Kanina pa sila pinapakinggan ni Migs mula sa likuran. Naka ekis ang mga braso nitong nakasandal sa may pintuan. Umubo si Ryan para magbigay ng senyas kay Alex pero patuloy parin ito sa pagsasalita. Wala na din ata itong balak tumigil. Senenyasan naman ni Migs si Ryan na mauna ng lumabas. Dahil sa sobrang daldal ni Alex hindi niya na namalayan na wala na sa tabi niya si Ryan.
Patuloy parin sa pagsasalita si Alex. Dahan-dahan namang lumapit si Migs kay Alex hanggang makalapit ito sa likuran nito. Nakangiti itong nakikinig kay Alex. ‘So you hate me that much ha?’ nasa isip nito. “Hindi ako magtataka kung tatandang binata si Chef. Buti nga sa kanya” At tumawa ito ng malakas. “Sinong tatandang binata?” Mabilis siyang napatalikod ng narinig niya ang malamig na boses mula sa likuran niya. “Chef?” Halos magkadikit ang mukha nila sa sobrang lapit nito sa kanya. Para siyang istatwa na natulala dahil sa presensya nito. Kitang-kita niya ang kagwapuhan ni Migs. Napaka inosente ng mukha nito. Napakatangos ng ilong. Namumula din ang maninipis nitong mga labi. Nakakahumaling din sa bango ang amoy nito. Ramdam na ramdam ni Alex ang pagbilis ng t***k ng puso niya. “s**t! Ang pogi niya”. Lalo naman nilapit ni Migs ang mukha niya kay Alex at binigyan niya ito ng nakakaakit na ngiti. Napakapilyo ng mga tingin nito. Pakiramdam niya ay matutumba na siya dahil sa panghihina dulot ng mga tingin ni Migs. Pinipigilan niyang mag-response sa ginagawa nito. “Gumising ka Alex hindi ka pwedeng magpaakit sa unggoy na ‘to’ sigaw niya sa kanyang isipan.
“Lalabas na po ako” Bago pa siya makatakas sa pagkakaharang ni Migs ay naramdaman niya na ang mainit na labi nito. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. “Para yan sa pag siko sakin” Agad niyang tinakpan ang kanyang labi ngunit mabilis itong tinanggal ni Migs at hinalikan siyang muli. Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng t***k nito. “At para naman to sa pagtawag saking matandang binata. Now go to work”. Napatango na lang siya sa sinabi nito. Lumabas na si Migs pero tulala parin si Alex sa kinatatayuan niya. Tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi dahil sa init na bigla niyang naramdaman. ‘Wake up Alex, wake up’
Nakasandal ng upo si Migs habang iniisip ang nangyari kanina sa locker room. ‘I’ve seen that face before’. Hindi siya mapalagay, alam niyang nakita niya na si Alex sa kung saan. Hindi niya maipaliwanag ang saya na naramdaman niya ng magkalapit sila ni Alex. Para bang ang tagal nilang hindi nagkita. ‘Why did I kissed her?’ Maging siya ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Hindi pa din mawala sa isip niya ang mukha ni Alex. Alam niyang may naramdaman siya na kung ano ng maglapit ang kanilang mga labi. ‘I’m just tired’ mahinang sabi niya habang hinihilot ang kanyang ulo.
Nakatulala si Alex habang hinihintay si Yuna sa isang coffeeshop. Napag-usapan nilang doon magkita. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Nakahawak siya sa labi niya habang napapangiti dahil kakaisip dito. “Wait. Bakit ako kinikilig?” Napaayos siya ng upo at tinapik tapik ang kanyang pisnge.
“Oennie kwenchana (okay ka lang ate)?” nagtatakang tanong ni Yuna sa kanya. Umiling siya na parang iiyak ang mukha. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa lamesa. “Sister hindi kita madadamayan kung hindi mo sasabihin sa’kin” giit ni Yuna. Napaayos ng upo si Alex. “Remember Mr. Bean?” “Your Soulmate?” “Soulmate ka dyan” Kumunot ang nuo niya sa sinabi ni Yuna. “Sorry na. Ano bang meron kay Mr. Bean at parang binagyo yang mukha mo” “He’s my boss now” “What?” malakas na sigaw ni Yuna. Halos mapatingin sa kanila ang mga tao sa coffee shop sa lakas ng boses nito. Napayuko naman si Alex sa sobrang hiya. “Hindi ba pwedeng hindi ka sisigaw?” “Sorry, Na-excite lang sister”. Napa-iling na lang si Alex. Nagdadalawang isip tuloy siya kung sasabihin niyang hinalikan siya nito o hindi dahil baka hindi lang sigaw gawin ni Yuna. “I told you sister, he’s your soulmate. OMG naiimagine ko na ang kasal niyo”. Mabilis niya itong binatukan. “We (why)!” “Kasal ka dyan, as if naman papatulan ako nun. May anak na ko no, imposibleng may pumatol pa sa akin”. “Ang hard mo naman sa life ate” habang hinihimas himas pa ang ulo niya sa sakit. “Anu pa lang gagawin natin dito?” Pagbabago niya ng usapan. “Nagsend uli si mr. stalker ng pera”. “Pera? Para saan?” “Well gusto ng boss niya na ikaw ang pinakamagandang babae sa gabing iyon” Napausog naman ang mukha niya sa sinabi ni Yuna. ‘Gaano ba kapanget ang boss ni mr. stalker? Tanong niya sa sarili niya.
Tapos na sila mamili ng may tumawag sa kanila sa likuran. “Alex!” sabay silang napalingon dito. “Sir Chris?” “Hi! What are you doing here?” “Hi Sir Chris” sabat ni Yuna. Halos mamilipit ito ng yakap sa braso ni Alex. Matagal na siyang may crush kay Chris kahit alam niyang si Alex ang gusto nito. “Hi YUna! You look so pretty today” “Am I?” Siniko siya ni Alex dahil halos mawala na ito sa sarili dahil sa pagka-kilig. “Umayos ka nga” piit ang boses niyang sabi dito. Natawa lang sa kanila si Chris. “Let me treat you for dinner” “Sure” mabilis na sagot ni Yuna. Kung wala lang sa harap nila si Chris kanina niya pa ito sinabunutan.
“Oh may gad” halos sabay nilang nabanggit ni Yuna ng makita nila ang mga presyo ng pagkain. “Sir Chris it’s kinda expensive here, why don’t we transfer to another resto”. Natawa naman sa reaksyon nila si Chris. “It’s fine.Let me order” nakangiting sabi ni Chris.
“Anyway Alex, are free next week?” Halos sabay silang nagkatinginan ni Yuna. “Well I have a party to attend next week, maybe you can come with me”. Mabilis niyang naisubo ang pagkain na hawak niya. Hindi siya pwede dahil ito din ang araw na magkikita sila ng boss ni mr. stalker. “If you can’t I’ll understand”. Nakangiting sabi nito pero bakas sa mukha nito ang pagka disappoint.
“I need to go. I’ll call you later. Thank you sir Chris” Paalam ni Yuna. Paalis na ito ng muli siyang hilain ni Alex. Ayaw niyang bitawan si Yuna dahil ayaw niyang maiwan kasama si Chris. Nahihiya siya pag kasama ito. “Mamaya kana umuwi” mahinang pagmamakaawa niya. Nginitian niya lang ito. “Goodluck sister” Tinapik lang siya nito sa balikat at mabilis ng lumayo. “Let me drive you to your house”. Ayaw niya man pero nahihiya siyang tanggihan ito. “Okay sir” nakangiting sagot niya.
“How’s Hana?” Tanong ni Chris habang nagmamaneho. “She’s fine. Anyway thank you for the gift that you gave her”. ”Did she like it?” “Yes” matipid niyang sagot. Sa totoo lang naiilang siya pagkasama si Chris. Mabait ito sa kanya maging kay Hana pero hindi niya maiwasang mailang dito. Pag magkasama sila ay hindi niya magawang mag-salita. Walang lumalabas sa bibig niya. Nahihiya siyang makihalubiho sa mga katulad ni Chris. Siguro dahil din boss niya ito. Hindi din maiwasan na pagtsismisan silang dalawa pag nasa bar siya nito. Palagi niya na lang naririnig na pinipirahan niya lang si Chris minsan naman ay inaakit niya daw ito para pakasalan siya. Kaya hanggat maari ay gusto niyang umiwas dito.
“Thank you Sir Chris” Nagsalubong ang mga kilay nito na humarap sa kanya. ‘May nasabi ba ko?’ nagtataka niyang tanong sa sarili. “I told you to stop calling me Sir” Napalunok naman siya sa sinabi nito. “Call me Chris” “Okay C-Chris?” “Good” Natawang sabi nito. Pakiramdam niya ay gumaan ang loob niya ng tinawag niya ito sa pangalan nito. “Alex” “Yes” “Let’s date”. Nanlaki ang mata ni Alex na napatingin kay Chris. “W-why?” “I like you Alex, I know you you know”. Oo alam niyang may gusto sa kanya si Chris pero hindi niya akalaing totoo talga ito. “W-why me?” Hinawakan siya nito sa ulo at tinapik tapik ito. “Because you’re so cute” Nakangiting sabi nito. “I know you have a lot of problems right now and I don’t want to be one of them. I just want you to remember that I’m always here. I can wait Alex.” Nakaramdam siya ng saya ng marinig ito. Ngayon lang niya naramdaman na may taong gustong maghintay para sa kanya. Na may taong nakaka appreciate sa kanya kahit walang wala siya. “Thank you” “You’re very welcome”.