Nagliligpit na sila ng kusina ng magtanong sa kanya si Ryan. "Nanalo ba kayo sa lottong dalawa?" "Ha?" Nagsalubong ang mga kilay ni Alex sa tanong nito. "Kayo ni Chef. Buong araw kayong nakangiti. Hindi ko nga narinig na tinawag niya pangalan mo e" Napaisip din si Alex. 'Oo nga no. Hindi niya ata ako pinahirapan ngayon. tsk. malala ata tama niya sa akin este kay Sujin hahaha' Napailing iling na lang siya. Napansin niya din na nabawasan ang init ng ulo nito simula ng maging sila ni Migs. I mean sila ni Sujin. Kaya nakapagpahinga ng kunti ang utak niya sa trabaho. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Lalo naman siyang tinitigan ni Ryan. "May something sa inyo ni Chef. Amoy na amoy e" Hinampas niya ito sa braso. "utot mo lang ang naaamoy mo. Tapusin mo na yan ng makauwi na tayo."
Nang matapos sila ni Ryan ay mabilis na siyang tumungo sa locker room para magbihis. Paglabas niya dito ay sakto din ang paglabas ni Migs at ng kasama nito sa office niya. Hindi niya ito nakilala dahil nasa likod ito ni Migs. Magkasunod lang ang locker room nila at office ni Migs.
"Alex?" “Chris?" Sabay pa nilang nasambit. Nanlaki parehas ang kanilang mga mata. “Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ni Alex. Well alam niya kung bakit narito si Chris, malamang kapatid niya si Migs. Pero hindi niya inaasahan na magkikita sila dahil hindi naman ito dumadalaw sa RAFEL. Naririnig niya lang itong kausap ni Migs sa telepono. She needs to act normal anyway. Hindi siya pwedeng magpahalata na alam niya ang ugnayan ng dalawa. Nakaramdam siya ng kaba. Napansin niya ding nagsalubong ang mga kilay ni Migs. "Your Alex?" Seryosong tanong ni Migs. Sabay pa silang napangiti ni Chris. “Yes Chef” nag-aalangan niyang sagot.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong sa kanya ni Chris. "Dito ko nagtatrabaho." “What a coincidence. Migs is my brother”. ‘I know matagal na’ gusto niyang isagot dito. Pinilit niyang magkunwari na nagulat sa sinabi nito. “Talaga? Hindi kayo magkamukha” Best actress ata siya hahaha. “I know, mas pogi ako sa kanya” sabay tawa nito ng malakas. Tumawa na lang din siya. Sa kabilang dako naman ay seryoso parin ang mukha ni Migs. Hindi niya maintindihan pero parang hindi ata nagustuhan ni Migs na magkakilala sila ng kapatid niya. Kanina pa siya tinititigan nito ng masama. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok. ‘May problema ba siya? Hindi ko naman siya jowa, ay mali jowa ko nga pala siya chaar!’ pinagdikit niya ang kanyang labi dahil pinipigilan niyang matawa sa naiisip niya. Iniwas niya na lang ang tingin niya kay Migs.
“Uuwi ka na ba? Ihatid na kita” “Ha?” Muli siyang tumingin kay Migs. Masama parin ang tingin nito sa kanya. May usapan silang magkikita ngayon. Well not her but Sujin, pero siya din yun anyway. “May dadaanan pa kasi ko. Sa susunod na lang” Pagdadahilan niya. “Mauna na po ‘ko” Pagpapaalam niya. Mabilis niya ng iniwan ang dalawa bago pa siya mapigilan ni Chris. Hinihintay na rin siya ni Yuna sa labas.
“Tara na” “Nagmamadali lang sister?” Nakangising sambit ni Yuna. “Chris is here” “What?” Halos manlaki ang mata nito sa gulat na napalitan ng pilyong ngiti. “Then let’s stay for a while” Napailing lang si Alex. Nakalimutan niya, diehard fan nga pala ni Chris ang kaibigan niya. “Dito ka na magbihis sisilay lang ako kay oppa” Kinindatan pa siya nito. Ano pa bang magagawa niya hindi naman siya ang nagmamaneho. Medyo malayo din naman ang sasakyan ni Yuna sa RAFEL tinted din ang glass nito kaya imposibleng makita sila ni Migs.
“Something wrong?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Sujin. Sa totoo lang kanina pa siya tulala. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang Alex na gusto ng kapatid niya at si Alex ng RAFEL ay iisa. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Kanina pa siya hindi mapakale. ‘Ano nga yun kung siya ang Alex ni Chris? Hell do I care’ Inis na sambit niya sa sarili. Binaleng niya na lang ang kanyang tingin kay Sujin. Hinawakan niya ang kamay nito. “Sorry” Hinalikan niya ito sa nuo at nakangiting tumingin dito. “Don’t worry I’m fine” “Okay” nakangiting sagot sa kanya ni Sujin.
‘ May problema ba?’ Nasa isip ni Alex. Kanina pa tulala si Migs at hindi niya alam kung bakit. Okay naman siya kanina. Maghapon nga siyang nakangiti. Dalawang beses lang ata siya tinawag nito sa pangalan niya. ‘Ano bang pinag-usapan nila magkapatid? Sinabi kaya ni Chris ang tungkol kay Hana? Well ano naman, hindi naman si Alex ang jowa niya kundi si Sujin’ Napabuntong hininga na lang si Alex. Ngayon lang naging tahimik si Migs kaya hindi niya maiwasang mag-alala.
Nasa tapat na sila ng apartment ni Yuna.
“Are you free tomorrow? Let’s go somewhere” “uhmm” Napaisip muna si Alex. Day-off niya bukas pero nangako siya kay Hana na gagala sila mag-nanay. “I understand if you can’t go” Nakangiting sabi nito sa kanya pero halata sa mukha nito ang pagka-dismaya. Para naman siyang naawa dito pero wala siyang magagawa gusto niya din makasama ang anak niya. “Sorry, I have things to do tomorrow” Tinalikuran siya ni Migs na parang batang nagtatampo. Pero imbes na maawa siya natawa lang siya dito. ‘Bakit ang cute-cute nitong lalaking to pag nagtatampo nakakagigil.’
Nilapitan niya ito at hinawakan sa mukha para iharap sa kanya. Nakapikit lang ito at halatang pinipigilang hindi matawa. Napatigil naman si Alex sa pagkakahawak niya dito. Makailan paglunok din ang nagawa niya habang nakatitig sa maamong mukha ng kaharap. ‘s**t! Nakakalaglag panty ang kagwapohan mo Miguel. Bakit hindi na lang si Alex ang pinili mo’ Sigaw ng utak niya. Hindi na siya nakapag-timpi at siniil niya na ito ng halik. Saglit pa ay naramdaman niya ng nakayakap na sa bewang niya ang mga kamay ni Migs. Sinasabayan na rin nito ang paghalik niya. Sabik na sabik sila sa isa’t-isa. Para bang may mga paru-paru na lumilipad sa loob ng puso niya ngayon sa sobrang saya.
Napatigil si Alex ng biglang sumagi na naman sa alalala niya ang tatay ni Hana. May ilang beses na rin itong nangyayari sa tuwing naghahalikan sila ni Migs. Ang weird lang pero simula ng maging sila ni Migs lagi niya na lang ito napapanaginipan. “What’s wrong?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Migs na halatang nabitin sa ginagawa nila. Natawa lang siya sa reaksyon nito at napailing. ‘Ano kaya kung malaman mong si Sujin at ako ay iisa’ Muli niya itong hinalikan at tuluyan ng nagpaalam. “I need to go. I’ll call you”. ‘Baka hindi ako makapagpigil kung saan pa tayo mapunta.’