Nanlaki parehas ang kanilang mga mata. "Anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ni Alex. "Nadu mola (i dont know too)”. Hindi na sila mapakale. Hindi niya akalaing si Ryan si mr. Stalker. Unti-unti na siyang kinakabahan. Naiisip niya pa lang ang magiging reaksyon ni Migs ay natatakot na siya. "Tawagan mo na lng kaya si Ryan. Sabihin mo ibabalik ko na lang yung pera kahit tubuan niya pa" "Baliw kaba? Andito na tayo. At kailan kapa natutong umatras?" Kinuha ni Yuna ang make-up kit na nasa backseat lang din. "kapalan na lang natin yang make-up mo”. Tumango lang si Alex. Tama din naman si Yuna andito na siya bakit pa siya aatras.
“OMG darling you look so hot in that face". Nanlalaking mata na sambit ni Yuna. Ang kaninang pink na labi niya ngayon ay namumula na parang mansanas. Mas kinapalan din ni Yuna ang eye shadow nito. Brown and Gold na kulay ang ginamit niya. Nilagyan niya din ito ng kunting contour kaya mas lalong naging seductive ang itsura niya. Malayong-malayo sa itsura niya kanina. Tiningnan niya ang kanyang mukha sa salamin. Maging siya ay hindi makapaniwala sa itsura niya. “Ako ba talaga ‘to?” “Yes sister that is you” Nakangiting sambit ni Yuna na para bang nakakita ng artista sa sobrang pagka-amaze.
“Sa tingin mo hindi niya na ‘ko makikilala ni Migs?” Muli siyang pinagmasdan ni Yuna. “Hmmm parang makilala ka parin niya ng kunti”. Kinuha ni Yuna ang isa pang bag na nasa backseat. Nagulat si Alex ng makita niyang ilabas ni Yuna ang kulay pink na wig mula dito. "No Yuna. Thats not gonna happen" "Well darling you have no choice. Saka ayaw mo nun kpop ka hahaha”. Binatukan niya ito. "Aray naman" napahawak ito sa ulo niya. “Wala na bang ibang kulay nito? Baka pagtawanan lang ako sa loob”. “Ofcourse I have, just for you sister” Kinuha pa nito ang isang wig. Gradient Blonde Long Curly synthetic wig. Napalunok siya ng makita ito. Hindi siya sanay magsusuot ng mga ganito. Kaya lage siyang senesermonan ni Yuna. Okay na sa kanya ang plain na longsleeve or tshirt saka jeans. Ibang-iba kay Yuna na laging naka postura. Ito din ang unang beses na gagamit si Alex ng wig. Sa gusto man niya o hindi wala na siyang nagawa at isinuot na din ang wig na binigay ni Yuna.
"Wow" Manghang mangha si Yuna na nakatingin sa kanya. Inayos ayos pa nito ang wig na suot niya. "Hindi ba ko mukhang bayaran nito?" "Well darling kung isa ka mang bayaran you’re the expensive one. And only Mr. Bean can afford you". Hindi niya alam kung bakit pero natuwa siya sa sinabi nito. Nabawasan ang kabang nararamdaman niya.
"Dont forget mag jowa kayo. And you’re korean so be careful with your mouth, baka bigla kang magtagalog. Malilintikan tayo parehas”. “Yes madam” sumaludo pa ito kay Yuna.
Sinuot niya na ang coat at bumaba na ng sasakyan. Sumunod na din sa kanya si Yuna. Habang papalapit ng papalapit ay mas muling lumalakas ang kaba na nararamdaman ni Alex.
"Ms. Yuna" sinalubong na sila ni Ryan. ‘Sana hindi niya ko makilala’ ang dasal ni Alex. Hindi siya makatingin ng maayos dito kaya siniko siya ni Yuna. “Umayos ka” nanlalaking mata na sambit sa kanya ni Yuna.
“Sorry for waiting” Panguna ni Yuna. “Its okay, I just got here too” Nakangiting sabi ni Ryan. “This is Sujin my friend. Take care of her” May pananakot na sabi nito. “I promise. Let’s go ms. Sujin”. Inalalayan siya nito sa kamay. Bago pa sila pumanhik ng hagdan ay nasa harapan na nila si Migs.
Halos sabay na napanganga si Alex at Yuna. “Oppa?” marahang sambit ni Yuna na halos tumulo na ang laway sa pagkatitig nito kay Migs. Hindi rin napigilan ni Alex na mapatitig kay Migs. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan nito. Tuxedong itim ang suot nito. Sa tindig pa lang nito ay nakakaakit na. Samahan pa ng napaka-amo niyang mukha. Ang mga tingin nito na nakakapanghina ng laman loob. “s**t! Si Migs ba talaga tong kaharap ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Alex sa kanyang sarili. Nakakapanghina ang kagwapuhan nito. Marahang lumapit sa kanya si Yuna. “Sister ang pogi pala ni mr. Bean di mo man lang ako ininform” Piit ang boses nyang bulong kay Alex. “Hindi din ako nainform bes” mahinang sagot ni Alex. Parehas silang tulala na nakatitig kay Migs.
“Chef. I mean Sir. This is Sujin the one that I’m talking”. Tiningnan siya ni Migs mula ulo hanggang paa. Napaka seryoso ng tingin nito. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya pwedeng makilala ni Migs.“Hindi niya dapat ako makilala’ sambit niya sa kanyang sarili. Binigyan niya ito ng napakagandang ngiti. “Nice to meet you, I’m Sujin” Inilahad ni Alex ang kamay niya para makipag kamay pero tiningnan lang ito ni Migs. “Wha’s with that hair?” Seryosong tanong nito. “I like to wear wi-“ “whatever” Hindi pa siya tapos magsalita ay hinarang agad ito ni Migs. “Itsura lang pala nagbago kala ko pati ugali hmmp”. Nauna na itong umakyat. Nagpaalam na din si Alex kay Yuna.
Pagpasok pa lang sa lobby ay makikita mo na agad ang kagandahan ng hotel. Mga naglalakihang chandellier na nakakasilaw sa mata. Maging ang mga wallpaper at tiles sa sahig ay halatang pinagkagastusan. Mga bisitang naggagandahan ang mga suot. Manghang-mangha si Alex sa ganda ng Hotel. “akala ko sa tv lang ako makakakita ng ganito. Ang yaman pala talaga nila.” mahinang bulong niya.
Nagulat si Alex ng hinawakan ni Migs ang kamay niya. Napatingin siya rito. Napaka-init ng mga palad ni Migs. At napaka lambot mas malambot pa ata sa kamay niya. Hindi niya lubos maisip na mahahawakan niya ang kamay ni Migs sa araw araw na lagi siyang sinisigawan nito. Pasimple siyang ngumiti na parang may kalokohang naiisip. ‘since hindi mo naman alam kung sino ko lulubus-lubusin ko ng hawakan ka hahaha’. Ang kaba na nararamdaman niya kanina ay unti-unting napapalitan ng kilig. Tumingin sa kanya si Migs na parang ikinagulat niya. "Lets go" yaya nito. Napatango lang siya. Nakakaramdam siya ng kaba at saya sa pagkakahawak nito sa kanya. “You’re mine tonight Mr. Bean” Hanggang tenga ang ngiti ni Alex na nakatingin sa magkahawak nilang kamay.
Hinila na siya ni Migs. Tumungo sila sa isang kwarto na nasa 1st floor lang din. Naroon lahat ang mga bisita. Sa mga suot pa lang nito halatang galing ito sa mayayaman na pamilya. Sinalubong sila ng isang lalaki. “Good evening sir Jihu, your dad is waiting for you”. Tumango lang si Migs. Sinundan lang nila ito hanggang mapunta sila sa bandang unahan. Natanaw kaagad ni Alex si Ms. Ellen. Napatigil siya sa paglalakad na ikinagulat ni Migs. “What happened?” seryosong tanong nito kay Alex. “Nothing” Napailing na lang siya at ngumiti. “Bahala na” napabuntong hininga na lang si Alex. Wala na din oras para umatras siya.
“Oh there he is” sinalubong sila ni Ms. Ellen. Napakaganda nito sa suot nitong gown. Mas lalo namang bumilis ang kaba na nararamdaman ni Alex habang papalapit siya dito.
Napatingin si Migs kay Alex ng hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. Ramdam nito ang kaba na nararamdaman ni Alex. Napapangiti na lang siya ng hindi niya namamalayan. Hinapit niya ito sa bewang at inilapit sa kanya na ikinagulat ni Alex. Halos magkadikit ang mga katawan nila. Bumulong ito sa kanya. “Smile” mahinang sambit ni Migs. Para siyang kiniliti sa lamig ng boses ni Migs. Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng nakakaakit na ngiti. ”s**t! Wag mo kong ngitian ng ganyan baka ma-inlove na ‘ko sayo” Lalo siyang nanghihina sa mga ngiti nito. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa init na nararamdaman niya dala ng kilig at kaba.
“Hi mom! This is Sujin my girlfriend” Pakilala sa kanya ni Migs. Isa-isang bumiso sa kanya ang Mommy ni Migs sumunod ang lola nito at ang kapatid niyang babae. “Hi Sujin, nice to meet you, you look so stunning” sambit ng Mommy ni Migs. Para namang umurong ang dila niya sa sobrang kaba ng kinausap siya ni Ms. Ellen. “Sorry ms. Ellen” nasa isip niya.
Naupo na sila sa table na naka reserve para sa kanila.
Kanina pa si Alex pinagmamasdan ng mommy at lola ni Migs. Hindi niya alam kung may dumi ba siya sa mukha o ano dahil kanina pa siya tinitigan ng mga ito. Napansin ni Migs na naiilang na siya sa mga tingin nito. “Mom stop looking at her. I know she’s beautiful but you’re making her uncomfortable” sambit ni Migs na nakangiting nakatitig sa kanya. ‘am I beautiful?’sa isip niya. Kinagat niya ang kanyang labi dahil hindi niya mapigilang kiligin. Natawa naman ang mommy ni Migs. “Sorry, our mistake. We can’t handle it, she’s so gorgeous” Para namang nahiya si Alex sa sinabi ng mommy ni Migs. Tunay naman kasing napaka ganda niya sa suot niya. Well maging si Migs din naman ay hindi maiwasang titigan si Alex. Napaka ganda nito. Bumagay din ang wig na suot nito sa looks niya. She looks like a Hollywood star. Napalunok bigla si Migs. He is attracted to her kahit hindi niya aminin. Kahit sino ata ay maa-attract sa itsura ni Alex. She is very gorgeous, seductive and sexy. Walang makakapagsabi na may anak na siya.
Binaling na lang ni Migs ang kanyang tingin sa stage kung saan nagbibigay ng speech ang daddy niya. Ayaw niyang makaramdam ng kung ano para kay Alex dahil alam niyang wala din naman itong patutunguhan. Alex is here just to pretend his girlfriend nothing more.