HTILY Episode 16

1176 Words
    Matapos nilang manggaling sa Seoul, as she promised to Hana pumunta nga sila sa park. Kasama din nila si Bomi at Jude dahil wala naman itong mga pasok dahil linggo din naman. Minsan na lang din sila gumala na magkakasama. Ang mama naman nila ay nagpaiwan, busy kakahanap ng koreano para kay Alex.     Pagkatapos nila sa park ay dumaan sila ng downtown. Dahil may extra naman siyang pera binilhan niya na ng mga bagong damit si Bomi at Hana. Maging si Jude ay binilhan niya na din. Hindi niya na binilhan ang mama niya dahil mas gusto nito ang cash kesa sa gamit. Ganun talaga siguro mga nanay. Mas gusto na ng pera kesa sa mga bagay.     "Ate bumili kana rin. Lagi na lang yan ang damit mo e" nakasimangot na sambit ni Bomi. Tinapik niya lang ito sa balikat. "Okay lang ako, marami pa naman akong damit" inirapan lang siya ni Bomi. Marami pa naman siyang damit at hindi naman siya laging umaalis. Minsan naman ay binibilhan siya ni Yuna. Kaya nakakatipid siya kahit papaano.     Lumapit naman sa kanya si Jude at inakbayan siya nito. "Kung ayaw mong bumili ng damit ipautang mo na lang sakin ang ibibili mo" nakangiting sabi ni Jude. Napailing na lang siya. Ano pa nga bang mangyayari hindi naman niya ito natatanggihan. "Marami ka ng utang sakin lagpas na ng bubong ng bahay". “Magbabayad din ako” “Kailan naman?” “Pagdating ng panahon.” Napailing na lang siya at natawa sa sinabi nito. Hindi din naman niya ito sinisingil dahil alam ni Alex na kailangan nito ng pera lalo na sa mga gamit nito sa school.     Naghihintay na sila ng taxi ng magtext sa kanya si Chris. Tumaas kaagad ang kilay ni Alex. Naalala na naman niya ang pagtatagalog nito nuong party. Chris: Can you perform tonight? Carol is sick.     ‘Perform mo mukha mo’ Inis na sambit niya sa sarili. Kung hindi lang siguro kaibigan ang turing niya kay Chris tinanggihan niya na ito. Naisip niya din ang ibabayad sa kanya ni Chris. Malaki ito magbayad kaya hindi rin siya nakakatanggi hahahaha.     "Okay lang ba kung mauna na kayo? Kailangan ako sa bar ni Chris" tanong niya kay Jude. "Okay lang ako na bahala sa kanila" "Salamat brother". Nagpaalam muna siya kay Hana bago umalis. "sleep early okay? I'll ba back". Hinalikan niya ito sa nuo at nauna ng umalis.     Pagkatapos magperform ni Alex ay dumeretso na siya sa dressing room. Sinundan naman siya ni Chris. “Alex” sigaw ni Chris sa kanya. Inirapan niya lang ito hanggang makapasok siya sa dressing room. “Thank you for coming” Nakangiting sabi ni Chris. Tinitigan niya lang ito ng masama. “Did I do something wrong?” Nagtatakang tanong ni Chris. Ngumisi lang si Alex. “Wrong wrong ka pang nalalaman e kung bugbugin kita”. Pinandidilatan niya ng mata si Chris. Natawa lang naman ito sa reaksyon niya. “I think I already know what’s going on” Nakangising sabi ni Chris. “Alam mo bang hirap na hirap ako mag-english tas marunong ka naman pala magtagalog. Hmmp” “Sorry. Hindi ka naman kasi nagtatanong” “So kailangan ko talaga magtanong? Pwede mo naman sabihin sa akin” “I’m sorry. Wag ka na magtampo, ang cute mo pa naman pag nagtatampo” Nakangising sabi sa kanya ni Chris. Napailing na lang si Alex. Hindi rin naman kasi siya nagtanong kaya kasalan niya din.     “Ihatid na kita” sambit ni Chris. Tumango lang siya. Pagod na din si Alex kakalakad kanina sa downtown kaya kahit ayaw niya magpahatid pumayag na lang din siya.     “Paano mo pala nalaman na marunong ako magtagalog?” “Uhmm” Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi niya alam kong anong isasagot niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nasa party din siya. Napakagat na lang ng labi si Alex. “Alex?” “Narinig ko lang kanina sa Bar.” Mabilis niyang sagot kay Chris. Ngumiti na lang siya. Mukha namang naniwala ito.     Nasa harap na ng RAFEL si Alex ng pumarada ang sasakyan ni Migs sa harap nito. ‘Bakit ngayon ka pa dumating.’ Nasa isip niya. Bigla na lang nataranta si Alex. Paano kung maalala siya nito. Hindi niya alam kung makakaharap pa siya kay Migs. Papasok na siya ng RAFEL ng bigla siyang tinawag ni Migs. "Alexandra". Para siyang na-statwa sa tawag ni Migs. Hindi siya makatingin dito. Gusto niya na lang mag-laho sa kinatatayuan niya.     Magkasalubong ang mga kilay ni Migs na nilapitan si Alex. “Bakit late ka?” “Ha?” tiningnan niya ang kanyang relo. ‘9 na pala’ mahinang bulong niya saka binatukan ang sarili. Late na kasi nakatulog si Alex kakaisip niya kung paano niya haharapin si Migs. Maging si Yuna ay napuyat sa kakatanong niya kagabi. “I’m asking you why are you late?” seryosong tanong ni Migs. Nakayuko lang si Alex na sumagot. “Late din po kayo Chef” “What? Im the owner of this resto, sa tingin mo late ako?" .’Oo nga pala, ano bang pinagsasabi ko’ Napakamot na lang sa ulo si Alex. Nginitian niya na lang si Migs. “Mauna na po ako sa loob baka lalo po ako ma-late hehehe”. Mabilis na siyang pumasok dahil baka kung ano pang masabi niya. Nakakunot naman ang nuo ni Migs na sinundan ito ng tingin. “problerma ng babaeng yun?” napailing na lang si Migs.     Dahil sa dami ng costumer ay ngayon pa lang sila magtatanghalian. Magkatabi si Ryan at Alex habang nasa harap naman nila si Migs. Pinipilit ni Alex na pakalmahin ang sarili dahil yun lang din ang dapat niyang gawin. Araw-araw silang magkakasama ni Migs so she better act fine. And for sure hindi na hahanapin ni Migs si Sujin.     Tahimik silang kumakain ng magsalita si Migs. “Anyway Ryan” “Yes Chef” “Can you give me Sujin’s phone number?” Sa sobrang gulat ni Alex ay nabuga niya ang kaniyang kinakain at tumalsik ito kay Migs. Napatakip siya ng bibig niya. Parang tumatakbo ang kanyang puso sa sobrang bilis ng pintig nito. Mabilis siyang inabutan ng tubig ni Ryan. “Are you okay” nag-aalalang tanong nito habang si Migs naman ay seryosong pinupunasan ang mukha. Pakiramdam ni Alex ay katapusan na niya. “Sorry Chef” Naiiyak niyang sabi dito. Napailing lang si Migs. Nasa mukha nito ang inis. Parang kakainin niya ng buhay si Alex sa mga tingin nito. “You’re really annoying” Hindi na tinapos ni Migs ang kanyang pagkain at tumungo na sa opisina nito.     Gustong maiyak ni Alex sa sobrang inis sa sarili. Feeling niya huling araw niya na sa RAFEL. “Ryan tulungan mo ko”. “Bakit mo naman kasi ginawa yun”. ‘Bakit niya kasi hinihingi ang number ko’ inis na sambit niya sa sarili. Napabuntong hininga na lang si Alex. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD