Nakatulala ako habang ang manager ko ay nasa tabi ko at may kinakausap na bagong partner. Nasabi ko na rin sa kanya ang possibility ng partnership ko sa pamilya ni Benj, pero hindi pa namin priority ‘yun sa ngayon.
“You know, you should be a bigger artist. Dapat mas malaking commission na ang sinisingil mo dahil at some point, nakikila ka naman na,” sabi nung brand manager na kausap namin. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Drinks.” Benj served our coffee. Nandito kami sa shop niya. Bukod sa flower shop ito, café din siya kaya mas relaxing tumambay dahil puro bulaklak.
We discussed the terms and conditions. Sa huli naman ay pumayag na rin ang manager ko na mas mataas ang ibayad sa akin dahil siya rin naman ang nag insist.
“Kakapagod!” Sigaw ko nang matapos ang meeting at makaalis na ‘yung client.
“Ayos lang ‘yan, tiis ganda ka talaga.” Natawa ako at uminom ng kape.
“Hey.” Napalingon ako kay Benj na tumawag sa akin.
“Ano na naman ‘yun baks?” Kumunot ang noo niya at umiwas ng tingin.
“Huwag mo na nga munang guluhin si Daenerie dito, Benjamin. Doon ka na muna sa kitchen!” Pinaalis siya ni Janice, ang manager ko, pero hindi siya natinag.
Ilang segundo pa ng pag titig sa kanya, napaayos ako ng upo.
Hindi siya si Benjamin.
“It’s okay, Janice. That’s not Benj. Kakambal niya ‘yan, si Blaise.” Titig na titig ako kay Blaise nang mapalingon siya sa sinabi ko.
Kilalang kilala ko na si Benj kaya sigurado na ako ngayon kung paano ko mai-identify kung sino siya at sino si Blaise. Pero hindi ko maikakaila na parehong pareho sila ngayon dahil damit ni Benj ang suot ni Blaise.
“Ha?!” Ngumisi ako. Lumapit sa akin si Blaise kaya sinundan ko siya ng tingin. Ano na naman bang gusto ng isang ito?
Naalala ko, nangako nga pala ako kay Mama na hihingi ako ng tawad sa kanya. Siguro, ito na rin ang oras para pag-usapan namin ang nangyari nung gabing ‘yon.
“Oh, hi, Daenerie!” Sumunod ang mga babae niyang kapatid na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makabisado ang pangalan. Alam ko lang na Blaire at Bielle pero hindi ko alam kung sino sila roon.
“Hello! Ito nga pala si Janice, ‘yung manager ko at kaibigan ko na rin. Nasa kitchen ata si Benj, gusto niyo bang tawagin ko?” Tumingin ‘yung panganay doon sa manager ko at ngumiti.
“So, you are her manager? I want to discuss something with her about the endorsement of our products pala, is today a good time?” Napakurapkurap si Janice at lumingon sa akin.
“Kapatid kayo ni Benj? Talaga? Bakit ang gaganda ng mga ito tapos si Benj ay ma-chaka?” Tanong ni Janice kaya natawa ako sa kanya.
“Baliw ka talaga! Ano… Okay lang naman, pero siguro mag tanghalian muna tayo? Kakatapos lang din kasi halos ng meeting namin.” I smiled sweetly at her.
“She’s right, Blaire. She seemed… tired,” komento ni Blaise kaya napatingin ako ulit sa kanya.
“Teka lang, tawagin ko lang si Benjamin sa kitchen.” Tumayo ako at umalis na sa harapan nila. Tinignan ko si Jayson, ang bantay sa counter niya. Tinuro naman agad ni Jayson ang kitchen na para bang sinasabi niyang nandoon si Benj.
“It’s okay, mag re-restock na lang tayo later.” Pinanood ko sandali si Benj habang seryoso siyang nag c-check ng mga stocks niya.
Iba siya sa personal, iba siya sa trabaho. Pagdating sa ganitong bagay, halos wala silang kaibahan ni Blaise. Para siyang… hindi siya.
Napangiti ako. At least I am still feeling something for him. Akala ko simula nung dumating si Blaise ay parang nawindang na rin ang nararamdaman ko para kay Benj.
“Benj,” mahinang tawag ko kaya napalingon siya sa akin. Isang malaking ngiti ang binigay niya sa akin at sinalubong ako.
“Kumusta ang signing ng contracts? Ayos ba?” Tumango tango ako. Niyakap niya ako. Hindi naman ito ang unang beses na may na-seal akong contract pero tuwing ganito ang sitwasyon, hindi siya nakakalimot na yumakap at bumati.
“Nasa labas mga kapatid mo, Baks,” agad kong sabi dahil baka kung saan pa makarating ang daydreaming ko sa yakap niya.
“Ay talaga? Akala ko mamaya pa sila. Sige, sandali lang at tatapusin ko lang ito para isahang bili na lang ng mga kailangan mamaya.” Tumayo ako sa gilid at pinanood siya. Minsan ay napapakunot ang noo niya pero nang titingin siya sa akin ay ngi-ngiti lang kaya ngumingiti ako pabalik.
Ang daya daya naman, Lord. Bakit hindi na lang siya?
Biglang pumasok sa isip ko si Blaise. Simula nung nagkakilala kami, hindi na niya ako tinantanan. Hindi ko alam kung dahil ba gusto niyang pag-usapan ang nangyari, pero kung nagawa niya ‘yon sa akin nang hindi niya alam na kaibigan ko si Benj, ibig sabihin ay normal niya lang ‘yon, so bakit kailangan niya pa akong kausapin?
Naputol ang pag-iisip ko nang kunin na ni Benj ang braso ko. Naglakad na kami palabas at doon napatingin sa amin sila Blaise na nakaupo na sa table kung nasaan ako kanina.
“Sakit na ng ilong ko,” sabi ni Janice.
“Pasensya na, Janice, marunong silang umintindi ng Filipino pero kung mag sasalita ay minsan hindi pa nila kaya mag diretso,” paliwanag naman ni Benj. Tumango tango si Janice at tumingin sa akin.
“OA mo kala mo naman first time.” Natawa naman siya sa sinabi ko. Kumuha si Benj ng dalawang upuan at nilagay sa magkabilang kabisera para sa akin at para sa kanya.
Magkatabi si Blaise at si Janice kaya tinignan ko ang upuan na nasa tabi ni Janice pero biglang tumayo si Blaise.
“Dito ka na lang maupo,” sabi niya at lumipat sa upuan na katabi nung inalisan niya.
Wala na akong nagawa dahil naupo na rin si Benj sa upuan na tinabi niya kay Janice kaya doon na ako sa kung saan umalis si Blaise.
“We really wanted you to model our products, Daenerie. You’re so beautiful and we know that you are trustworthy,” komento naman nung mas batang babae.
“Wala namang problema roon. Wala ka namang contract na exclusive. Ayos lang kung tatanggapin mo ang contract nila as long as hindi rin sila mag r-request na exclusive ka,” sagot naman ni Janice, pero ako ang kausap.
“Nako, pabor na pabor sa kanya ‘yan, Ate Bielle, Ate Blaire. Kaya sigurado akong papayag ‘yan kaagad kahit walang contract!” Pumalkpak naman si Blaire, ‘yung panganay, ata?
Tama naman si Benj. Kahit walang contract ay papayag akong mag model ng mga products nila hindi dahil gusto ko, kung hindi dahil kay Benj. Siya lang naman talaga ng sentro ng mga desisyon ko. Dahil kapatid niya ang mga ito, wala akong magawa.
“Sandali, hindi ba sa US naka-base ang business niyo? Paano ‘yun?” Tanong kong bigla.
“Ah, yes, we’re based in the US, but Blaise is starting a new branch here in the Philippines. He started it weeks ago and it will be completely functional next month, hopefully.” Nilingon ko si Blaise. Hindi siya nakatingin sa akin ngayon dahil umiinom siya ng kape, pero nang matapos siya ay tinignan niya ako.
I smiled at him, which I think shocked him.
“Kaya ‘yan,” bulong ko na mas lalong nagpagulat sa kanya. But later on, he smiled.
My heart was beating so fast when he did. Ang mga ngiti na ‘yon na most of the time kay Benj ko lang nakikita at ang pagbilis ng t***k ng puso kong kay Benj ko lang nararamdaman.
Anong nangyayari sa akin? It’s so unfair! Kung nararamdaman ko ‘to dahil nakikita ko si Benj sa kanya, sobrang unfair! Sobrang unfair para sa akin dahil alam kong kahit kailan, hindi siya magiging si Benj. Sobrang unfair para sa kanya, hindi ko na kailangan ipaliwanag kung bakit.
“Oo nga pala, Baks. Samahan mo ako mamaya bibili ng mga stocks ko, ha?” Nilingon ko si Benj at tumango.
“Can we go, too?” Tanong naman ni Bielle. Benj chuckled and nodded.
It’s good to know that they never had bad blood with each other despite being away for so long. Bihira na lang ang ganitong mga relasyon na hindi naman lumaki kasama ang isa’t isa.
Naging abala na bigla si Benj nang may bumibili ng bulaklak. Sila Bielle at Blaire naman ay nag-uusap tungkol sa mga fashion, at si Janice ay kailangan nang umalis.
“Can we talk?” Tinignan ko si Blaise. Ngumiti ako at tumango.
“Excuse us,” sabi ko kanila Bielle. Tinignan nila kaming dalawa ni Blaise at bumalik na lang sa pag-uusap.
Ako ang naunang maglakad paakyat sa rooftop.
“Daenerie…” I raised my index finger to stop him.
“I’m sorry, Blaise. I’m sorry for what happened that night, I didn’t mean to mock you or offend you in any way. Akala ko talaga ikaw si Benj dahil hindi ko talaga alam na may kakambal siya.” Umigting ang panga niya sa sinabi ko.
“What about what happened between us?” Napaiwas ako ng tingin.
This is unfair.
“I’m sorry,” wala akong ibang masabi.
“Did you regret it?” Bumuntong hininga ako.
“Believe me, I didn’t. I’m not regretting anything, Blaise. It was my first time, and it was magical.” Iyon naman ang totoo kaya bakit ko itatanggi?
“Magical because you thought it was Benjamin?” Tinignan ko siya.
This is so unfair.
“I’m sorry,” muli kong bulong dahil iyon naman din ang totoo.
“Why him, Daenerie?” Ngumiti ako nang mapait.
If only I know, too.
“Sana kaya nating sagutin ang mga tanong na ‘yan, Blaise.” I chuckled.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang lumapit siya sa akin. Titig na titig siya kaya napaatras ako nang bahagya.
Kinulong niya ako sa pader at halos mamangha ako sa nararamdaman nang bigla niyang halikan ang leeg ko.
“I don’t care if you see him in me. I don’t care if you’ll imagine doing it with him while doing it with me. I won’t stop until you stop thinking about him. Think about me, instead, Daenerie.” Walang alak, pero nakakahilo.
Bigla akong nahilo at hindi ko na bigla maintindihan ang bawat salitang binibitawan niya.
Parang iniwan na ako ng konting katinuan dahil inangat ko ang ulo niya at sinimulan siyang halikan.
This is so f*****g unfair.