HTILY Episode 17

1356 Words
           Nasa locker room si Alex ng makatanggap siya ng tawag mula kay Yuna. “Alex!” Sigaw nito na halos ikabingi niya sa sobrang lakas. “Hindi ka ba talaga pwede magsalita ng mahinahon?” Napailing na lang si Alex. Kung nasa harap niya lang ang kaibigan malamang nahampas na naman niya ito ng malakas.               Naupo siya sa tapat ng locker. “Sorry sister but we have a problem” “I know. Hiningi ni Migs number ko.” “Paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong nito. “kanina habang kumakain kami hiningi niya kay Ryan” naiiyak niyang kwento. “Well sister may nakakaiyak pa diyan” “Ha?” “He wants to meet you right now, as in right now. Andito ko sa labas ng Resto niyo” “What?” Halos mapabalikwas siya sa pagkakatayo sa sinabi ni Yuna. Mabilis na siyang nag bihis at kinuha ang bag niya. Daig nya pa si Flash sa sobrang bilis.            Palabas na siya ng bigla siyang tinawag ni Migs. “Alexandra!”. ‘Bakit na naman’ Inis na bulong niya sa sarili. Nabibingi na siya sa maya’t mayang tawag nito sa pangalan niya. Nag-eenjoy ata si Migs kakatawag sa pangalan niya. Kung pwede niya lang palitan ang pangalan niya matagal niya ng ginawa. Dahan dahan siyang humarap kay Migs. Nakayuko lang si Alex. “Yes Chef” Mahinahon na pagkakasabi niya rito. “Where are you going” Seryosong tanong nito sa kanya. “Uuwi na po” “Bakit?” Tumingin si Migs sa relo na suot niya. “Wala pang 8 ha” Tinaasan siya nito ng kilay. ‘Diba ikaw ang gustong makipagkita sa akin tas tatanungin mo ko kung bakit’ gusto niyang sabihin kay Migs pero hindi naman niya magawa dahil hindi naman alam ni Migs na siya at si Sujin ay iisa. Pinilit niya na lang pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Si Ryan po ang naka assign mag close today kaya mauuna na po akong uuwi”. Tatalikod na siya ng muling magsalita si Migs. “No you’re not going anywhere.” Napakagat labi na lang siya sa sinabi ni Migs. Kaunti na lang at lalagpas na sa ulo niya ang inis niya sa lalaki.             Panandaliang binaling ni Migs ang kanyang tingin kay Ryan. “Ryan you may go home now. Alex will take care of everything.” Kung pwede niya lang isigaw ang mga sinabi niya para mas marinig ito ni Alex ginawa niya na. Pero hindi pa naman siya ganun kasama para gawin yun. Sa totoo lang gusto niya lang itong gantihan dahil sa ginawa nito kanina. ‘She deserve it’ sambit niya sa sarili niya habang nakangising nakatingin kay Alex. Hindi niya din alam kung saan nanggagaling ang inis niya kay Alex pero tuwang tuwa siya pagnakikita ang reaksyon ng babae sa tuwing iniinis niya ito. Naging libangan niya na din ang tawagin ito sa buong pangalan niya.             Natulala naman si Alex sa sinabi ni Migs. Parang gusto niya ‘tong batuhin ng bag na hawak niya. Okay lang ba siya? Gusto niya makipagkita kay Sujin pero gusto niya si Alex ang mag close ng RAFEL? Napapikit na lang si Alex sa sobrang inis. Alam niyang ginagantihan lang siya ni Migs dahil kanina. ‘Fine! Gusto mo ko magclose ng RAFEL? pwes maghintay ka kay Sujin hanggang mamuti ang mata mo’ Sambit niya sa sarili. “Okay Chef” Nginitian niya lang to na parang hinahamon niya sa isang laban si Migs. Sinagot din siya ng ngiti ni Migs. Nanghahamon sa gyera ang mga tingin nilang dalawa. Kahit si Ryan na kanina pa nakatingin sa kanila ay hindi na rin maintindihan ang nangyayari sa kanilang dalawa. “These two lovers are crazy” Napailing niyang sambit sa sarili.                “Hindi ka pa ba tapos?” sigaw ni Yuna sa kabilang linya. “Hayaan mo siya mag-hintay. Siya naman may dahilan bakit siya naghihintay ng matagal.” Narinig niya ang pagbunga ng hangin ni Yuna sa kabilang linya. “Alam niya ba na ikaw si Sujin? Pwede ba yang issue niyo ni Mr. Bean mamaya na yan. Kanina pa siya tawag ng tawag.” “Fine! Relax ito na nga lalabas na.” Inis niyang hinatak ang pinto ng Resto at nilock ito.             Mabilis siyang tumungo sa sasakyan ni Yuna. Hindi pa siya nakakaupo ng maayos inabot na kaagad ni Yuna ang susuotin niya. “May bayad ba ‘to?” “Ask your boyfriend not me” “He’s not my boyfriend.” Nakasimangot na sambit niya dito. Napangisi lang si Yuna sa sagot niya.             Nagbihis siya kaagad at nag-ayos. Wala namang tao sa paligid kaya sa sasakyan na lang siya nagbihis ng damit. Sinuot niya na rin ang wig na suot niya noong party. Si Yuna na din ang nag make-up sa kanya. Same like the party, seductive and sexy. Black turtle neck na naka tucked in sa suot niyang black and white stripe trouser ang suot niya with black high heels na nakikipagtaasan din sa init ng ulo niya. Pinahiram na din ni Yuna ang Fendi sling bag nito sa kanya para mas sosyal siyang tingnan. “Welcome back Sujin” Nakangiting bati sa kanya ni Yuna.             Wala pa rin siya sa mood. Ayaw niyang makita ang mukha ni Migs kung maaari lang. Pagkatapos siyang palinisin nito ng RAFEL. Sinakto pa ata ni Migs na maraming hugasan ang naiwan sa kanya kaya namumula pa rin ang mga kamay niya kakahugas.             “Darling we’re here na. Your face pakiayos” nakangiting sabi ni Yuna. “Bakit ba kasi gusto niya kong makita? I mean si Sujin.” Pagmamaktol ni Alex. “Ganun ba kaganda si Sujin at hindi niya makalimutan. At ganun ba kapanget si Alex at ganun niya na lang kawawain.” Napabuntong-hininga na lang si Yuna. “Pag-ibig nga naman” Pailing-iling na sabi nito. Sinimangutan lang siya ni Alex. Nilabas ni Yuna ang isang phone at ibinigay ito kay Alex. “Ikaw na muna gumamit nito, para dyan ka na lang niya tatawagan” Wala na rin siyang nagawa at kinuha ito. “Bumaba ka na at kanina ka pa hinihintay ng prinsipe mo” “Prinsipeng palaka”. Nagpakawala muna siya ng hangin bago tuluyang bumaba ng sasakyan.           Malayo pa si Migs ay naaninag na niya ito. Kabisadong kabisado na ni Alex ang tindig ni Migs maging ang mga kilos nito sa araw-araw na lagi siyang nakatingin dito. Ang inis na kanina niya pa nararamdaman ay unti-unting napapalitan ng tuwa. Parang trinaydor siya ng sarili niyang emosyon. Habang papalapit siya ng papalapit ay mas lalo naman bumibilis ang t***k ng puso niya. Nawala lahat ng inis niya na parang bula sa isang ngiti lang ni Migs na hindi niya na namalayan na nasa harapan niya na. Hindi niya na din namalayan na kanina pa pala siya naka ngiti dito. Parang may sumanib sa kanya na biglang itinaboy ang Alex na kanina ay galit na galit sa kaharap niya ngayon. Paanong nangyaring trinaydor siya ng sarili niyang katawan.             “Sujin”. Nagising ang katahimikan niya ng marinig niya ang malamig na boses ni Migs. “Ha?” Nakakakuryente ang mga tingin nito sabayan pa ng mga ngiti nito na halos kitang kita ang mga pantay at mapuputi nitong ngipin na mas malinaw pa ata kesa sa nararamdaman niya ngayon. ‘Gising Alex! Remember pinaghugas ka ng lalaking yan. Look at your hand!’ Pero parang hindi na niya marinig ang sarili niya. Nabibingi siya sa kagwapuhan ng kaharap niya.             “Sujin, Are you okay” “Ha? Uhmm.. I’m f-fine” mabilis niyang sagot. ‘Ano bang nangyayari sakin’. Ano nga bang nangyayari sa kanya? Parang kanina lang sa RAFEL gusto niyang ihampas ang bag niya sa lalaking ‘to, ngayon naman parang gusto niya na itong ipasok sa loob ng bag niya at iuuwi. ‘You’re crazy Alexandra.’ Napailing na lang siya. Nagulat na lang siya ng hinawakan nito ang kamay niya. “Let’s go”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD