CHAPTER 2

517 Words
CHAPTER 2 NAPA BUNTONG hininga na lamang ang dalaga dahil sa kahihiyan. Tama naman ang tindera puro na lamang sila utang sa tindahan ni ate Mercy. Kinuha na ng dalaga ang dalawang de lata sa tindera. "Pasensya na po ate Mercy, hayaan nyo po kapag may pera na po ulit sila mama ay mag babayad din po agad kami. Maraming salamat po." at umalis na kaagad para umuwi. Kahit ang dalaga rin ay pagod na sa kakautang sa mga tindahan dito sa lugar nila. Halos lahat na ata ng tindahan sa lugar nila ay na utangan nila. Kaya yung iba ay nag sasarado na lamang dahil na lulugi ang negosyo. Pagka-uwi niya sa tahanan nila ay bumungad agad ang mga malilit nitong kapatid. Naglalaro sila ng mga sirang laruan at mga napag lumaang laruan ng mga kapit bahay. Minsan kapag nakikita niya ang mga kapatid niya na naglalaro ng mga sirang laruan ay parang nadudurog ang kanyang puso sa hindi malamang dahilan. Hindi naman siya ang nanay nang mga batang iyan, pero sobrang lalapit ng puso niya dito sa apat na sumunod sa kanya. Naawa siya dahil na silayan niya ang paglaki ng mga kapatid niyang sumunod sa kanya dahil siya ang nag alaga rito. Kaya naman ay apat niyang kapatid ay sobrang close sa kanya. Agad siyang dumniretso sa munting kusina nila upang asikasuhin ang kanilang makakain. Inayos niya na ang hapag kainan at nag lagay na ng mga plato at mga kutsara't tinidor. "Hali na kayo't magsi kain na." tawag niya sa mga kapatid niya. Agad namang nag si lapitan ang mga kapatid niya. Buhat buhat ni Macoy ang kanilang bunsong kapatid. Si Macoy ay pang anim kong kapatid, siya ang sumunod kay Isabel. Si Macoy ay 17 years old pa lamang at huminto na sa pag aaral pero maaasahan naman at tumutulong sa akin sa pagbabantay ng mga kapatid namin. Ang sumunod naman ay si Nathan pang pito sa aming magkakapatid. Si Nathan ay 13 years old pa lamang, na hinto rin ito sa pag aaral. At ang pang walo niyang kapatid ay si Janong na 9 years old, tulad nila ay huminto rin ito sa pag aaral. Ang bunso naman ay si Alas na 4 years old. .. .. .. Lahat sila ay huminto sa pag aaral. Tinamad na ang mga magulang nilang pag-aralin silang magkakapatid dahil sa kakulangan ng pera. Wala silang pambilo ng sapatos, uniform, at mga school supplies. Ultimo pagkain nga nila ay inuutang lang din kaya walang wala talaga silang sapat na pera para sa pag-papaaral. Ayaw na rin silang supportahan ng magulang nila sa pag-aaral dahil ang iniisip ng magulang nila ay mapupunta rin naman sa wala ang pag-aaral nila, hindi rin naman sila mag tatapos ng pag-aaral. Ayan ang mga na isip na dahilan ng magulang ni Isabel. Mataas ang pangarap ni isabel nuon simula bata palamang siya. Gusto niyang mag artista o di kaya'y maging sikat na model. Maganda at matalino si Isabel kaya kung tutuusin ay pwede niyang maabot ang pangarap niya, kaso wala namang kahit isa sa magulang niya ang gustong sumuporta sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD