Tahimik kaming kumakain sa hapag pero maya’t maya ko napapansin ang pag sulyap sa akin ni Blaise kaya hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya. Kada magtatagpo ang mga mata naming dalawa ay ngi-ngisi siya na para bang alam na niya agad ang tumatakbo sa isip ko.
“Aray!” Sigaw ko nang bigla akong kurutin sa tagiliran ni Benj.
Napatingin silang lahat sa amin kaya yumuko ako at kinurot din si Benj.
“Aray, bakla ka talaga!” Sigaw din niya. Sinamaan ko siya nang tingin dahil ang harot harot niya.
“Kayong dalawa, ang gulo gulo niyo talaga!” Saway sa amin ni Mama kaya pareho kaming natahimik.
Binabagalan ko ang pag kain ko dahil ayokong matapos. Alam ko kasi na kapag natapos ako, yayayain na ako ni Blaise sa labas at ayokong mangyari ‘yon.
“Ice cream tayo?” Tanong ko kay Benj at umarte na naman ang bakla.
“Too sweet, Daenerie.” Umirap ako sa kanya. Kahit kailan, hindi talaga marunong bumasa ang isang ito.
“May ice cream dyan sa ref, kunin mo, Daenerie,” utos sa akin ni Tita Bianca. Ngumuso ako at tinignan si Benj.
“Samahan mo na ako!” Umirap si Benj at hindi ako pinansin.
“Samahan mo na, Benjamin!” Nag hysterical naman ang bading at umalog alog pa na para bang ayaw niyang mahawakan siya.
“I can go with her.” Mabilis pa sa isang segundo ang pag lingon ko kay Blaise. Ngumiti siya sa akin kaya napatingin din sa kanya ang mga kapatid niyang babae.
“Hindi na, ako na ang sasama sa kanya,” sabi naman ni Kuya Cam.
“Cameron,” awat sa kanya ni Mama.
“Ma?” Umiling si Mama kay Kuya kaya iritadong pumirmi si Kuya sa upuan niya.
“Nako, Blaise, pabayaan mo siya. Ang tagal tagal na niya rito, hindi niya mapuntahan ang ref?” Tinaasan ako ng kilay ni Benj kaya padabog akong tumayo para pumunta ng kusina.
Tangina talaga ng baklang ‘yon, wala man lang ka-gentle gentle sa katawan!
“Bullshit kasi,” bulong ko habang hinahalungkat ang freezer.
“So, you’ve mistaken me for my brother.” Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang magsalita sa likod ko. Napasara ako ng ref at agad na napalingon sa kanya.
“Wala akong alam sa sinasabi mo.” Alam kong nakakairita kanina si Benj dahil akala ko nagpapanggap siyang walang nangyari, pero ngayon ay kailangan kong gamitin ang tactics niya.
“Really?” Lumapit siya sa akin at kahit gusto kong umatras, wala na akong aatrasan.
“It’s an honest mistake! Dapat sinabi mo sa akin na nagkamali ako!” He chuckled with what I said. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa mukha niya. Parehong pareho sila ni Benj ng itsura pero mas seryoso lang ang aura niya.
Syempre, lalaki ito samantalang si Benj ay bakla.
“I didn’t even know you were referring to my brother. I just thought you were some girl who tried to hook up with a guy by using that tactic.” Tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya sa akin, kaladkarin?
“For your information, first time ko ‘yon!” Napatikhim ako nang lumapit ang mukha niya sa akin. Isang ngisi ang binigay niya sa akin matapos kong sabihin ‘yon.
“I know,” sagot niya. Ilang beses akong lumunok at inaaway ang sarili dahil pwede ko naman siyang itulak, pero bakit hindi ko gawin?
“T-tigilan mo ako! Akala ko ikaw si Benj, kaya…—” I stopped myself. I realized how wrong it was to say it.
Bakit? Kung si Benj talaga ‘yon, anong gagawin ko?
“You’re in love with my brother, then?” Parang nababasa niya ang nasa utak ko at sinatinig niya ‘yon. Tinakpan ko kaagad ang bibig niya at napalingon sa labas.
“Manahimik ka! Baka marinig ka niya!” Iritado kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang pag galaw ng labi niya sa kamay ko kaya napababa ako rito.
“He’s gay,” he pointed out.
“Obviously.” Umirap ako. Nakuha ko na ang ulirat ko kaya naman bumalik ako sa ref at hinanap ang ice cream.
Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Wala pa siyang ginagawa, pero parang nahihilo na ako kaagad.
“Sucks that you thought it was him last night. I doubt he’s as good as me in bed,” bulong niya. Nanginig ang tuhod ko sa sinabi niya.
“Gaga, wala naman tayo sa bed kagabi. Laki ng ulo nito! Tantanan mo nga ako Blaise!” Nilayo ko ang katawan ko sa kanya at kumuha ng baso para sa ice cream. Nang makakuha ako ay binalik ko ‘yun sa freezer at bumalik na rin sa table.
“Asan na ice cream?” Tanong ni Benj. Sumunod ang tingin niya kay Blaise na nasa likuran ko.
“Nandoon, kumuha ka! Ayaw mo akong samahan, ‘di ba?” Bahagya niyang sinabunutan ang buhok ko kaya hinampas ko siya.
They had a few conversations before calling it a day.
“Tita Cass, dito po matutulog si Daenerie!” Nilingon ko si Benj na nag de-desisyon nang hindi ako tinatanong.
“Baliw ka ba? Wala akong damit!” Kinurot ko ang tagiliran niya at agad siyang ngumiwi.
“Ano naman? Gamitin mo ang damit ko! Napakaarte nito akala mo just now!” Sinamaan ko ng tingin si Mama baka sakali na matulungan niya ako.
“Isa pa, may mga bisita kayo kaya nakakahiya sa kanila!” Nakita kong ngumisi muli si Blaise sa sinabi ko.
“Oh, I would love to hang out with you,” sabi ni Blaise na agad kong kinairita.
“Blaise manahimik ka nga!” Sigaw ko na ikinagulat nilang lahat.
Sa sobrang irita ko ay nag walk out ako palabas.
Ginulo ko ang buhok ko dahil kuhang kuha talaga ni Blaise ang init ko. Hindi ko alam kung paano ako a-akto sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko akalain na may kakambal si Benj at siya pa talaga ang kasama ko kagabi.
“Baks, ano bang nangyayari sa ‘yo?” Sinundan ako ni Benj kaya mas lalo akong hindi mapakali.
“We met last night, Baks. Hindi mo naman nasabi sa akin na may kakambal ka. Inasar asar ko pa siya dahil akala ko ikaw ‘yon! Ilang beses ko siyang tinawag na Bakla sa harapan ng maraming tao. May mga tinanong pa akong below the belt! Hindi ko alam na hindi ikaw ‘yung kausap ko!” Mas lalo kong ginulo ang buhok ko.
Isa lang ang alam ko, hindi pwedeng malaman ni Benj na may nangyari sa amin kagabi ni Blaise.
“What the f**k? Kaya pala you’re all weirded out mula kanina pa! Anong sinabi mo sa kanya?” Kinwento ko ang mga pinag-usapan naming dalawa ni Blaise, pero hanggang counter lang ang kwento ko. Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa halikan.
“Wala kang sinabi na may kakambal ka!” Ulit ko at sinisisi sa kanya ang lahat dahil talaga namang kasalanan niya!
“Bakla ka talaga ng taon, jusko po!” Hinampas ko siya.
“Mas bakla ka ng taon! Kasalanan mo ‘yan!” Kinurot kurot ko pa siya dahil naiirita talaga ako.
“Daenerie.” Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. Halos matunaw ako sa paraan niya ng pagtawag sa pangalan ko.
“Parang awa mo na, Blaise! Tigilan mo na muna ako at hindi pa ako makarecover sa kahihiyan ko sa ‘yo kagabi. Please lang! Hindi naman kasi sinabi nitong magaling kong best friend na may kakambal pala siya kaya paano ko naman malalaman na ikaw ‘yon?” Nilakihan ko siya ng mata para iparating sa kanya na kailangan niyang sakyan ang kwento ko kung hindi, malilintikan talaga kami pareho.
“It’s fine, Daenerie. I don’t care about what happened last night. It’s understandable.” Ngumisi siya sa akin kaya napatulala na naman ako.
“Aen, tara na!” Hinila ni Kuya Cam ang kamay ko palabas ng bahay kaya kumaway ako sa kanila.
Habang nasa tricycle, pilit kong inuulit ulit sa utak ko ang nangyari kagabi. Kahit na ayaw ko naman itong maalala, hindi ko talaga maiwasan na isipin ang lahat.
I know it’s bad that Benj was the one on my mind when that happened, but I can’t ignore the fact that it was so good. Maybe it was good because I thought it was Benj? Pwede ba ‘yon? s****l desire ko ba ito sa kanya? Gosh, I’m the worst best friend ever kung ganito ang iniisip ko kay Benjamin!
“Magkakilala kayo nung kambal ni Benj, nak?” Tanong ni Mama nang makarating kami sa bahay. Bumuntong hininga ako at umiling.
“Nagkita kami sa bar kagabi, Ma, pero hindi ko akalain na kakambal ni Benj iyon. Akala ko si Benj dahil hindi ko naman alam na may kakambal pala ang baklitang iyon. Kaya pala nung sinasabihan ko siyang bakla ay nagagalit siya sa akin,” tumawa ako nang bahagya sa sinabi.
“Hala, nakakahiya naman kay Blaise iyon, anak!” Namula ang pisngi ko.
“Oo nga, Ma, kaya nga hindi ko siya makausap kanina. Nahihiya ako. Huwag kang mag alala, Ma, bukas kapag naayos ko na ang sarili ko, hihingi ako ng paumanhin sa kanya.” Tumango tango si Mama at nginitian ako.
Mama made sure we’ll grow up with full respect. Hindi siya pumapayag na meron kaming gawin na hindi niya magugustuhan kaya naman sigurado akong masaya siya nang marinig mula sa akin na hihingi ako ng tawad.
On the other note, Blaise really deserved my apology. Napahiya siya sa mga taong nakarinig ng mga sinabi ko at talaga namang unacceptable ang mga bagay na sinabi ko sa kanya kahit pa sabihin na wala naman akong ideya na hindi siya si Benj.
Thinking about it, they really had the same features. Walang pinagkaiba bukod lang sa mas seryoso ang mukha ni Blaise kaysa kay Benj at mas mapula ang labi ni Blaise na para bang palaging galing sa laplap.
I couldn’t help but think about how he kissed me last night. It was… something else.
Am I fantasizing over him? Or maybe because he does look like Benj? I seriously need to get my s**t together.