“Alexandra! Bumangon ka na nga! Mag-aaply ka ng trabaho diba? Anong oras na!” sigaw ng mama niya habang hinihila ang kumot niya. Napilitan na siya bumangon. ‘oo nga pala may interview pala ako today’. Mabilis siyang tumungo sa banyo at naligo. Paglabas niya ng kwarto ay naka ready na rin ang almusal. Nasanay na din silang kumakain ng almusal bago umalis ng bahay. “Oemma, can you pick me up today?” malambing na sabi ni Hana. Napatingin lang sa kanya si Jude at Bomi ang step-sister nila. Nahirapan siyang sumagot dahil lagi na lang siya nangangako pero hindi naman niya natutupad dahil sa dami ng trabaho niya. “Let me pick you up later” Si Bomi na ang sumagot. “thank you” Mahinang sabi niya kay Bomi. Naiintindihan niya din ang ate niya kung bakit hindi nito nasusundo si Hana. Wala din silang magagawa lahat sila ay umaasa kay Alex. Saglit pa ay narinig na nila ang busina ng school bus ni Hana. “Sunsengnim (teacher) is here”. Mabilis niyang kinarga si Hana at kinuha ang bag nito. “Annyeong haseyo (hello)” bati ng guro ni Hana. Nakasimangot pa din si Hana dahil hindi si Alex ang susundo sa kanya. “Don’t be sad. I’ll bring you some ice cream later. I promise!” “Okay” malungkot na sabi nito. Tuluyan na itong sumakay sa bus at umalis.
Bumalik uli siya sa hapag-kainan matapos ihatid si Hana. Naupo na din ang Mama niya at nagsalita. “Naka-usap ko na pala yung nirereto ni tita Bel mo. Magkikita kayo mamayang gabi. Itext ko na lang sayo yung address” “Ma!”. Sabay-sabay nilang sigaw sa mama niya. Halos nanlaki ang mata nito sa gulat. “Pwede ba tigilan mo na si ate” inis na sambit ni Jude. “Wala na nga siyang oras kay Hana kahit sa sarili niya, tas gusto mo ipakasal na naman siya kung kanino. Makahaon lang tayo sa hirap? Nanay ka ba namin?” hindi na natapos ni Jude ang kinakain niya sa sobrang inis. Tumayo na ito at tuluyan ng umalis. “Jude!” sigaw ng mama niya. “tingnan mo yang kapatid mo bastos talaga” inis na sambit nito. Hindi na rin nakayanan ni Alex at Bomi ang inis kaya tumayo na din sila. Kanya-kanya nilang kinuha ang gamit nila at lumabas na ng bahay.
Seven years ago ng mamatay ang step-dad ni Alex. Nakasama itong nasawi sa sunog sa pinapasukan nitong factory. Matapos nito ay nag-umpisa na silang mag-hirap. Hindi din ganun kagaling ang mama nila mag-korean maging sila ni Jude, kaya mas lalo itong nahirapan sa pamumuhay sa Korea. Nag umpisang ireto si Alex ng mama niya sa kung kani-kaninong koreano makasalba lang sila sa pag-hihirap na dinadanas nila. Wala na din siyang nagawa. Kahit ayaw niya yun lang yung paraan na mayroon sila. Baon na baon na din sila sa utang kaya kahit gustuhin nila umuwi sa Pilipinas hindi nila magawa. 22 years old lang siya ng nagpakasal. Buti na lang at mabait pa rin ang Panginoon mabait ang napangasawa niya. Kahit papaano ay nakabangon sila sa hirap na dinadanas nila. Hindi siya nagsisi na pinakasalan ito. Minahal niya ito ng sobra hindi dahil sa naitulong nito kundi sobra ang respeto at pag-aalaga nito sa kanya. Ngunit dalawang taon pa lang silang nagsasama inatake ito sa puso. Di nagtagal ay muli silang bumalik sa dati nilang sitwasyon. Nagbago din ang ugali ng mama niya.
“Wag mo na pansinin si Mama. Yaan mo ate pag nakapagtapos ako, ako naman ang magtatrabaho para makapagpahinga ka naman” Nakangiting sabi ni Bomi kay Alex. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Promise yan ha” “Promise” Itinaas pa ni Bomi ang kanyang kanang kamay. Tunay na kapatid ang turing niya kay Bomi. Napakabait nitong bata. Si Bomi din ang madalas mag-alaga kay Hana. Ito lang din ang tagapag tanggol nila pag may mga lumalait sa kanilang mga koreano. Napaka galing nito mag-korean. Magaling din ito mag-tagalog. “Pag nagkaroon na ako ng oras, mamamasyal tayo sa dagat”. “Promise yan ha” Napayakap ito sa kanya sa sobrang tuwa.