Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Tuwing si Benj ang kausap ko, si Blaise ang iniisip ko. Tuwing si Blaise ang kausap ko, si Benj naman ang iniisip ko. Ganito ba talaga kapag kambal? Hindi mo talaga maiiwasang mag kumpara? Pero bakit ko nga ba sila pinagkukumpara eh kahit magkamukha sila ay magkaibang magkaiba sila ng ugali.
"I just don't want you to think of something else, Aen." Umiwas ako nang tingin at tinignan na lang ang dagat na hindi ko na matanaw ngayon sa sobrang dilim.
"I am not thinking of anything, Blaise. I'm not even thinking about you and that Calliope girl. Be in love with her all you want, for all I care. I am in love with your brother, and I'm not even hiding it to you," muli kong sambit. Kung kanina ay siya ang nauunang maglakad, ako naman ngayon ang naglakad palayo sa kanya.
"I already like someone else," bulong niya na muling nagpatigil sa akin.
"Yeah, I heard," sagot ko na parang walang pakialam dahil wala naman talaga. I know from the start that he just wanted the thrill of chasing me. Kaya niya ako pinipilit na pumatol sa kanya dahil nag e-enjoy siyang habulin ako dahil matigas ako. Boys only want love if it's torture. Ngayon, kung sasabihin niyang may nagugustuhan siya, mas mabuti. Para matigil na rin siya sa kahibangan niya tungkol sa akin. "And again, Blaise, I don't care." Nilingon ko siya.
Titig na titig siya sa akin at hindi ko alam kung bakit parang nanlalambot ang mga tuhod ko sa mga titig niya. Suddenly, I remembered the first night we met each other. Or at least the night I thought he was Benj and had s*x with him. His stares had the same intensity as that night. Para akong tinutunaw ng mga matang nakatitig nang mariin sa akin na para bang kitang kita niya ang buong katawan ko.
I felt naked.
"Let's go back," biglang sabi niya sabay talikod sa akin para bumalik. Hindi na ako nagsalita at sumunod lang muli sa kanya.
Pagbalik namin ay umakyat na ako sa kwarto namin ni Benj. Hindi na nasundan ang kahit anong pag-uusap namin ni Blaise. Hanggang kinabukasan ay pansin ko ang pag-iwas niya sa akin kahit na madalas kaming nagkakasabay sa kusina nang walang kasama. Hindi katulad noon na palagi siyang may banat. Ngayon, para lang akong hangin sa kanya.
Nagpatuloy 'yon sa buong linggo na magkasama kami. At sa mga susunod na araw ay hindi siya nagpapakita sa akin.
"Si Blaise? Hindi ko siya nakikita lately," hindi ko na napigilang itanong kay Benj ang bumabagabag sa akin ilang araw na.
"Working daw sabi ni Ate Blaire. Nung nakaraan ay nakasama naman namin siya sa isang dinner. Dapat nga i-invite kita kaso sabi niya ay kami-kami lang daw muna." Tumango ako. Tama naman din.
"Ayos lang 'yon para naman makasama mo talaga sila, 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya.
"Oo nga pala, baks, magsisimula na pala 'yung sa endorsement mo sa company nila Ate, ha?" Tumango ako dahil na-notify na ako ni Janice ng schedule ko for photoshoot next month. Hindi ko akalain na mabilis lang pala ang magiging proseso non, o baka bumilis lang ang panahon nang hindi ko namamalayan.
Lumipas pa ang ilang mga araw nang hindi nagpapakita si Blaise sa akin. Palagi kong tinatanong si Benj kung nasaan siya, pero palagi ring sinasabi ni Benj na nag t-trabaho kaya hindi ko na rin sinusundan pa ng tanong. Kung may trabaho, bakit nandito sila Ate Bielle? Siya lang palagi ang wala.
It's been three weeks. Three weeks since the beach walk with Blaise. Three weeks since he just decided to ghost me. Honestly, wala naman akong pakialam.
O wala nga ba?
Radio silence! Walang chat, walang tawag, walang banat, walang "I'm outside, come down," tulad sa mga movies, wala lahat!
And I hate that I notice it.
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang nakaka-badtrip.
"Baks!" Nagulat ako at napatigil sa pag s-scroll ng pictures sa phone ko. "Earth to Baks?" si Benj, hawak ang dalawang mug.
"Ha? Ano?" Napatuwid ang nang upo dahil sa pagtawag niya sa akin.
"You've been staring at your phone for like... five minutes. May inaantay ka bang mag-text?" Umirap ako sa nakangisi niyang mukha.
"Wala," simpleng sagot ko.
"Hmm... Okay. Alam mo pansin ko these days parang lagi kang natutulala. May problema ka ba?" Natahimik ako at pinatay na lang ang phone ko. Umupo siya sa harap ko at inabot sa akin ang isang mug na may chocolate drink.
"Wala. Pagod lang siguro ako at iniisip ko 'yung paparating na shoot ko para sa company ng mga kapatid mo." Tumango siya pero nakatitig pa rin siya sa akin na parang inaaral niya ako.
Tumayo siya at tumabi sa akin. Binalot niya ang braso niya sa braso ko at humiga sa balikat ko kahit sobrang liit ko para sa kanya.
"If you need me, baks, sabi ka lang," ayan na naman siya. His soft tone, the familiar clinginess na hindi romantic o seductive. Just Benj being Benj. Sweet, soft, and unintentionally addicting.
"'Di naman tayo pwedeng magpalit ng katawan baks para ikaw na sana ang umattend sa mga photoshoots ko," biro ko sa kanya na kinatawa naman niya. he leaned and kissed my cheek. Mabilis, harmless, but enough para magka-mini heart attack ako. Normal naman 'to sa amin pero putang ina, this is the reason why I'm so confused!
And why Blaise's sudden absence was driving me insane? I hate to admit it, pero sanay na akong nandyan siya. Sanay na ako sa mga banat niyang galing unreal world. 'Yung mga paraan niya ng pagtingin sa akin na parang pinag-iisip niya ak kung okay pa bang huminga.
Tapos bigla siyang mawawala? Nakakainis!
"Kailan nga ulit 'yang shoot mo na 'yan?" Tanong niya at bumalik sa harapan ko.
"Next week," sagot ko. Tumango tango siya.
"Ah, kaya pala nag invite sila ng mga pinsan namin sa side ni Dad para umuwi rito sa Pinas. For launch ng bagong branch nila here." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"What?" Tinignan niya ako na para bang wala siyang idea kung bakit ako nabigla.
"Yeah, launch party for their new branch. Mangyayari 'yon after the shoot. Kailangan na ata ang mga pictures mo before launch party para mapakita sa lahat ang model. Of course, invited ka. Hindi pwedeng wala ka dahil ikaw ang star ng gabing 'yon!" Kumunot ang noo ko at tinignan ang schedule ko na sinend ni Janice.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang launch party nga na nakalagay sa Sabado next week. Wednesday ang shoot ko! Nag focus lang ako sa photoshoot dahil hindi ko naman expected na may kasunod na pala agad 'yon!
"Nandon si Blaise?" Biglang tanong ko na mukhang kinabigla rin ni Benj.
"Baks, nakakahalata na ako ha! Baka naman may gusto ka sa kambal ko, kabagin ka naman!" Pinisil ko ang pisngi niya dahil sa sinabi niya at umirap. Tawa siya nang tawa sa naging reaksyon ko pero kung alam niya lang kung gaano ako kinabahan sa sinabi niya.
"As if naman, baks. Kung si Blaise lang pala, bakit hindi na lang ikaw?" Tinignan niya ako na parang nandidiri siya sa sinabi ko kaya dinaan ko na lang din sa tawa.
"Kadiri 'to! Hindi tayo talo, baks. Pareho tayong may abs ang gusto," simpleng sabi niya at dapat masaktan ako, pero hindi. Sanay na akong nire-reject niya ako kahit na hindi niya alam na rejected ako.
But... why does his rejection felt lighter now than before? Bakit parang wala na masyadong sting? Not even a little bit.