Nagulat si Alex ng makita niya ang laman ng sobre. “Hindi ito scam ha?” Paninigurado nito. “Akin na nga yan kung ayaw mo” Aagawin na ni Yuna ang sobre ng hinampas ni Alex ang kamay nito. “Binibiro lang kita ikaw naman” Nakangiting sabi niya kay Yuna. Umiling-iling lang ito. Nakatingin parin si Alex sa laman ng sobre. “Hay naku. Kailan ka ba magpapahinga? Puro ka na lang trabaho. Wala ka ng oras sa sarili mo.” Nakasimangot si Yuna na tumingin sa kanya. Hindi kumibo si Alex. Ngumiti lang siya. “Tingnan mo nga yang sarili mo. Hindi ka man lang mag-ayos. Wala ka na bang ibang damit?” Napabugtong hininga si Yuna sa sobrang inis. Humiwa si Alex ng cake at sinubo ito kay Yuna. “Bago pa tayo mag-iyakan”. Wala ng nagawa si Yuna. Hindi niya din matiis si Alex. Alam niya din na kahit anong sermon niya kay Alex hindi ito makikinig sa kanya. Hindi dahil ayaw ni Alex kundi dahil wala itong choice. Lumapit si Alex kay Yuna at niyakap ito. “Saranghe. Wag ka na magalit.” pa-cute na sabi niya. “Ikaw magbabayad” inabot ni Yuna ang bill sa kanya. “Okidoki” Muli niyang niyakap si Yuna. Natawa na lang ito kanya.
Naunang lumabas ng coffee shop si Yuna. “Ihahatid na kita” Habang hinihipan ang kanyang mga palad sa sobrang lamig. Tumango lang si Alex. Sa totoo lang nahihiya na siya kay Yuna. Sobra sobra na ang naitulong nito sa kanya. Minsan si Yuna na din nagbabayad ng mga utang niya. Sobrang laking pasasalamat niya dahil meron siyang kaibigan katulad nito. Kahit magkaiba sila ng pinanggalingan, hindi yun naging hadlang para maging mag-kaibigan sila. Inakbayan niya si Yuna habang naglalakad papunta ng parking lot. “Kumawo chinggu(friend)” Nakangiting sabi ni Alex. “Marami ka ng utang sa akin” biro nita sa kanya. “Yaan mo, pag ako yumaman, lahat ng gusto mo bibilhin ko”. Matapang na sabi ni Alex. “Ang tagal” natawa na lang sila sa isa’t-isa.
“Salamat sa paghatid. Sabihan mo ko kung kailan ang date ko sa boss ni mr. stalker”. “Copy sister”. Mabilis na sagot ni Yuna. Binuksan niya na ang pinto at bumaba na ng sasakyan. “jusimhe (ingat)” Pahabol niya kay Yuna bago pa ito nakaalis ng tuluyan.
Mabilis siyang tumungo sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Matapos ay naupo siya sa harap ng dresser. Habang nagpapahid ng moisturizer sa mukha naalala niya muli ang sinabi ni Yuna kanina sa coffeeshop. Pinag masdan niya ang kanyang sarili. Gusto niya na din magpahinga. Magsuot ng magaganda. Kumain ng masasarap. Pumunta sa lugar na gusto niya. Mag-enjoy, mag-relax. Pero anong magagawa niya. Hindi sila mabubuhay kung hindi siya kakayod. Napaka mahal ng mga bilihin at gastusin sa Korea. Nag-aaral pa si Jude sa kolehiyo. Sa pang araw-araw pa lang nilang gastusin kulang pa ang kini-kita niya. Napabuntong hininga na lang si Alex. “Oemma (mom)” mahinang tawag sa kanya ni Hana. Mabilis siyang lumapit dito. “Oemma (mom) is here don’t worry” Niyakap niya ito at hinalikan sa nuo. “Let’s sleep”