“I need to go” Paalam ni Migs. “Ha? Already? Let me introduce you to Alex first.” “Alex?” “That girl” tinuro ni Chris si Alex pero saktong nakababa na to ng stage. Ngumisi lang si Migs. “Next time bro” Tinapik niya sa braso si Chris at tuluyan ng umalis.
“Alex!” Sigaw ni Chris. Lumapit ito sa kanya. Hindi naiwasang tumingin ni Alex sa paligid. ‘Baka namalik-mata lang ako’. “Something wrong?” nagtatakang tanong ni Chris. Umiling lang si Alex. “Here” Inabot nito ang puting sobre kay Alex. Pagkatanggap niya ng sobre ay niyakap siya nito. Nagulat siya sa ginawa ni Chris. “Thank you so much” Nakangiting sabi nito sa kanya. Nailang siya ng niyakap siya ni Chris pero hindi siya nagpahalata. “Welcome Sir” Nakangiting sabi ni Alex. Hanggat maari gusto niyang umiwas dito.
Mahimbing ng natutulog si Hana ng makauwi siya sa bahay. Matapos niya magbihis ng damit ay humiga na siya sa tabi nito. Nagising si Hana ng niyakap niya ito. “Oemma (mom)” inaantok pang sabi ni Hana. Naalala niya muli ang pinag-usapan nila ni Jude kanina. “Hana mianhe (Sorry)” mahina niyang sabi dito. Mabigat sa dibdib niya ang hindi nakakasama si Hana. Walang araw na hindi niya ito naiisip. Sobra-sobra na ang pagkukulang niya dito. Pero kailangan niyang mag-tiis. “It’s okay I understand” Marahang sagot nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Kumawo (Salamat)”. Hindi niya mapigilang maluha. Lagi na lang siyang nangangako dito. Gusto niya din magkaroon ng oras kay Hana pero wala siyang magawa. Kailangan niyang magtrabaho. Minsan na lang din sila magkita. Gabi na siyang umuuwi kaya tulog na itong naaabutan niya. Sa umaga naman ay maagang pumapasok si Hana kaya wala na to pag-gising niya. “Babawi din si Oemma (mom) promise”. Bulong niya kay Hana.
Isang linggo na rin ang nakalipas ng magsimula siya magtrabaho kay Ms. Ellen. Hindi din siya nahirapan dahil napakabait nito. Minsan nga naiisip niya na sana si Ms. Ellen na lang ang mama niya. Napaka-understanding nito. Marami na din itong naituro sa kanya.
“Alex” Sigaw ni Ms. Ellen. Naghuhugas siya ng plato ng lumapit ito sa kanya. “Yes Mam?” mabilis niyang sagot. “Pwede bang ikaw ang magreceive ng mga order natin sa baba? Wala pa kasi si Paolo”. “Okay Mam. No problem po”. Mabilis niyang tinanggal ang gloves sa kamay niya at lumabas na ng restaurant. Sa hagdan na siya dumaan para mabilis siyang makababa. Nasa 3rd floor lang din naman sila. Sakto naman ang pagdating ni Migs ng makaalis siya.
“Migs? What are you doing here?” Gulat na tanong ni Ms. Ellen sa kanya. “Dumaan lang ako para ibigay ‘to”. Inabot niya kay Ms. Ellen ang halaman na dala niya. Isang Monstera plant na nakalagay sa puting paso ang dala ni Migs. “Wow! This is so beautiful”. Mabilis naman itong nilagay ni Ms. Ellen sa tabi ng counter. “Anyway, how’s your new waitress?” “She’s fine. I really like her actually. You should meet her”. Nakangiting sabi nito sa kanya. “Later, I need to go now”. Nagulat siya ng tinitigan siya ng Mommy niya. “Why?” nagtatakang tanong niya dito. “Kailan ka ba magpapahinga? Puro ka na lang trabaho, wala ka namang pamilyang binubuhay. Why so busy?” “Mom” “Fine! I’m sorry. I just want you to enjoy your life” “Don’t worry about me I’m fine” Nakangiting sabi niya kay Ms. Ellen. Nilapitan niya ito at niyakap. “Mauna na ako”. Tumango lang ang mommy niya.
Tatlong box ang dala-dala ni Alex kaya hindi niya halos makita ang nasa harapan niya. Papasok na siya ng building ng may bumunggo sa kanya. Halos mapaupo siya sa sahig kaya nahulog na din sa pagkakahawak niya ang mga box. Kumalat sa sahig ang mga laman nito. Napatingin siya sa nakabunggo sa kanya. “Ikaw na naman?” Halos sabay nilang nasambit sa isa’t-isa. Mabilis na bumangon si Alex at nilagay muli sa box ang mga nahulog na gamit. Nakaramdam naman ng awa si Migs. Hindi din niya napansin si Alex dahil nakatingin siya sa cellphone niya. Tinitigan siya ng masama ni Alex. Parang tigre ang mga mata nito sa galit. “Bulag ka ba talaga? Hindi mo ba nakita na may dala-dala akong box?” sigaw ni Alex. Nainis siya sa tono ng boses nito. “kasalanan ko ba na dalhin mo yan lahat?” Napalakas na din ang boses niya “Wow! So hindi ka talaga marunong mag sorry?” “For what?” “For what? Malamang dahil binunggo mo ko. Abnormal” Inirapan lang siya ni Alex. Isa-isa ng pinagpatong ni Alex ang mga box at binuhat ito. Gusto niyang tulungan si Alex pero mabilis na itong pumasok. Napansin niya ding nilalamig na ito. Wala itong suot na jacket. Napabuntong-hininga na lang si Migs. ‘she’s so weird’