The whole family just talked and did some catching up about things happening in the US. Awkward na ako kaya hindi na rin ako nagsasalita. Si Treston naman ay panay ang sali sa akin sa usapan kahit na wala na akong naiintindihan at konti na lang ay dudugo na ang ilong ko sa kaka-ingles ng mga 'to. "I'm single, you know? Are you single?" Tanong bigla ni Treston sa kalagitnaan ng pag-uusap. Hinampas siya ni Lexie na katabi niya at ngumiti sa akin. I smiled back at Lexie. "Very much single, Treston!" Si Benj na ang sumagot kaya siniko ko siya. "Ibenta ba naman ako, baks?" Benj chuckled and looked at Treston. "Keri lang, baks, kamag-anak ko naman 'yan!" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. So kung si Blaise, ayos lang din kaya? The heck? Why am I even thinking about it?! "Don't, Treston

