamos sa sarili para mahimasmasan. He's always teasing me! Laging parang may laro, pero kung laro lang talaga ito para sa kanya, bakit parang ako ata ang natatalo?
Bumaling ako sa mga mata niya na halos kamukhang kamukha nang kay Benj. Ang hirap hirap huminga. Parang gusto kong sabihin na Blaise, please lang, lumayo ka na lang muna, pero kahit sarili ko ay alam na hindi iyon ang gusto ko.
Ano ba, Daenerie!
"Stop doing that," utos ko.
"Doing what?" Kunwaring inosente niyang tanong habang nakangisi.
"That! Smiling at me like you know something I don't!"
"Maybe I do." Pumikit ako nang mariin.
"Nandito pa rin kayo? Tumawag na sa akin si Benj para magtanong kung umalis na ba kayo, kanina pa niya kayo hinihintay!" Tinignan ko si Mama na nag bubunganga na naman sa likod.
Hindi nagtagal ay pumasok na rin kami sa sasakyan para makaalis na. Mabilis lang naman ang byahe dahil malapit lang, pero hindi ko alam kung bakit parang ang bagal bagal ng oras.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naipit sa ganitong sitwasyon. Hindi ako manhid. Hindi ko pwedeng itanggi na may kilig akong nararamdaman kapag si Blaise ang kasama ko. Pero bawat titig niya, bawat biro niya, lagi akong bumabalik sa tanong.
Ito ba ang nararamdaman ko kay Blaise o baka ito ang nararamdaman ko kay Benj?
Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa gilid. Hindi pa kami nakakarating, pero tanaw ko na ang café. Dito ba siya mag p-park? May parking naman sa café.
"Bakit dito ka mag p-park eh meron naman sa café," sabi ko bago tumingin sa kanya. Nakahawak lang siya sa manibela at parang may iniisip. "Blaise, tara na at baka hinahanap na tayo ni Be---"
I was caught off guard when he looked at me and attacked my lips. Nung una ay maikli lamang pero nang tumigil siya sandali ay muli niyang sinunggaban ang mga labi ko. Dahil sa gulat ay hindi ako nakapag react kaagad kaya nang mahimasmasan ako ay tinulak ko siya palayo.
"Blaise, let's stop whatever this is!" Sigaw ko nang diretso, walang paligoy ligoy na para bang hindi pinag-isipan.
Tumigil siya, hindi na nakangiti. "Whatever this is?"
"I don't know what you want from me, but this is wrong! You're Benj's twin. My best friend, the one I love! And I..." I paused. And I think about you more than I should.
"I'm not him, Daenerie," sa matigas na ingles. "You keep lumping us together, But I'm not Benjamin!"
"Believe me, I know that," sagot ko.
"Then stop using him as your excuse! Kung siya ang mahal mo, bakit ako ang gusto mong iwasan?" Natigilan ako. Lumakas ang pintig ng puso ko sa tanong na iyon.
Bago pa ako makapagsalita, muli niyang idinikit ang labi niya sa akin. This time, it's softer and calmer. Kung gaano siya ka-agresibo kanina ay ganon namang kabaliktaran ngayon kaya mas lalong hindi ko naiintindihan.
"Blaise, stop," I whispered, but it was something I am not sure if I meant.
"Let me make you forget him, Daenerie." Nakakatukso ang mga salita niya dahil alam niyang alam kong walang pag-asa kay Benjamin. For heaven's sake, Benjamin is gay! Kahit saang angle, wala talagang mangyayari. Kung aamin ako sa kanya ay baka tawanan lang ako no'n at isiping nagbibiro ako.
Blaise isn't playing fair. He has an advantage because he knows what and who I want. Ang laki ng advantage niya dahil kamukha niya ang nag-iisang taong minahal at minamahal ko. I know what I'm feeling for Blaise is not love dahil sobrang bilis naman kung ganon? Dahil lang kamukha niya si Benjamin ay malilimutan ko na ang nararamdaman ko? Impossible.
It was a blessing and a curse sa existence ni Blaise. It was a blessing because who would've thought Benjamin would have a boy version? It was a curse because it's too late. Kung sabay ko silang nakilala ay baka wala akong problema. Baka hindi ako kay Benjamin nagkagusto dahil baka napigilan ko ang sarili ko na wala naman talagang pag-asa sa baklang 'yon. But now that I am best friends with Benj and his twin brother suddenly appeared, ang hirap.
"Blaise, please, hindi tama 'to. Ayoko, please, stop." Paulit ulit akong umiiling habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan.
Hinayaan niya akong umalis kaya tumakbo ako papunta sa café. Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko na para bang tumakbo ako ng marathon.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Benj na nag s-serve ng mga customer kaya dumiretso ako ng pasok sa office niya. Humiga ako sa sofa at hinayaan na lang muna ang sarili na magpaka-sad girl.
Nakalagay ang braso ko sa noo ko at ang mga hita ko ay nakalaylay sa gilid ng sofa. Nang bumukas ang pinto ay hindi ko inayos ang sarili ko pero tinignan ko ang pumasok. It took me a while before realizing it was Blaise, not Benj, kaya napabangon ako.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang dumating si Benj na parang kinakapa rin kung magsasalita. Halos malaglag ang puso ko nang bigla silang sabay magsalita, tinawag ang pangalan ko.
Pucha, parang may sariling multo ang konsensya ko kapag sabay ko silang nakikita.