"Oemma I want ice cream" "Ice cream?" Napatingin agad siya sa paligid baka sakaling may malapit na mart. Nasa park sila kung saan lagi silang nagdi-date ni Migs. Maganda naman kasi sa lugar na 'to may mga palaruan din para sa mga bata. Hindi din ito kalayuan sa RAFEL kung san siya nagtatrabaho.
Papunta na sila sa ice cream store na nakita niya ng nakatanggap siya ng tawag mula kay Ryan. "Hello?" "Alex!" sigaw nito sa kabilang linya. Halos nailayo niya sa tenga niya ang cellphone sa pagkagulat. Nagmana din siguro 'to kay Yuna at makasigaw parang babae. "Ano ba yun at kailangan pang sumigaw?" "Favor naman, may package kasing pinapakuha si Chef sa office niya, e nasa Seoul ako ngayon baka pwedeng ikaw na lang maghatid sa bahay niya" "Bahay niya?" Nanlaki ang mata niya. ‘Pupunta ko sa bahay niya?’ Napatingin kaagad siya kay Hana. Hindi niya alam kung alam ni Migs ang tungkol sa anak niya. "Alex? It’s a yes na ba? Sabi nila silent means yes. Ibig sabihin pumapayag ka na. Salamat! yaan mo babawi ako hehehe" "Wai-" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay wala na sa kabilang linya ang kausap niya. "Bakit naman ngayon pa" Napakamot na lang siya ng ulo. "What's wrong oemma?" "Nothing baby. Punta muna tayo sa Chef ni Oemma after na lang tayo mag ice cream is it okay?" "Okay po"
Napakabait talaga ni Hana. Ito na lang ang swerte sa buhay niya. Natutuwa din siya kasi kahit papaano nakakaintindi na ito ng tagalog. Madali itong matuto. Napakatalino ni Hana kaya laking pasasalamat niya hindi ito nagmana sa kanya. ‘siguro matalino din ang tatay mo’ sa isip niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa nuo. “Let’s go”
Nasa labas na sila ng bahay ni Migs. Dala-dala niya ang isang maliit na box. 'Ano kayang nasa loob nito?' Hindi naman ito mabigat. Inalog alog niya pa ito. Bakit kailangan pang ihatid sa kanya. Hmmp!. "Hana just stay behind me okay? Engkanto ang nakatira dito kaya kailangan nating mag-ingat" Tumango lang din ito na parang naintidihan ang sinabi niya. Natawa na lang siya sa anak.
Huminga muna siya ng malalim bago nag doorbell. Nakakaramdam na siya ng kaba. Parang gusto na lang niyang iiwan ang package sa labas pero sabi ni Ryan importante ang nasa loob nito kaya kailangan niyang ibigay ng personal kay Migs.
Saglit pa ay nakarinig na siya ng mga hakbang palapit sa pinto. “Ay kabayong duling!” Nagulat pa siya ng bumukas ito. Nagsalubong kaagad ang kilay ng kaharap niya. Halatang bagong ligo ito dahil basa basa pa ang buhok. Naka shirt lang din ito at jogging pants pero hindi nakabawas sa kagwapohan na taglay. ‘Ang gwapo niya pa rin kahit nakapambahay lang’ sa isip niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.
"What are you doing here?" Nakasimangot na tanong nito sa kanya. ‘Engkanto talaga’ Napayuko na lang siya. Kung wala lang si Hana pinatulan niya na to. "Hindi kasi makakapunta si Ryan kaya nakisuyo na lang siya sakin" giit niya. “Oemma I want to pee" sabat ni Hana na ikinagulat ni Migs ng lumabas ito mula sa likod ni Alex. Nataranta naman si Alex. "Oemma" naiiyak na ito kaya mas lalo siyang nataranta. Wala na siyang choice kundi makigamit ng banyo kay Migs. “Chef pwed-“ “Come in” Nagulat pa siya sa sinabi nito. “Okay lang po ba?” Paninigurado niya, baka nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Hindi siya nito pinapapasok sa office kaya imposibleng papasukin din siya sa bahay nito. ‘Mabuti ng sigurado’ Napailing lang sa kanya si Migs at hinayaan na lang nakabukas ang pinto.
Hindi na siya nagdalawang isip pumasok, naawa na rin siya kay Hana kanina pa ito nagpipigil. Dumeretso kaagad sila sa banyo. Paglabas nila ng banyo ay doon niya lang mas lalong napansin ang kagandahan ng bahay. Napakalaki nito, mas malaki pa sa bahay nila. Napakaganda rin ng disenyo ng bahay. Kulay puti ang mga wall paper nito kaya mas lalong napakaaliwalas pagmasdan. May mga ilan-ilan din na halaman ang nasa paligid. ‘Siguro galing ‘to sa mommy niya mahilig yun sa halaman e.’
“Oemma it’s raining outside.” Tinuro nito ang labas mula sa beranda. ‘Bakit ngayon ka pa umulan wala kaming dalang payong’ Napakamot na lang siya ng ulo. ‘Kung minamalas naman talaga’. Wala na siyang magagawa kailangan na nilang umalis bago pa siya pag-initan ni Migs. “Thank you Chef, mauna na po kami” pagpapaalam niya.
“Let’s go Hana”
“Stay”
“Ha?”
“You can stay here, ihahatid ko na lang kayo pag tumigil na ang ulan”
“Okay lang Chef bibili na lang kami ng payong” Tinitigan lang siya nito ng masama. “Sabi ko nga dito muna kami hehehe” Hindi na siya kumontra at baka hindi sila makalabas ng buhay. Natuwa naman si Hana. Mabilis itong umupo sa sofa. Tumabi na rin siya dito. Nakakailang pero no choice na din siya. Kesa mabasa sila ng ulan mag-nanay. ‘Hindi naman siguro magtatagal ang ulan’.
Lumapit sa kanila si Migs na may dalang ice cream at dalawang baso, wala pa atang balak bigyan siya ng mokong. Ipinatong nito sa center table ang dala nitong ice cream at naupo sa lapag. Para naman siyang nahiya, ito ang may-ari ng bahay pero ito ang nakaupo sa lapag. Ginaya na rin ni Hana si Migs. Naupo ito sa tabi nito.
“Do you like vanilla ice cream?” “Yes, it’s my favorite!”
Nakangiti lang na nakatingin si Alex sa dalawa. Para itong mag-tatay kung pagmamasdan. Akala mo ngayon lang nagkita. Kahit pagkain ng Ice cream ay parehas na parehas sila. Hindi na rin naalala ng dalawa na bigyan siya. Pero okay lang nag-eenjoy naman siyang nakatingin sa dalawa. Kalaunan ay nakaramdam siya ng lungkot at awa para kay Hana. Matagal na itong nagtatanong kung nasaan ang appa (daddy) niya pero wala naman siyang masagot. Sinasabi niya na lang na nasa malayong lugar ito at nagtatrabaho. Gumilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya din naman alam kung saan niya ito hahanapin. Napabuntong hininga na lang siya.
“Do you want to watch a movie?” “Yes. Can we watch Moana?” malambing na tanong ni Hana. “Yes if you like to” “Thank you po”. Mabilis naman itong hinanap ni Migs sa TV screen. ‘Kailan ka din kaya magiging mabait sakin Miguel’
Nagising na si Alex na may kumot na nakabalot sa kanya. Wala na din sa harap niya ang dalawa. Napabalikwas siya ng upo. Bigla siyang nataranta, paano kung may gawing masama si Migs kay Hana. Paano kung ang inis nito sa kanya ay sa anak niya ibaling. Tumayo agad siya at hinanap ang anak. Nakarinig siya ng tawanan mula sa kusina. Dahan- dahan siyang sumilip dito at nakita ang dalawa na busy na naghahanda ng pagkain.
Hindi niya mapigilang mapangiti. Magkasundong magkasundo si Hana at Migs. Kung ibang tao lang siya masasabi niyang magtatay ang dalawa. Halatang gustong gusto ni Hana si Migs. Iba ang pakikitungo nito kay Migs hindi katulad kay Chris naiilang ito palagi.
“Oemma!” Salubong nito sa kanya. Hinila siya nito at pinaupo na sa hapag kainan. “Tito Chef” “Tito Chef?” Gulat niyang tanong. Pinipigilan niyang matawa sa sinabi ni Hana. Tiningnan naman siya ng masama ni Migs kaya tinikom na lang niya ang bibig niya baka hindi pa siya pakainin nito. “Tito Chef and I cooked this” Tinutukoy nito ang curry na nasa harap niya. Amoy pa lang masarap na. Well si Chef Migs ba naman ang magluto for sure masarap ‘to.
Para silang isang buong pamilya na nasa hapagkainan. Hindi mawala ang ngiti niya sa mukha. Hindi niya maiwasang mapatingin sa dalawa na hindi na naubusan ng kwento. Ang saya saya ng puso niya ngayon. Nakikita niyang masaya si Hana. Hindi niya din akalain na mahilig pala sa bata ang masungit niyang boss. Lalo tuloy itong pumogi sa paningin niya.
“Tito Chef will you come to my school next week?” Parehas silang nagulat ni Migs sa sinabi ni Hana. “We have a schooltrip will you come with us?” Lalo naman nanlaki ang mata ni Alex. “Hana Tito Chef is very busy at work, don’t worry I’ll ask Tito Chris if he can come” “I don’t like Tito Chris, I want Tito Chef to come” Napalunok lang siya. ‘ano bang pinakain sayo ng mokong na ‘to’ sa isip niya.
“Han-”
“I’ll go” Pinutol ni Migs ang sasabihin niya.
“Promise Tito Chef?”
“I promise”