Lumalim ang gabi at tuluyan na ngang nalasing sina Ate Bielle at Ate Blaire kaya hinatid na sila ni Blaise sa kanilang kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Benj sa may pool side. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses kaming nagkasama na kaming dalawa lang. Nito kasing mga nakaraang araw ay palagi niyang kasama ang mga kapatid niya. Kung hindi naman ay nakatambay siya sa coffee shop.
"Ang hirap pala baks..." siya ang nagsimulang magsalita. Tinignan ko siya, nag aantay ng kasunod pero buntong hininga lang ang binitwan niya.
"You can't keep up with them?" Tumango siya nang nadali ko ang problema niya. "I think you're actually doing great, baks. No awkwardness. Parang hindi kayo matagal hindi nagkita. Parang natural lang naman sigurong mag adjust dahil hindi mo pa sila kilala at hindi ka pa rin nila kilala. But so far, I think you're doing just fine," sabi ko sa kanya habang nilalaro ko ang mga paa ko sa tubig.
"Ni-hindi ko nga kilala si Calliope," bulong niya. Ngumiwi ako nang mabanggit niya ang pangalan ng first love ni Blaise. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa first love niya, pero hindi ko rin ito gustong pag-usapan sana.
"Well, I think... maybe because Blaise is not talking about her that much. Sa sinabi nila Ate Bielle, she was Blaise's first real love. Matagal ngang hindi naka move on, 'di ba? Isa pa, kung siya ang reason why they came here, it must've really hurt sa part ni Blaise. Baka kaya hindi pa niya nao-open up sa 'yo. Ikaw din naman, 'di ba? Marami ka pang hindi nasasabi kay Blaise." Nilingon ko siya. Naglalaro rin ang mga paa niya sa tubig.
"I don't know, baks. Sometimes I think Blaise doesn't like me." Bumilis naman ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman?" I chuckled a little bit.
"Well... Maybe because he's a man and I am gay?" Ngumuso ako sa sinabi niya.
"You think your brother is homophobic, baks?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi nagiging reasonable ang mga sinasabi niya.
"No, no... Iba naman kasi 'yon kung ibang tao ang bakla kumpara sa kung kakambal mo ang bakla. Hindi lang kami basta magkapatid, baks. Dala ko ang mukha niya. I don't know. Maybe it's embarrassing?" Hindi ko alam kung kukunot ba ang noo ko o tataas ang kilay ko sa sinasabi niya.
"Ngayon lang ata kita nakitang kinu-question mo ang sarili mo at ang sexuality mo, Benj. Bakit? Did he ever made you feel na hindi ka niya tanggap? Bakit mo naiisip 'yan? Blaise is a good person, Benj. Surely, hindi niya iniisip 'yan tungkol sa 'yo." Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko.
Bakit ko ba siya pinagtatanggol?
"See? You know him better than I do, baks. Baka nga mas may bonding moments pa kayo ni Blaise kaysa naming dalawa. Tingin ko nga, mas madalas pa kayong magkasama kaysa tayong dalawa. Dumarating na ako sa point na hindi ko alam kung paano ka na rin papasayahin." Muling bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. For a moment, natahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung dapat bang may sabihin ako.
"Alam mo, baks? Sobrang OA na," dinaan ko na lang sa tawa ang kaba ng dibdib ko.
"It's true, baks. Lately, ang hirap-hirap mong i-reach out. Hindi ko alam kung umiiwas ka ba sa akin o ano. Pakiramdam ko, may hindi ka sinasabi sa akin every time na magkasama tayong dalawa kasi parang iwas ka." Ngumiwi lang ako dahil doon.
Hindi ko alam na napapansin niya pala. Siguro ay kailangan ko na ulit mag act normal sa paligid niya kahit na nandyan si Blaise. Ilang beses kong sinabi na kaya ayokong pumatol kay Blaise dahil ayokong masira kami ni Benj pero sa huli, nasisira pa rin kami ni Benj kahit na walang nangyayari sa amin ni Blaise.
"Sorry, baks. I'm just giving you time to be with them. It's been forever since you last saw them and you've always had me naman during those times kaya somehow, I am stepping back para ma-enjoy mo 'yung company ng totoong mga kapatid mo." Tumango siya sa sagot ko kaya hinawakan ko ang kamay niya. He looked at me, so I smiled at him.
"Love you, baks. Thank you kasi palagi kang nandyan for me," sabi niya bago ako niyakap. I hugged him back, and that's when I saw Blaise watching us. My heart immediately raced when I saw his serious stare. Na para bang may nagawa akong hindi niya nagustuhan.
Pagtapos ng pag-uusap na 'yon ay nag desisyon na si Benj na umakyat na rin at maunang mag banlaw. Hindi nagpakita si Blaise kay Benj at sumulpot lang nang makaakyat na si Benj.
Si Ate Bielle at Ate Blaire ang magkasama sa iisang kwarto. Sina Mama at Tita Bianca naman ang sa isa pang kwarto. Mag-isa lang si Blaise, tapos kami naman ni Benj ang magkasama. May tiwala si Mama kay Benj at ganon din naman si Tita Bianca sa akin kaya ayos lang sa kanila na magkasama kaming dalawa.
"Daenerie," mahinang tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya. "Walk with me," utos niya bago tumalikod sa akin. Tinignan ko ang orasan at napansin na alas dos na ng madaling araw. Saan naman kaya kami pupunta? Pero dahil nakalalayo na siya ay wala na rin akong nagawa.
Tinext ko si Benj na mag lalakad lakad lang muna ako sa beach side at mauna na siyang matulog dahil baka antayin pa niya ako. Nag reply naman siya kaagad na 'wag na akong magpapaabot ng umaga sa labas pero hindi ko na siya nireplyan.
"Wait, Blaise! Ang bilis mo namang maglakad!" Mahinang tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Inantay niya ako at nang magpantay na ang mga lakad namin ay nagsimula na siyang maglakad ulit.
Maingay ang hampas ng alon dahil madaling araw na at wala na ring tao sa tabing mga resort. May parang mga inuman sa ibang beach house pero malayo layo na iyon mula sa amin. Sa parte namin ay madilim na.
Naglalakad lang si Blaise papalayo at nakasunod naman ako. Walang nagsasalita sa aming dalawa na para bang pareho kaming nangangapa kung magsasalita. Dahil hindi naman ako ang nagyaya, nanahimik lang ako dahil baka may iniisip din siya, tulad ni Benj.
"About Calliope..." Panimula niya. Nagulat ako pero nang makarecover ako ay umirap na lang.
"Blaise, we don't need to do that. We don't need the past stories of each other. I don't need to know yours, you don't need to know mine. Hell, I don't even care about that Calliope, your first real love, your greatest ex, the reason why you are here, I don't care, okay? I don't need that. I don't need to hear it from you nor from anyone else. Kung gusto mo pag-usapan, kay Benj ka makipag usap, 'wag sa akin," tuloy-tuloy kong sabi.
Nakatitig lang siya sa akin. And for once tonight, I looked at something... at someone... straightly in the eyes. Hindi umaalon ang paningin ko. Talagang nakafocus lang sa kanya at sa mga mata niyang kagayang kagaya ng kay Benj.