Benjamin was my ride-or-die. I couldn't betray him. Not this way. Masyado kong pinapahalagahan ang relasyon naming dalawa para lang magpadala sa tukso at sa damdamin ko na hindi ko rin naman maintindihan.
"No, no, Blaise..." I stopped him when he started kissing me. Tumigil naman siya kaagad pero may bahid ng pagkalito sa mga mata niya.
"I don't understand you," bulong niya.
Paulit-ulit akong umiling bago siya iwan sa rooftop. Nakasalubong ko si Benj na paakyat para puntahan kaming dalawa kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Kanina pa kita hinahanap, Baks! Kasama mo si Blaise?" Tumingin siya sa likuran ko pero dahil hindi ako makapag-isip nang maayos, nilagpasan ko lang din siya.
"Daenerie!" Narinig kong tawag ni Blaise kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko pababa.
"Daenerie, kaya pa ba ng schedule mo kung tatanggapin natin ang offer nila?" Bungad na tanong sa akin ni Janice. Hingal pa ako kaya hindi ko masyadong maintindihan ang tanong niya.
"Ah... Hindi ko pa sigurado. May kopya ka naman ng schedule ko 'di ba?" Tinignan ko siya, pero agad na naagaw ni Blaise at Benj ang atensyon ko.
Ang hirap pa rin nilang tignan lalo na ngayon. Suot ni Blaise ang damit ni Benj pero kitang kita pa rin naman na mas hulma ang katawan niya sa sobrang higpit ng yakap ng pang itaas niya.
"Meron, pero syempre wala akong kopya ng schedule mo para sa personal mong problema," sagot naman niya.
I gulped and tried to focus.
"Please, Daenerie. We need your physical features as our model. You're so beautiful!" Pinilig ko ang ulo ko at tumingin kay Bielle na 'di hamak ay mas maganda pa kaysa sa akin.
"Pang Pilipinas lang naman 'to." I smiled at her. Ngumuso naman siya at nilingon ang mga kapatid niya sa likod.
"Benj," tawag niya kaya napatingin ako kay Benj. Nahihiyang ngumiti si Benj bago ako nilapitan.
"Usap tayo?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya para na naman akong hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Kung kayang kayang iparamdam sa akin ni Benj ang mga ganitong bagay sa normal na hawak lang, bakit pa ako naguguluhan sa nararamdaman ko?
Hindi ako sumagot pero tumayo ako at sumama sa kanya sa gilid. Tanaw pa rin naman nila kami, pero sigurado akong hindi nila naririnig ang usapan naming dalawa.
"Benj... Hindi ko alam. Malaking commitment 'to kung sakali. Kung US ang market nila at magsisimula pa lang sila rito sa Pilipinas, sobrang risky nun dahil hindi pa naman ako kilala." Hinigpitan ni Benj ang hawak niya sa mga kamay ko kaya napakunot ang noo ko sa kanya.
"I know it's risky, Aen, pero sigurado rin akong hindi ka nila papabayaan, pati na rin ang kompanya nila. Kung alam nilang hindi bebenta ang mukha mo, sigurado akong papalitan nila kaagad. Sa ngayon, ikaw ang gustong gusto nila. Do it for me, Aen, sige na. Ngayon ko lang sila nakasama kaya gusto ko sana na ang mga hiling nila ay mapagbigyan ko." Umirap ako dahil sa sinabi niya.
"Alam mo, mas malala ka pa mang manipulate kaysa sa mga naging ex mo, eh. Bakit ka nga ulit naloloko?" Tumawa siya nang malakas kaya medyo napatingin sa amin ang mga tao. Ngumisi muna siya bago ngumuso.
Fuck.
"Please, Aen..." Muli akong napairap, pero natigil ang tingin ko kay Blaise na titig na titig sa amin.
"Kiss," bulong ko habang nakatingin kay Blaise.
Napaawang ang labi ni Blaise at dumiretso nang tayo. Ngi-ngisi na sana ako nang biglang hinalikan ako ni Benj sa noo kaya nabalik sa kanya ang atensyon ko.
"Arte mo talaga!" Titig na titig ako kay Benj matapos niyang gawin 'yon.
"Sige na, sige na!" Niyakap niya ako agad nang mapa-payag niya ako sa gusto niyang gawin. Panis na ngiti lang ang binigay ko sa kanya habang hinihila niya ako pabalik sa table nila.
Masaya siyang binalita ang naging desisyon ko kaya si Janice na ang nakipag-usap sa kanila para sa contract kahit na sinabi kong gusto ko itong gawin nang wala sa kontrata, ayaw pa ring pumayag nila Bielle dahil gusto nila na merong kasiguraduhan na hindi ako aalis bigla.
Ang iniisip ko lang naman ay baka sila ang magbago ang isip, tulad ng sabi ni Benj. Ayoko sanang matali sila sa kontrata at mapilitang iahon ang kompanya kung sakali na hindi maging mabenta ang mukha ko sa publiko para sa malaking brand.
"Samahan mo ko mamaya, ha?" Bulong niya sa kalagitnaan ng pag-uusap nila Janice at ng mga kapatid niya.
"Sama rin kami!" Habol ni Blaire kaya ngumiti ako.
"Mag c-commute lang kami," sagot ko naman.
"I have my car." Nilingon ko si Blaise at natahimik na lang.
Syempre may sasakyan siya, mayaman siya, eh.
"Ayos lang ba? Medyo malayo kasi ang pag bibilhan namin dahil masyadong mahal ang mga supplies dito," nahihiyang tanong ni Benj.
Sa ilang araw na nandito ang mga kapatid niya, parang ibang Benj ang nakikita ko. Oo, ganon pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin, pero kapag kaharap ang mga kapatid niya ay para siyang bumabalik sa pagiging bata.
"No problem, Benj!" Kinamot ni Benj ang kanyang batok bago tumingin sa akin.
"Alam mo... bakit hindi na lang muna kayo mag bonding magkakapatid? Tsaka na lang ako sasama kapag wala ka talagang kasama. Magandang pagkakataon 'to para makagala kayo nang kayo lang," I suggested.
"Aw, we want you there," malungkot na sabi naman ni Bielle. Ngumiti ako sa kanya.
"Mas maganda kasi kung kayo-kayo lang muna para rin makilala niyo pa nang lubos ang isa't isa." Muli kong tinignan si Benj na nakatitig sa akin.
"Kailangan ata ni Benj ang emotional support system niya," bulong sa akin ni Janice kaya natawa ako at medyo hinampas siya.
"Huwag kang mag-alala. Kung gusto niyo, sa bahay kayo dumiretso para maipaghanda ko kayo ng pagkain." Nakita ko ang malaking ngiti sa mukha ni Blaise nang sabihin ko 'yon. Pumalakpak naman si Bielle at tumango tango pa.
"Are you sure?" Tanong ni Benj kaya tumango ako. Nilabas na naman niya ang nguso niya na ang sarap sarap sunggaban.
"Paborito mo na lang ang lulutuin ko para matikman din nila," I calmly said. Kuminang din ang mga mata niya na para bang excited na excited siya dahil sa sinabi ko.
"Kung hindi ko lang kailangan bumili ng supplies, hindi na ako tutuloy dahil gusto ko na agad kumain!" Napailing ako habang nangingiti.
Paborito niya ang chicken curry na palagi kong niluluto para sa kanya. Sa totoo lang, iyon lang din naman ang kaya kong lutuin na sigurado akong hindi madi-disappoint ang kakain. Most of the time ay pang normal na luto lang ang mga ulam na niluluto ko.
Pag uwi ko ng bahay ay sinabihan ko na kaagad si Mama sa naging plano ko. Dahil masaya siyang makita ang mga kapatid ni Benj ay excited din siyang bumili ng mga putahe na gagamitin ko.
"Wow, ikaw ang magluluto?" Tanong ni Kuya Cam nang maabutan akong chine-check ang mga binili ni Mama.
"Yes, Kuya. Darating ang mga kapatid ni Benj dito mamaya kaya ako ang magluluto." Sinilip din niya ang manok na hawak ko kanina.
"'Wag mo masyadong anghangan, ha? Si Kuya, alam mo na." Tumango ako at ngumiti kay Kuya Cam.
Hindi kami pareho ng ugali ni Kuya Damian kaya hindi ko siya masyadong kasundo. Mostly ay si Kuya Cam din ang kausap niya para sa negosyo nilang tatlo nila Papa. Hindi naman ganon kalaki ang negosyo na 'yon, pero kailangan pa rin ng atensyon para hindi tuluyang malugi.
Maya't maya ako napapatingin sa orasan dahil sigurado akong magmamadali si Benj sa pamimili niya. Niluto ko na kaagad ang ulam dahil balak ko na lang sanang initin 'yon pag uwi nila.
Pero anong oras na, wala pa rin sila. Kaya naman hindi ko na napigilang i-text si Benj kahit na ayaw ko sanang makaabala sa kanila.
"Wala pa? Una na kami kumain, ha?" Tanong ni Mama. Tumango ako at tinignan sila Kuya Damian na naghahanda na ng mga plato.
"Mamaya na po ako, Ma. Iintayin ko na sila Benj." Tahimik na tumango lang din si Mama. Hindi matanggal ang mga mata ko sa telepono ko dahil baka mag reply siya.
Isang oras, dalawang oras, hanggang sa umabot na ng alas dose ng gabi, wala pa rin kahit isang reply.
Bumuntong hininga ako at pinipigilan ang sariling maiyak sa sitwasyon. Alam kong ideya ko naman na umalis sila, pero sana man lang ay nagsabi siya kung hindi siya matutuloy ngayon.
Masama ang loob kong kumuha ng ulam dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Alam kong wala akong karapatan na magtampo dahil mga kapatid naman niya ang kasama niya, pero sobrang hirap man lang bang magsabi o mag-iwan ng isang text?
"Baks, sorry!" Napatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Benj sa likuran ko at agad akong niyakap.
"Ay putangina mo!" Muntik ko nang ihampas sa kanya ang sandok na hawak ko.
"Baks kasi na-stuck kami sa traffic! Sobrang traffic talaga, tanong mo pa si Blaise! Pagod na pagod na nga si Blaise dahil sa sobrang traffic. Sorry na! Gutom na gutom na ako, Baks!" Napaawang ang labi ko habang sinisilip si Benj na nakayakap pa rin sa likuran ko. Naaninag ko si Blaise at ang dalawang babae na nakatingin lang sa amin.
"Sige na, i-initin ko na 'to. Magpahinga na muna kayo sa sala," bulong ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang yakap niya sa likuran ko.
"Baks, 'wag kang magalit!" Pinatong ni Benj ang kanyang noo sa balikat ko. Napatulala ako habang binubuksan ang stove.
Isa ito sa mga pagkakataon na parang ilegal na makaramdam nang kung ano-anong emosyon.
Ang daya daya.