Naupo sila sa isang bench kung saan tanaw na tanaw mula doon ang ganda ng lake. Ang mga ilaw na nagrereflect dito na akala mo ay salamin sa sobrang linaw. Maging ang ganda ng buwan ay maganda mong matatanaw mula dito. Ang mga ilaw sa gilid nito na parang sumasayaw tuwing magpapalit ito ng mga kulay kasabay ng mga kantang maririnig mo mula sa mga nag aawitan malapit sa kinauupuan nila. Nakakarelax pagmasdan ang mga ito samahan pa ng napakagwapong nilalang na nasa tabi niya ngayon. Lalagpas na ata sa tenga ni Alex ang mga ngiti niya sa mukha. ‘Nababaliw kana Alex’ sigaw nito sa isip niya. Tinapik- tapik niya ang kanyang pisngi baka sakaling bumalik na siya sa katinuan. ‘Wake up Alex’
“Are you okay?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Migs. ‘hindi, malapit na ako mabaliw sayo’ Yun ang gustong lumabas sa bibig niya ngayon pero hindi niya masabi. “I’m okay” Pagkukunwari niya at ngumiti na lang. ‘Bakit ba kasi ganyan ka makatingin’. Pinisil nito ang kanyang pisngi. “You’re so cute” Nakangiting sambit ni Migs. Malalaglag na ata ang puso niya kakatalon nito sa sobrang kilig. Gustong gusto niya ‘tong yakapin. Paano ba magpanggap na hindi kinikilig? ‘s**t! Pigilan mo ang iyong sarili Alexandra!’
“Sorry if I called you these hours” Nagulat siya sa sinabi nito. NOPE! Nagulat siya dahil kung paano siya nito kinakausap ng napakamahinahon. ‘Expectation vs. Reality.’ She remembered it again. Nasa expectation world nga pala sila ngayon ni Migs. At ano pa nga bang aasahan niya kundi ang mga nakakakilig nitong salita, mga titig nitong nakakapanghina ng kalamnan at ang nakakaakit nitong ngiti na ni minsan hindi niya ginawa kay Alex. ‘Haaist’ Munting buntong-hininga na lang ang nagawa niya. Yumuko na lang siya at tiningnan ang mga langgam na parang nagpa-parade sa harapan niya.
“I miss you” Hinawakan nito ang kamay niya. “I miss you too”. Wala sa loob niyang nabanggit ito. ‘Anong sinabi ko?’ Halos sabay silang napatingin sa isa’t isa. Maging si Alex ay nagulat sa sinabi niya. Hindi niya alam kung paano niya babawiin ang sinabi niya kay Migs. “I m-mean uhm-“. Hindi na niya natapos ang sasabihin ng inangkin na ni Migs ang labi niya. Parang tumigil ang mundo ng oras na yun. Kakaiba ang halik nito ngayon. Parang miss na miss siya nito. Hinawakan siya nito sa mukha at matamis siyang pinagmamasdan na parang siya ang pinaka magandang babae sa mundo. “Be my girlfriend Sujin”. Nanlaki ang mga mata ni Alex. ‘Girlfriend? Kahit asawa pa’ sigaw ng malandi niyang utak. Nakangiti lang siyang pinagmamasdan ni Migs. Ewan ba pero parang may gayuma ang halik nito na nakapag patango sa kanya ng mabilis. Kasing bilis ng pintig ng puso niya ngayon. Ramdam na ramdam niya ang pag init ng pisngi niya. Kung yelo lang siya kanina pa siya natunaw.
“Be my girlfriend Sujin” Hindi din alam ni Migs kung paano yun lumabas sa bibig niya. Ang alam niya lang ay ayaw niya na itong malayo sa kanya. Since the party hindi na ito nawala sa isipan niya. Walang gabi na hindi siya nito pinapatulog. He missed her a lot. Sabik na sabik siyang mayakap ito. May parte sa puso niya na hinahanap ito palagi. Gusto niyang malaman kung anong meron sa babaeng ito na nagpagising sa nananahimik niyang puso.
“What happened to your hands?” “Ha?” Napatingin si Alex sa mga kamay niya na hanggang ngayon ay mapula pula pa din. “What happened?” Kinuha nito ang kamay niya at dahan-dahang minamasahe. Naalala na naman niya ang mga tambak na hinugasan niya kanina. ‘Ikaw kaya may gawa niyan bruho ka’ gusto niyang isagot dito. “Nothing” Nakangiting sagot niya at umiling iling na lang. Ayaw niyang masira ang moment nila ngayon. Nila ng boyfriend niya. ‘Patatawarin kita ngayon my Boyfriend hahaha’ Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanina ay galit na galit sa kanya ay jowa na niya ngayon.
Ramdam niya ang maiinit na palad nito. ‘Sana ganito na lang tayo palagi’ sambit niya sa sarili. But expectation never happens everytime. Kaya lulubus lubusin niya na ang mga oras na ito. Lulubos lubusin niya na habang nilalambing siya nito dahil bukas paniguradong mag-aaway na naman sila.
Nasa tapat na sila ng apartment ni Yuna. Doon na siya nagpahatid dahil alam ni Migs kung saan siya nakatira ng minsan siyang hinatid nito. “Thank you”. Bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan ng pinigilan siya nito. “Five more minutes, please”. Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam pero natatawa siya sa reaksyon ng mukha ni Migs. Parang bata na nanlilimos ng pagmamahal. Paanong ang isang Migs na kilala niya ay may gantong side akala niya puro lang panenermon ang alam nito. ‘Mabait ka naman pala. Kay Sujin nga lang.’ She gave him a sweet smile. “Fine! Five more minutes”.
She stayed with him for five more minutes. Nope, more like thirty minutes. Hahahaha. Hindi niya na maalala kung kailan pumikit ang mata niya at mahimbing na nakatulog habang hawak ang kamay ni Migs. Nakangiti lang sa kanya si Migs. Para bang pinagmamasdan lang siya nito habang mahimbing siyang natutulog.
Napaayos siya ng upo. ‘Anong oras na ba?’ Tumingin siya sa relo ni Migs. ’11:30? s**t uuwi pa ‘ko’. Cinderella lang si Alex. Kailangan niya din umuwi bago mag 12midnight. Hindi dahil sa magic na suot niya kundi dahil siya ang mag-oopen ng RAFEL bukas utos ng boss niya na boyfriend niya na ngayon. Kung gaano kabait ang boyfriend niya ganun din kasama ang boss niya. Hahahaha.
”Sorry, I need to go” “Wait” Muli siyang pinigilan nito. “You forgot something”. “Ha?” May nakalimutan ba siya. Tiningnan niya ang kanyang sarili na parang timang at muling tumingin kay Migs. Nakangisi lang ito na umiiling-iling. “You forget my kiss”. Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang mga labi. “You may go now”. Nakangiting sabi nito sa kanya. Napakagat na lang siya ng labi dahil malapit na siyang tumili sa sobrang kilig. ‘Sana wala ng bukas’