“Oemma when are you coming back?” Tanong ni Hana habang nakatitig kay Alex na nag-iimpake ng mga gamit. Pagkatapos niyang maisara ang maleta ay lumapit ito kay Hana. Naupo siya sa tabi nito. “I’ll be back in two days”. Sagot niya habang nakahawak sa mga kamay nito. “Can I go with you? I’ll be quit I promise”. Wala siyang maisagot. Tanging ngiti lang ang naibigay niya dito. Gustuhin niya man isama si Hana ay hindi pwede. “Let’s go to the park when I get home”. “You said that before” Nalungkot siya sa sinabi nito. Maging si Hana ay kabisado na ang mga dahilan niya. Alam niya na gusto lang siya makasama ni Hana kahit saglit pero hindi niya maibigay. Parang tinutusok ang puso niya kapag hindi niya napag-bibigyan si Hana. Gusto lang siya makasama nito pero hindi niya maibigay kahit kaunting oras lang.
Mag-aapat na taon na si Hana. Lumaki ito na laging ang Mama niya ang kasama. Kung hindi man ang Mama niya ang dalawa niyang kapatid. Palagi siyang busy sa trabaho. Umaga hanggang gabi. Hindi niya nga alam kung kailan ito nagsimulang tubuan ng ngipin o kailan ito nagsimulang mag-lakad. Kung anong mga gusto nitong pagkain. Minsan nakakaramdam siya ng inggit sa mga kapatid niya dahil mas malapit dito si Hana kesa sa kanya. Magkaroon man siya ng oras dito, lagi naman nitong hinahanap ang Mama niya.
Niyakap niya ito ng mahigpit. “I’m sorry Hana” Niyakap na rin siya nito. Hindi niya mapigilang maluha. Nasasaktan siya sa nangyayari. Gusto niya lang ng magandang buhay para sa pamilya niya, para kay Hana. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang nakikita siya ni Hana na malungkot. “Let me buy you a gift. What do you want?” Humarap ito sa kanya. Nawala ang lungkot nito sa mga mata. “umm.. I want a doll and ice cream and chocolate” “as you wish Princess” Sumaludo pa siyang sumagot kay Hana. Muli niya itong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa nuo. “Saranghe (I love you)”.
Napaka swerte niya dahil napakabait ni Hana. Hindi rin ito spoiled di tulad ng mga ibang bata. Naiiintindihan niya kung hindi siya nabibilhan ng mga gusto niya. Hindi ito nagrereklamo. Napaka-matured niya na mag-isip sa edad na apat. May minsan na gusto niya itong bilhan ng mga laruan dahil puro mga bigay lang sa kanya ang mga laruan ni Hana pero tumatanggi ito. Tipirin na lang daw ang pera para maka-uwi na sila ng Pilipinas. Gusto din nitong umuwi ng Pilipinas. Nai-excite siya pag nagkekwento si Jude sa kanya. Natutuwa si Alex dahil kahit wala siyang maipagmalaki sa sarili niya meron siyang anak na maipagmamalaki at yun ay si Hana.
Sa Seoul pa ang venue ng party kaya maaga silang umalis ni YUna. Limang oras din ang byahe mula sa Daegu hanggang Seoul.
“Anyway sister Mr. stalker texted me some info about his boss” sambit ni Yuna na tutok na tutok sa pagmamaneho. “So your boyfriend is-“ “Boyfriend?” Nagulat si Alex sa sinabi nito. “Yup boyfriend like jowa” Nakangiting sabi ni Yuna. Hindi niya agad ito sinabi kay Alex dahil alam niyang tatanggi ito. “Wow! At hindi mo man lang sinabi sakin” tinalikuran niya ito na parang batang nagmamaktol. “Well darling, bago kapa magmaktol diyan dahil for sure wala kana din magagawa” Tinitigan niya ito ng masama at umiling-iling. ‘Kaibigan ko ba talaga tong koreanang to’ nasa isip niya. Para namang nabasa ni Yuna ang nasa isip ni Alex. “I’m your friend sister” Kumindat pa ito sa kanya. Napasandal na lang siya ng upo sa sobrang pagka-inis. “Anyway, your boyfriend is mr. Jihu Park” “Korean?” “Nope. Guess what” tinaasan niya lang ng kilay si Yuna na parang naghihintay ng susunod nitong sasabihin. “Her mom re-married a Korean man like your mom. Meron din siyang step-brother and sister. Yun nga lang yayamanin sila hindi tulad natin”. Tuloy tuloy lang ang tango ni Alex. “His step-dad is very rich, like R-I-C-H rich!” “Okay” Marahan na sabi niya. “Tonight is his dad new hotel grand opening, kaya gusto niya na maganda ka” “Kaya pala mapera” “So you better be good sister baka ito na ang mag-aalis satin sa kahirapan, baka ito narin ang magiging ama ni Hana" nahampas ni Alex si Yuna sa braso ng napakalakas. "Aray naman ate, gusto mo bang mabunggo tayo? Relax." Nginusuan niya ito. "wag mo ngang idamay si Hana. Saka hello ikaw na din ang nagsabi they are very rich R-I-C-H rich. As if naman papatol na yun sa may anak na". "Ang hard mo talaga. E anu naman kung may anak kana?pag may anak na hindi na pwede magmahal? Pag may-anak na hindi na pwede mahalin? Pag may-anak na hindi na pwedeng maging masaya?” Nakanuot ang nuo nito sa kanya. Hindi kumibo si Alex. Alam naman niyang hindi siya maiintindihan ni Yuna. Sa lahat ng nirereto sa kanya ay lagi siyang tinatanggihan dahil may anak na siya. Hindi na din siya umaasa na may magmamahal pa sa kanya. Na may magmamahal pa sa kanilang dalawa ni Hana.
Alas kwatro na ng hapon ng makarating sila sa hotel na tutuluyan nila. Kumain lang sila at mabilis na nag-ayos. Alas-syete ang start ng party kaya sakto lang ang dating nila. Off shoulder Velvet mermaid evening long gown ang suot ni Alex. Kitang kita ang kagandahan niya sa suot niyang gown. Napaka simple lang din ng make-up niya. Napanganga naman si Yuna ng nakita niya si Alex. "Wow! Para kang aattend ng Oscar sa suot mo sister" naiiyak na sabi nito. "Ang o.a mo" "Sorry its just, ngayon lang uli kita nakita ng ganito. You’re so beautiful Alex. Sana lagi kang ganito" hindi niya na rin napigilan maluha. Lumapit siya kay Yuna at niyakap ito. "Thank you kasi lagi kang andyan para sakin" “Alex, You’re not just my friend you are my sister”. Niyakap niya muli ito ng napakahigpit. “Thank you YUna”
Nasa harap na sila ng hotel pero hindi parin sila bumababa ng sasakyan. "Sure ka ba okay lang itsura ko?" Hindi mapakaleng tanong ni Alex. "Isa pang tanong mo babatukan na kita" biro ni Yuna. Nginusuan niya lang ito. Walang anu ano pa ay natanaw na ni Yuna si mr. Stalker. "There’s mr. Stalker" tinuro niya ito kay Alex. Naka suot ito ng Navy na Suit. Matangkad din ito at may itsura din. Halatang halata ang pagka pinoy nito sa kulay niyang kayumanggi. 'Parang pamilyar siya sakin' nasa isip ni Alex. Pinakatitigan niya ito ng mabuti. "RYAN?" Nanlaki ang mga mata niya. "you know him?" nagtatakang tanong ni Yuna. Tumango lang siya. Nararamdaman niya na ang kaba. “How?” "Thats mr. Bean assistant" "mr. Bean? Your soulmate?"