HTILY Episode 7

859 Words
           Nakasimangot si Alex na pumasok ng restaurant. Napansin ito ni Ms. Ellen. “Are you okay? What happened?” Tanong nito. ‘Nakasalubong ko lang naman yung halimaw sa baba’. Gusto niyang sabihin dito. Ngumiti na lang siya at umiling. Dumeretso na siya sa kusina at inayos ang mga dala-dala nito. ‘Pag minamalas ka naman talaga’ mahinang bulong niya. Sinundan siya ni Ms. Ellen. “Alex, will you help me cook today? Hindi daw makakapasok si Paolo e” “Okay po” Sumagot siya kaagad. Mahilig magluto si Alex, wala nga lang siyang oras dahil lagi siyang busy. Pangarap niyang maging Chef. Ngunit dahil sa sitwasyon ng pamilya niya hindi na siya umaasang matupad yun. Matapos niya iligpit ang mga dumating na order ay mabilis niyang tinulungan si Ms. Ellen maghanda ng mga lulutuin. "Mahilig ka din ba magluto?" Tanong nito sa kanya. "Opo. Meron po kaming maliit na karenderya dati sa Pilipinas" Nakangiting sagot niya. "Masarap din siguro magluto ang mama mo" 'I wish! Sawang sawa na nga kami sa luto niya. Buti na lang nagmana kami ni Jude kay papa'. Ngumiti na lang siya. "Hmmm, amoy pa lang masarap na. Mukhang magkakaroon ako ng bagong tagaluto" Natuwa naman si Alex sa sinabi nito. Kumuha siya ng ulam at nilgay ito sa maliit na platito. "Tikman nyo po" mabilis naman kumuha si Ms. Ellen ng kutsara. Walang reaksyon ang mukha nito. Nakaramdam siya ng kaba. "Hindi po ba masarap?" Napakagat siya ng labi. 'Hindi ba masarap?' Saglit pa ay niyakap siya nito. "Sobrang sarap. Alam mo magkakasundo kayo ng anak ko" "Talaga po?" "Yup. May sarili din siyang resto. Pang mayaman nga lang hindi tulad ng akin" natawang sabi nito. “Yaan mo pag di na siya busy papupuntahin ko siya dito para makilala mo” Nakangiting sabi nito. “Sige po” Nakangiting sagot ni Alex.            ‘Ano bang problema ng babaeng yun’ Naiinis pa din si Migs sa nangyari kanina. Pababa na siya ng sasakyan ng tumunog ang cellphone niya. ‘Halmoni (lola)?’ Napasandal siya ng upo. Alam niyang tatanungin na naman siya nito kung kailan siya magpapakasal. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit na tanong nito. Pero hindi niya ito masisi.            Maglilimang-taon na ng mamatay ang fiancé ni Migs. Week before ang kasal nila ay namatay ito sa car accident. Halos gumuho ang mundo niya dahil dito. Since then nagbago si Migs. Nawalan na siya ng interest sa mga babae. Nakatutok lang siya sa trabaho. Naging cold hearted siya. Ayaw niyang nakikisalamuha sa kung sino man. Naging maiinitin din ang ulo niya. Mabilis na siyang magalit. Bihira na lang din siyang ngumiti. Kaya laging nag-aalala ang mommy niya at lola niya sa kanya.         “Halmoni” “Jihuya. How are you?” Jihu is his Korean name. Isang taon pa lang siya ng pumanaw ang kanyang ama. One year later nakapag- asawa din ng Korean ang mommy niya. Since then dito na sila tumira. Inampon na din siya ng step-dad niya. Nagkaroon siya ng dalawang kapatid dito. He was 16 ng bumalik siya ng Pilipinas. Doon na din ito nagtapos ng kolehiyo. Sa Pilipinas niya din nakilala ang fiancé niya. Bumalik lang siya dito ng pumanaw ito.         “I’m okay Halmoni (lola)” Pinipilit niyang kumalma sa pagka-inis kanina. “Chris told me you’re going to bring your girlfriend to the party is it true?” ‘Napakadaldal talaga ng lalaking yun’ nasa isip niya. “Yes Halmoni (Lola)” Wala na din siyang nagawa. “Is she beautiful? What does she likes? Is she Korean?” Sunod sunod na tanong nito. Halata sa boses nito ang pagka-excited. Napakamot si Migs ng ulo sa daming tanong nito. “Halmoni I’m driving right now I’ll call you later” pagsisinungaling niya. “Okay, be careful”. At dun natapos ang kanilang usapan.         May maliit na office si Migs sa loob ng Resto niya. Papasok na siya dito ng may tumawag sa kanya. “Chef!”. Napakamot siya sa ulo niya. “What now Ryan?” Ryan is his assistant. Pilipino din ito. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa kanya. Si Ryan lang din ang nakakatagal sa ugali niya. Napaatras si Ryan. Alam niyang wala sa mood si Migs. "H-hindi na daw p--po makakapasok si A-Albert" Tinitigan siya ng masama ni Migs. Alam niya na wala itong ibang pagbabalingan ng init ng ulo kundi siya. "So what do you want me to do?" "I dont know chef" nakayuko lang siya sa sobrang takot. "Find another chef!" Malakas na sigaw ni Migs. Halos mapahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat. "Yes chef". Mabilis siyang tumalikod. Hindi pa siya nakakalayo ay muli siyang tinawag ni Migs. "Ryan" "anu na naman" mahina niyang bulong. Mabilis siyang lumapit kay Migs. "Did you find a girl?" "Yes chef" malakas na sagot niya. Halos magulat si Migs sa lakas ng boses niya. "Send her money again". Nagtaka naman si Ryan sa sinabi nito. "She must be the most beautiful woman that night". Pumasok na ito sa office niya. Napakamot na lang ng ulo si Ryan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD