Inabot sa akin ni Mama ang piso bilang bayad sa pakikipaglaro ko sa anak ng kaibigan niya sa palengke. Ganon ang gusto ni Mama para sa akin. Gusto niyang matuto akong makipag kaibigan pero halos lahat ng nire-rekomenda niya sa akin ay wala namang maayos ang ugali.
Not until Benjamin came. Bago lang silang lipat sa lugar namin. Hiwalay ang kanyang magulang at siya lang ang kasama ni Tita Bianca na lumipat ng lugar. May mga kapatid siya, pero kahit kailan ay hindi naman ako nagtanong dahil wala akong pakialam sa history ng buhay niya.
We grew up together. We graduated together. And we reached our dreams together. Meron siyang flower shop na malapit din sa may palengke samantalang ako naman ay freelance endorser ng mga starting brands.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagmamahal ko sa kanya. Ayoko pa ngang aminin noon na mahal ko siya. But when he got into a relationship, it wrecked my world to the point that I thought it was incurable.
Para sa akin, walang pag-asa. Sino bang aasa eh kada naghahanap ako ng pogi, naghahanap din siya? Alam ko na noon pa na hanggang kaibigan lang kaming dalawa at kahit kailan, hindi naman na ako naghangad pa ng sobra pa roon.
Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ang nangyari kagabi. Akala ko dala lang ng alak, o baka dala nga lang talaga ng alak. Pero hindi ko akalain na ganito niya naiisip na solusyunan ang bagay na ‘yon.
“Ayos ka lang ba, Baks?” Tanong niya sa labas ng CR dahil doon ako dumiretso matapos niya akong kausapin.
Naitago ko nga sa kanya nang ganito katagal ang nararamdaman ko, ano sa tingin niya? Hindi ko kayang magpanggap na wala lang ang lahat?
“Ayos lang, Baks! Lalabas na rin ako!” Pinunasan ko ang mga luha ko bago lumabas ng pinto. Nakaabang lang siya sa pintuan kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mga titig niya sa akin kaya naman agad akong kinabahan.
“Baks, sabihin mo nga ang totoo, anong nangyari sa ‘yo kagabi?” Kumunot ang noo ko at nilampasan siya.
Wala ako sa mood. Hindi ko pa nako-kondisyon ang sarili ko sa palabas niya kaya mamaya na niya ako kausapin.
“Salamat at pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko,” sabi ni Tita Bianca. Napalingon niya sa amin ni Benjamin nang bumalik kami sa sala.
“Pasensya na, hindi makakasama si Daniel ngayon dahil kailangan niyang mag tagal sa trabaho,” paliwanag ni Mama kay Tita Bianca.
“Ayos lang. Sapat na kayo,” natatawang sagot naman ni Tita Bianca.
“Nako, ang daming pagkain, Tita! Anong okasyon ba?” Tanong ko nang mapansin na ang daming handa ni Tita Bianca.
“Darating ang mga anak ko ngayon, Aen. Sa ilang taon na lumipas, ngayon ko na lang ulit sila makikita.” Pumalakpak ako sa sinabi ni Tita Bianca at niyakap siya.
“Congratulations, Tita!” Hindi ko tinitignan si Benj dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.
Kaya ko ‘to. Konting oras lang naman siguro itong dinner na ‘to, hindi ba?
“Kaya naman pala! Sana sinabi mo sa akin kaagad para natulungan kita sa mga putahe!” Nag-usap pa sila ni Mama ng ilang minuto hanggang sa tumunog na ang doorbell.
Napalingon kami roon at pinanood si Tita Bianca at si Benj na salubungin ang kanilang pamilya.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Tita Bianca kasunod si Benj… na iba na ang damit… at dalawang babae pa… at si Benj.
Nagkatitigan kami ni Benj na iba ang damit at kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako.
“Nako, ito iyong sinasabi kong mga kaibigan ko. Ito si Cassandra, kumare ko sa palengke. Ito naman ang mga anak niya. Si Cameron, Damian, at ito si Daenerie,” pakilala sa amin ni Tita Bianca.
Hindi ko na maintindihan ang dibdib ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatitig sa lalaking nakatitig din sa akin.
“Nako, kamukhang kamukha mo si Benjamin!” Komento ni Mama sa lalaking nakatitig sa akin.
“Kambal silang dalawa. Si Blaise at si Benjamin. Ito naman si Blaire, ang panganay ko. At ito si Bielle.” Para na akong nabingi matapos sabihin ni Tita ang katagang iyon.
Kakambal ni Benjamin.
“Baks! Kakambal ko si Blaise! Nagkita na kami kagabi sa bar. Kaya kita hinahanap kasi ipapakilala sana kita sa kanya!” Umikot ang paningin ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang lahat.
Ang lahat lahat.
Ang damit ng lalaking nakausap ko sa counter at ang damit ni Benjamin kagabi.
Magkaiba.
Ang mapupulang labi ng lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang tanging bagay na naaalala ko kagabi. Ang labi niya… Ang malambot niyang labi na kayang magpaamo sa akin.
“Daenerie!” Tinapik ni Mama ang balikat ko at kahit na nahihilo ay ngumiti ako.
“N-nice meeting you! Excuse me, I need to use the bathroom ulit!” Tumalikod ako at bumalik sa CR.
Hindi si Benjamin… Hindi siya iyong kagabi! Hindi siya… kung hindi… ang kakambal niya!
Napahawak ako sa buhok ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi si Benjamin. Hindi ko kay Benjamin binigay ang unang beses ko. Hindi nagpapanggap si Benj na wala siyang maalala.
Wala siyang maalala dahil hindi naman siya ‘yon!
“f**k!” Sigaw ko at napatitig sa salamin.
It wasn’t Benjamin!
“Baks, anong nangyayari sa ‘yo?!” Kinatok ako ni Benj kaya inayos ko muli ang sarili ko. I need to get my s**t together! I need to focus and rethink!
“Kaloka, Baks! May boy version ka pala!” Sabi ko paglabas. Kumunot naman ang noo niya at marahan akong sinampal.
“Kalandian mo, Baks! Kilabutan ka nga! Baka naman pati si Blaise ay patusin mo. Isipin mo na lang na tuwing makikita mo siya ay makikita mo ako. Kilabutan ka, please.” Napatitig ako sa kanya.
Hindi ba… iyon nga ang maganda?
Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip. Tangina, ano ba itong pinag-iisip ko? Dapat ay ayusin ko muna ang mga nasa utak ko dahil… dahil dito.
“Sila na ang magkasama mula pa noong maliliit pa lang sila kaya ganyan ang dalawang iyan. Kulang na lang ay pati sa pag ligo, magkasama silang dalawa,” narinig kong kwento ni Tita Bianca. Napalingon sila ulit sa aming dalawa ni Benj. Sinulyapan ko ang kakambal ni Benj pero agad akong umiwas ng tingin nang mapansin na nakatingin din siya sa akin.
Kailangan ko lang matapos ang dinner na ‘to nang hindi kami nakakapag-usap. Wala akong panahon. It was a stupid decision I made last night. Hindi ko naman alam na may kakambal pala si Benj!
“Hmm… So, you are a freelance endorser?” Tanong nung babae sa akin. Hindi ko na maalala ang pangalan niya dahil hindi naman ako nakikinig kanina.
“Ah, yes. Sa mga starting business ako madalas kinukuha. Maliit lang naman kasi ang fee ko kaya siguro ganon.” Ngumiti ako sa kanya.
“That’s nice. Why don’t you try to model some of our products?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Pumalakpak naman si Benj sa tabi ko.
“Tamang tama! Sobrang ganda nitong friend ko kaya siguradong bebenta lalo ang mga products niyo. Isa pa, mas makikilala siya kung malaking company ang ie-endorse niya.” Tinignan ko si Benj at kumindat pa siya sa akin.
“Well, yeah, she’s very pretty,” komento naman nung isa kaya napayuko ako at nahiya.
“Syempre naman, mana ata ito sa Mama namin.” Umakbay sa akin si Kuya Cam at tumawa pa. Ngumiti lang ‘yung babae sa kanya kaya napatikhim ako.
“So, you’re childhood friends?” Tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Kagabi ko pa iyon narinig at halata namang hindi si Benj ang nagsasalita sa sobrang lalaki ng boses nito.
“Yes! Binayaran siya ng piso ni Tita Cassandra para makipaglaro sa akin. Simula non ay naging magkaibigan na kaming dalawa.” Ngumiwi ako sa sinabi ni Benj. Kailangan pa talagang sabihin ‘yan?
“Ah, so you know from the start that he’s gay?” Napatitig ako sa kakambal ni Benj. Hindi ko masagot ang tanong niya.
I am trying to dig out some memories from what happened last night because I was pretty sure I kind of admitted to him that I was in love with him.
“Hay, wala namang pakialam ‘yan! Alam na niya at tanggap niya ako from head-to-toe, ‘di ba, Baks?” Nagtawanan naman sila Mama sa tanong na ‘yon ni Benj. Maliit na ngiti lang ang binigay ko kay Benj.
“And you didn’t know he had a twin brother?” Lumunok ako paulit ulit. Alam ko nasa isip nito. Childhood best friend ako kaya dapat alam ko ang buong kwento niya.
“Hindi ko alam. Dahil nga nagsimula lang kami sa pagbabayad sa akin ni Mama ng piso para makipaglaro sa kanya, hindi ko na sinubukang alamin ang nangyari sa pamilya niya dahil wala naman akong interes. Hindi ko naman alam na may boy version pala siya.” Muling nagtawanan sila Mama pero mapait akong ngumiwi.
“You’re interesting. Mind if I talk to you outside for a while?” Tinitigan ko siyang muli.
“Bakit?” Natatawang tanong ni Kuya Cam sa akin.
“Well, I just want to get to know my twin’s childhood friend. I mean, if there’s someone I should ask about my twin, it should be her, right?” Sagot naman niya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya at ganon din siya sa akin.
“Cassandra?” Nilingon ko si Mama na tinawag ni Tita Bianca.
“Ayos lang naman sa akin kung ayos lang kay Aen.” Ngumiti ako kay Tita Bianca. Ayoko siyang ma-lungkot kung tatanggi ako.
“Sure. After eating,” sagot ko at muling ngumiti kay Blaise. He smirked at me which sent shivers down my spine.
Ang mga bagay na ni-rehearse ko kanina para kay Benj, nire-rehearse kong muli para kay Blaise.
Fuck this life. f*****g f**k! Kung simula pa lang sana ay itong boy version na lang ang nakilala ko, eh ‘di sana wala akong problema!