Isang linggo na din si Alex mula ng magsimula siyang magtrabaho sa RAFEL. Walang araw na hindi siya sinesermunan or nasisigawan ni Migs. Akala niya pa naman magbabago na ang pakikitungo nito sa kanya ng halikan siya nito hindi pala. Walang oras na hindi niya naririnig ang pangalan niya. Hindi lang pangalan niya kundi buong pangalan niya. Tinalo pa nito ang Mama niya sa pagsermon sa kanya. Minsan nga ay naiisipan niya ng magresign, nahihiya lang siya kay Ms. Ellen dahil sa pakiusap nito.
Pagseserve lang ang ginagawa ni Alex, minsan naman ay nasa loob siya ng kusina. May pagkakataon naman na pinapatulong siya ni Ryan sa pagluluto pag wala si Migs. Sobrang nag-eenjoy siya kapag nakakapagluto dahil natututo siya ng iba’t-ibang putahe ng pagkain.
“Matagal ka na ba dito sa RAFEL?” Tanong niya kay Ryan habang naghihiwa ng Carrots. “Yup. Maglilimang taon na din. Sinama ko ni Chef dito ng mapagdesisyonan niyang magbukas din dito ng RAFEL matapos mamatay ni Ms. Ana”. “Ana?” “Fiance ni Chef. Ikakasal na dapat sila. Isang linggo bago ang kasal naaksidente ito at ikinamatay” “Kaya pala iretado siya sa mga babae”. Tumango lang si Ryan. “Mahal na mahal ni Chef si Ms. Ana. Halos gumuho ang mundo ni Chef ng pumanaw ito. Nagsimula siyang magbago. Naging maiinitinin na ang ulo niya.” Nakaramdam naman ng awa si Alex para kay Migs. “Kaya pala walang nagtatagal na Chef sa kanya maliban sayo” Ngumiti lang si Ryan. “I know Chef. He is very kind, very generous, hindi lang empleyado ang tingin niya sa amin kundi pamilya. And I believe na babalik din siya sa dati”. Matapang na sabi nito. Na-amaze naman si Alex sa suporta nito para kay Migs. “Kaya sana pagpasensyahan mo na lang si Chef pag napag-iinitan ka niya”. “Pag-iisipan ko” kunwari siyang sumimangot. Natawa lang sa kanya si Ryan. Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Alex. Akala niya kasi ayaw talaga sa kanya ni Migs dahil lagi na lang siya ang nakikita nito. Ngayon ay alam niya na ang dahilan.
Naghuhugas si Alex ng mga pinggan ng mahiwa siya ng kutsilyo na hawak niya. “Aray” Mabilis na lumapit si Migs sa kanya at sinipsip ang dugo na lumalabas sa kanyang daliri. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ni Migs. Buti na lang at nahugasan ni Alex ang kamay niya. ‘Concern din pala sakin ‘tong mokong na ‘to’. Hindi niya napigilang mapangiti. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Mas naramdaman niya pa ang init ng mga labi ni Migs kesa sa sakit ng pagkahiwa niya. “Okay ka lang ba?” Natatarantang tanong ni Migs. Tulala lang siyang nakatingin dito. ”Get some medicine” Sigaw nito kay Ryan. “Alexandra!” “Ha?” Para naman siyang nagising sa pagkatulog sa sigaw ni Migs. Mabilis niyang hinila ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito. “Okay lang ako Chef. Malayo pa ‘to sa bituka hehehe” Nakangiting sabi ni Alex. Pinitik siya nito sa nuo at kinuha uli ang kamay niya. “Paano kung maputol yang daliri mo magbabayad pa ako” Sumimangot si Alex sa narinig niya. ‘Kala ko pa naman concern sakin hmmp’. Muli niyang hinila ang kamay niya at kinuha ang band-aid na hawak ni Migs. “Ako na po maglalagay hindi pa naman po putol ang daliri ko”. Mataray na sabi niya. Umiwas naman ng tingin si Ryan sa dalawa, dahil para itong mag-jowang nag-aaway.
Bukas na ang pagtatagpo ni Alex at ng boss ni Mr. Stalker. Buti na lang at sarado din ang RAFEL ng tatlong araw dahil may pupuntahan ding event si Migs. “Mauna na’ko, bawi ako sa sunod” Nagmamadaling paalam ni Ryan. Magkikita daw sila ng crush niya kaya nakiusap ito kay Alex kung pwede siya ang magligpit ng mga natirang gawain.
Ibinababa ni Alex ang curtain blinds ng mapansin niya ang lakas ng ulan sa labas. ‘bakit ngayon ka pa umulan wala akong payong’ inis na sambit niya. Hindi niya namalayan na nasa likod niya si Migs ng tumalikod siya. Napasubsub siya sa dibdib nito. ‘Bakit ka ba biglang sumusulpot’. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang pagkagulat. ‘Bakit nandito pa tong mokong na’to’. Nasa isip niya. Naiinis parin siya dito. Huminga muna siya ng malalim. Nakayuko siyang nagsalita. “Sorry Chef, mauna na po ako”. Bago pa siya nakatakas ay mabilis na nahawakan ni Migs ang ulo niya. Maliit lang siya kaya mabilis siyang naabot ni Migs. Gamit ang kamay na nakahawak sa ulo niya ay iniharap siya nito. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Nagsimula namang tumibok ang pusok niya na parang may hinahabol sa sobrang bilis. Alam niyang pagagalitan na naman siya nito. Napalunok si Alex sa sobrang kaba. "Bilisan mo na, ihahatid na kita". Binitawan na nito ang ulo niya at nauna ng lumabas. Sinundan niya ito ng tingin. “Anong problema nun, bakit niya ko ihahatid?” Napakamot na lang siya ng ulo.
"Dito na lang po ako. Malapit na lang po ang bahay namin dito, tatakbuhin ko na lang" nakangiting sabi niya. Napailing lang si Migs sa sinabi niya. Bumaba ito at kinuha ang payong sa likod ng sasakyan. Nagulat siya ng pinag-buksan siya nito ng pinto. ‘Sweet din pala ang mokong’ “Thank you Chef” Nakayuko lang siya dahil hindi niya mapigilang mapangiti.
Pagkasara ni Migs ng pinto ay sakto naman ang pagkidlat ng malakas. Napayakap ng mahigpit sa kanya si Alex. Nagsunod-sunod pa ang kidlat kaya mas lalong sinubsob ni Alex ang mukha niya sa dibdib nito. But he was not surprised. It feels like it happened before. He felt as if she had hugged him before somewhere in his memory. May parte ng sarili niya na gusto niyag yakapin si Alex. ‘Im crazy’ sambit niya sa sarili.
Mabilis naman na pumiglas sa pagkakayakap sa kanya si Alex ng mapansin nitong nakaapak siya sa sapatos niya. “Sorry Chef hindi na mauulit” Halos hindi siya makatingin dito dahil sa takot at pagkataranta. “You’re so annoying” kinuha nito ang kamay niya at iniabot ang payong na hawak nito. Sumakay na ito sa sasakyan at mabilis na umalis na parang hangin.
Hindi maiwasang batukan ni Alex ang sarili dahil sa ginawa niya. ‘Bakit ko ba kasi siya niyakap. Nakakainis”
On his way home. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. He was so confused. Simula ng pumasok si Alex sa RAFEL hindi na mapalagay ang nararamdaman niya. It feels like they’ve known each other for a long time. “What’s with that girl?” Napabuntong-hininga na lang si Migs.