Masayang lumabas ng building si Alex. Maya-maya pa ay narinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha sa bag. “Yoboseyo (hello)?” “Yoboseyo ka diyan. Bilisan muna nagugutom na ako”. Hindi niya napansin na si Yuna pala ang tumatawag sa kanya. May usapan sila na magkikita after ng interview niya. “Fine. Papunta na”. pinutol niya na ang tawag at sumakay na ng taxi.
“So oennie (ate) natanggap ka ba?” Panimula ni Yuna. Tumango lang si Alex. Seryoso siyang kumakain. “Bakit parang hindi ka masaya sa itsura mo?” nakataas ang kilay na tanong ni Yuna na busy din sa pag-kain. Huminga muna ng malalim si Alex bago nagsalita. “Well, may nakabungguan ako kanina. Sinisisi niya ko, e siya yung bumunggo sakin” pinagmamasdan lang siya ni Yuna. “Tapos sinabihan niya pa kong bulag.” Inis na paliwanag niya. Natawa lang si Yuna sa kanya. Kumunot naman ang nuo niya dahil sa tawa nito. “Gwapo ba?” “Gwapo ka diyan. Kamukha ni mr. Bean” ‘Oo’. Nasabi niya na lang sa sarili niya. Alam niya pag sinabi niyang gwapo ito iinisin na naman siya ni Yuna. Muli niya uling naalala ang mukha nito. ‘Ang gwapo niya sana kaso may problema sa pag-iisip. Kung magiging kamukha niya lang ang boss ni mr. stalker kahit hindi na ako magpabayad’. Pangiti-ngiti siyang natulala. “Mr. Bean daw e hindi kana nga makakain kakaisip” Biro ni Yuna. Inirapan niya lang ito. “Malay mo siya na ang soulmate mo sister” dagdag pa nito na may kasamang kindat. Nginisian niya lang ito. ‘Kung siya din soulmate ko no thanks na lang’.
“Anyway, kailan mo ba ipapakilala si mr. stalker sa akin”. Binago niya ang usapan. “E ikaw kailan mo ba sasagutin si sir Chris?” Muntikan na siyang mabulunan sa tanong ni Yuna. “Ano ka ba, parang kuya ko na yun.” Nagpahid siya ng bibig. “Sayo kuya, e siya? Kapatid ba turing niya sayo?” Natahimik si Alex. Matagal ng nagpaparamdam sa kanya si Chris hindi man nito aminin. Napakabait nito. Mayaman, matalino, napaka gwapo, lahat na ata nasa kanya. Alam din nito na may anak na siya. Kaya sobra-sobra ang respeto niya dito. Pero hanggang kuya lang talaga ang tingin niya dito. “Magkaibigan lang kami” Nakangiti niyang sabi kay Yuna. Napilitan na lang itong tumango sa sinabi niya. “Okay”.
“Hindi na kita mahahatid late na ako” “okay lang may date din akong pupuntahan” Nagulat si Yuna sa sinabi niya. “Date? Ayaw ka talagang tigilan ni tita no?” “Hayaan mo na. Malay mo swertehin na ako this time” umiling lang si Yuna. “Ewan ko sayo. Balitaan mo na lang ako kung kailan ka ikakasal” inirapan na siya nito at tuluyan ng umalis. Lumakad na din siya patungo sa sakayan ng bus.
Nasa labas na siya ng coffe shop kung saan sila magkikita ng nirereto ng tita Bel niya. Huminga muna siya ng malalim. Nakaupo ito sa pinaka dulo. “Annyeong haseyo” nakangiting bati niya. Tumayo ang lalaki at nakipagkamay sa kanya. “Sujin right?” Tumango lang si Alex. Sujin ang Korean name niya. Malalapit lang sa kanya ang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. Hindi niya nga alam bat nasabi niya ang tunay niyang pangalan kanina kay Ms. Ellen.
Parehas na silang naupo. Gwapo ito. Matangkad. Limang taon siguro ang tanda nito sa kanya. Kaso mukhang babaero. Mayabang din itong mag-salita. Pinipilit niya na lang ngumiti sa mga kwento nito. Napapansin din niya na unti-unting lumalapit ang kamay nito sa kamay niya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Hahawakan na nito ang kamay niya ng may biglang humila sa kamay niya. Napatingin siya dito. “Jude?” “Nuguseyo (who are you)?” tanong ng lalaki. “Her husband” hinila siya nito at tuluyan ng iniwan ang ka-date niya.
Lumipat sila sa malapit na resto. “Salamat brother. Kung hindi ka dumating baka nasapak ko na yun” Nakatawang sabi niya kay Jude. Hindi naman ito kumibo. Nasa mukha nito ang inis. Uminom muna ng soju si Jude bago naglabas ng sama ng loob. “Hanggang kailan ka ba susunod kay mama?” inis na sabi nito. “Hindi mo kailangan mag-pakasal kung napipilitan ka lang. Malalaki na kami. Magbigay ka naman ng oras sa sarili mo” galit na sabi nito. Nagulat siya sa sinabi ni Jude. Hindi siya makapag-salita. Wala din naman sa kalooban niya ang magpakasal pero yun lang ang choice na nakikita niya. “Uuwi na ‘ko ng Pilipinas” mahinang sabi nito. “Jude” “Nakabili na ako ng ticket” “Alam ba to ni Mama?” Hindi ito sumagot. Sunod sunod ang ginawa nitong pag-inom. Umiiwas ito ng tingin sa kanya. Parang sumakit naman ang ulo ni Alex sa sinabi nito. Alam niyang magagalit ang mama nila pag nalaman ito. “Kailan ka uuwi?” Hindi parin ito kumikibo. Napabuntong-hininga na lang si Alex. Matagal ng gustong umuwi ni Jude sa Pilipinas. Hindi dahil ayaw niya dito sa Korea. Naaawa na siya kay Alex. Alam niya din sa sarili niya na hindi nila kakayaning mabuhay dito sa sobrang mamahal ng gastusin.
“Hindi na ba mababago isip mo?” Marahang tanong niya kay Jude. “Hindi ka ba napapagod?” Tumingin ito sa kanya. “Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? okay lang ba sayo na magpakasal uli? Paano kung yung pinakasalan mo hindi tanggap si Hana? Sasabihin mo uli na magkapatid lang kayo? Paano kung hindi ka naman talaga masaya?” Umiwas siya ng tingin kay Jude. Naglagay siya ng soju sa baso at ininom ito. “Wala ka bang pangarap para kay Hana?” Hindi na niya napigilang maluha. Nagiging mahina siya kapag pinag-uusapan ay si Hana. Hindi niya kinakaya ang emosyon. “Hindi ka ba naaawa sa kanya? Walang araw na hindi ka niya hinahanap. Pagkagising niya. Bago siya matulog. Ganito ba yung buhay na gusto mo para sa kanya?” Pinipigilan niyang hindi umiyak. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Jude, pero wala siyang magawa kasi lahat yun totoo. “Di ba pangarap mong maging Chef?” Nagkusa ng tumulo ang kanyang mga luha. “Kapatid ka namin pero hindi mo kami responsibilidad. Hindi ka ba naiinggit sa kanila?” Tumingin ito sa mga dalaga na nasa tabi nila. “Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo”. Hindi na rin napigilan ni Jude na maluha.
Nag-aantay sila ng bus ng tumunog ang kanyang cellphone. Napatingin siya dito. ‘Sir Chris?’ Mabilis niya itong sinagot. “Yoboseyo (Hello)?” “Alex are you free tonight?”. “W-why?” “Carol can’t come now, maybe you can take her place please” paki-usap nito. Hindi siya kumibo. Nangako siya kay Hana na uuwi siya ng maaga. “I will pay you double, please” Pamimiliit ni Chris. Napatingin siya kay Jude. “Go” mahinang sabi ni Jude. Nagdadalawang isip pa din siya kung pupunta siya o hindi. “umm. O-okay sir Chris”. Pinutol niya na ang usapan nila. “Pakisabi kay Hana babawi ako”. Inabot niya na ang hawak nitong ice cream kay Jude at mabilis na sumakay ng Taxi.
Pagdating niya sa bar ay mabilis siyang nag-ayos ng sarili. Buti na lang at maayos ang suot niya today. “Sujin you’re next” Nilapitan siya ng isa sa mga bartender sa bar. Habang kumakanta siya ay hindi niya naiwasang mapatingin kay Chris. May kausap itong lalaki. Halos magkasing tangkad lang sila. Nakasuot ito ng Long Padded Jacket. ‘Parang pamilyar siya sa’kin’. Iniisip niya kung saan niya ito nakita. “Mr. Bean?”