Dumating na nga ang sabado para sa schooltrip ni Hana. Maagang nagising si Alex. Well hindi talaga siya nakatulog. Mas excited pa ata siya kesa sa anak niya. Maaga siyang nag gayak. Floral dress ang suot niya. Very light lang din ang make-up niya kasi baka makilala siya ni Migs as Sujin. Hindi naman sila magdi-date pero todo ayos siya hahaha. 'Baliw ka na Alex' sa isip niya. Inaayusan niya si Hana ng pumasok sa kwarto si Bomi. Nakataas ang kilay at naka cross arm na nakatitig ito sa kanya. "Schooltrip ba ang pupuntahan mo o date?" Inirapan niya lang ito. “Mukhang magkaka-daddy na si Hana” Narinig niya pang sinabi nito bago umalis. Napangiti naman siya sa sinabi nito at simpleng kinilig. Sa Teddy Bear Museum ang una nilang pinuntahan. Halos naroon na lahat ng class

