Chapter 5

1354 Words
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko habang pinapainit ang ulam na niluto ko para sa kanila. Naririnig ko ang tawanan sa sala habang si Benj ay masayang nagku-kuwento. Wala siyang kaalam-alam kung ilang beses akong napatingin sa orasan, ilang beses akong sumilip sa labas para lang masiguradong hindi ko siya na-miss na dumating, o ilang beses akong tumingin sa telepono, inaantay ang tawag niya. "Daenerie..." Napatalon ako sa tumawag sa akin, pero kahit hindi ko pa ito lingunin ay kilalang kilala ko na kaagad. "Let me help you." "Hindi na kailangan, Blaise," malamig kong tugon. Isang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa bago ko narinig ang mahinang buntong hininga niya. "Knowing you for a short period of time, I know you don't want me to say something, but I just want to apologize for what happened tonight. Benj didn't had the time to update dahil lowbat ang phone niya. I don't have your number, but I should've tried harder to contact you, I'm sorry." Lumingon ako at nakita ko kung gaano siya kaseryoso. Pinisil ko ang daliri ko. Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa kanya o mananahimik na lang ako, pero bago pa ako makapag desisyon sa gagawin ko ay biglang dumating si Benj. "Ay, nandito ka pala! Akala ko nag CR ka!" Nagsalitan ang tingin ni Benj sa aming dalawa ni Blaise. Muli ko na lang tinignan ang iniinit na pagkain at pinabayaan silang dalawa. Ilang sandali pa lang ay nakita ko nang kumulo ang sarsa kaya pinatay ko na ang apoy. Nakita kong nakaupo sa dining chair si Blaise habang si Benj naman ay nakatayo, nakatingin sa akin. "Favorite mo," I simply told him. He smiled and hugged me. Normal naman naming ginagawa 'yon pero hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable ngayon lalo't ramdam ko ang titig sa amin ni Blaise. "Good timing for a tiring day, Baks! Thank you!" Ngumiwi ako nang higpitan niya ang yakap. Nakahinga lang ako ulit nang bumitaw na siya at nagsimula na ring ayusin ang mga plato. Narinig kong may bumaba kaya napasilip ako sa hagdan. Nakita ko si Mama na naka daster na at mukhang nagising lang. "Oh, masyado na yata kayong ginabi, Benj?" Nilingon ni Benj si Mama at nilapag ang plato sa mesa bago lumapit at nagmano. "Opo, Tita. Nakakahiya na nga po kay Daenerie eh." Naglakad din si Mama papalapit sa akin habang nilalapag ko ang ulam at kanin sa lamesa. "Kain ulit, Ma," yaya ko sa kanya. Tumango siya at tinignan si Blaise. "Nako, Blaise, pasensya ka na sa anak ko, ha? Nasabi niya sa akin ang nangyari sa bar sa pagitan niyong dalawa. Hindi niya talaga inaasahan na ikaw ang kausap niya at hindi si Benj." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Tinignan ako ni Blaise nang nakakunot ang noo. "Ma! Nakapag sorry na ako kay Blaise na tinawag ko siyang bakla, ma. Okay na 'yon, nakapag usap na po kami, 'di ba, Blaise?" Ngumiti ako sa kanya. He smirked at me and nodded. Natapos ang gabi nang mapayapa. Nagpaalam na sila sa akin matapos kumain dahil pagod na rin sila Bielle at Blaire. Nagpahinga na rin ako pagtapos non dahil hindi ko na rin kinaya ang antok sa sobrang tagal kong nag hintay sa kanila. Kinabukasan, pagbaba ko ay naabutan ko naman si Mama na nag aayos ng mga papel sa lamesa. "Ginabi na sila, 'nak. Sobrang traffic daw talaga. Sana hindi mo minasama?" Ngumiti ako kay Mama at umiling. Alam ko kung gaano kahalaga para sa kanya na mananatili kaming magkasundo ni Benj. Ayaw na ayaw nilang dalawa ni Tita na magkaaway kami. "Hindi naman po, Ma. Naiintindihan ko po." Tumango si Mama at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Pupunta ka ba sa café ngayon o may shooting ka kasama si Janice?" Napaisip naman ako at tinignan ang cellphone para i-check ang sched. Wala namang tawag o kahit ano si Janice kaya sigurado akong wala akong schedule, pero tinignan ko pa rin para makasigurado. "Hindi ko sure kung pupunta ako sa café ngayon, Ma, pero wala naman akong schedule ng shooting." Matapos kong sabihin 'yon ay bigla kong narinig na may kumakatok sa gate namin. Napakunot ang noo ko at sinilip muna iyon sa bintana. Nang makita ko kung sino 'yon ay para na naman akong hinahabol ng ilang hayop sa sobrang kaba. "Sino 'yan, 'nak?" Tanong ni Mama na hindi ko napansin na sumunod din pala sa akin. "Si Benj? Bakit hindi dumiretso ng pasok?" "Si Blaise po ata 'yan, Ma." Iniwan ko si Mama sa may bintana at lumabas para harapin si Blaise. Nang mamataan niya ako ay agad na sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Naiirita ako tuwing nilalabas niya ang ngisi na 'yon dahil sigurado akong hindi siya ganon ngumiti. May halong pagkapilyo at pang aasar ang mga ngiti niya. "Good morning," bati niya sa akin sabay abot ng cup galing sa café. "Hindi ako nagpabili. Isa pa, hindi ba nasabi ni Benj sa 'yo na bawal ako sa kape?" Ang ngisi niya ay napalitan ng pag nguso na ngayon. "Siya ang nagpapabigay niyan sa 'yo. That's not a coffee— it's a chocolate. He made it for you just like how you want it, he said. Apology gift daw for last night." Nagbago ang timpla ko dahil sa sinabi niya at agad na napangiti sa kilig. "Bakit hindi siya ang nag abot kung ganon?" Umiwas siya nang tingin habang nakakunot ang noo. Kinuha ko sa kanya ang cup kaya agad na pinasok niya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa. "He's busy— do you really smile like that whenever he does something cheesy for you?" Natahimik ako sa tanong niya. It was something I didn't expect him to ask dahil madalas naman ay observant lang siya, pero never like this na diretsong magtatanong. "Bakit ka ba nandito?" Iwas ko sa tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "'Nak, papasukin mo si Blaise dito at malamok sa labas!" Sigaw ni Mama na narinig naman ni Blaise kaya bumalik ang ngisi niya sa mukha. The side of my lips alse rose, but not in the way like his. "Hindi na raw, Ma, aalis na raw siya!" Umirap ako sa kanya at tinalikuran siya bago sinubukang pumasok sa loob, pero hinila niya ang braso ko at inunahan pa ako. Nakatitig lang ako sa kanya habang inaasikaso siya ni Mama. Ano ba ang balak ng isang ito at bakit nandito siya? Kung ang dahilan lang naman ng pagpunta niya ay para ihatid ang bigay ni Benj ay dapat umalis na siya. "Kamukhang kamukha mo talaga si Benj. Kahit ako ay nalilito pa rin sa inyong dalawa. Mabuti na lang magkaiba kayo manamit," daldal ni Mama sa kanya. "Ever since we're kids, Benj has always been into girl stuff," sagot naman nito sa matigas na ingles. Kung titignan sa labas ay halos pareho talaga silang dalawa. Walang pinagkaiba. Wala kahit balat o nunal na magsasabing magkaiba silang dalawa. Kahit ang hulma ng mukha nila ay iisa. Ngunit kung maigi mong aaralin, ang mga labi nila ang magkaiba. Mas mapula ang labi ni Blaise kaysa kay Benj. Si Benj ay naglalagay lang minsan ng lipstick para pumula ang labi niya pero ang isang ito ay natural. "Hindi ko masisisi ang anak ko kung inakala niya talagang ikaw si Benjamin noong una kayong magkita. Pasensya na ulit sa nangyari, ha? Mahilig kasing mag asaran si Benj at 'yang si Daenerie kaya siguro nung nakita ka ay hindi napigilan ang bibig." Ngumiwi ako sa sinabi ni Mama. Mali ang magsinungaling, alam ko, pero sa mga ganitong pagkakataon, nagpapasalamat na lang ako na sumasakay lang si Blaise sa mga sinasabi ko sa iba. "Does she really not know Benj has a twin brother?" Tanong ng kumag na 'to na ikinataas ko ng kilay. Anong akala niya sa akin, nagpapanggap lang? "Hindi talaga, Blaise. Kahit ako, ang alam ko lang ay may tatlo siyang anak na hindi niya kasama pero hindi ko alam na may kakambal si Benj." Napatulala ako sa gilid habang nag uusap silang dalawa. Kung nalaman ko ba nang mas maaga, anong magbabago?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD