CHAPTER 3
KAHIT na matalino at maganda si Isabel ay napaka mabuting anak din niya. Isipin mo... ang obligasyon na dapat magulang niya ang gumagawa dahil sila ang magulang, ay si Isabel ang kumikilos at nag aasikaso ng mga obligasyon na dapat hindi niya ginagawa.
Pero kahit sa ganon ay wala rin naman siyang magagawa--- dahil ito ang kapalaran niya.
Kung mabibigyan lamang siya ng opportunities na magkaroon ng magandang trabaho, yung trabahong kahit hindi siya tapos ng pag-aaral ay tatanggapin niya agad.
Para mapag-aral niya ang apat niyang bunsong kapatid.
Gusto niyang makapag-aral at maka-pag tapos ang mga kapatid niya at gagawin niya yun sa abot ng makakaya niya.
Gustong gusto niyang maibigay ang maayos na buhay lalo na sa kapatid niya.
Dahil minsan ay naawa siya dahil nakikita niyang na iinggit ang mga kapatid niya sa mga classmate nito nuon.
Dahil ang mga clasmmate ng mga kapatid niya ay may mga maayos na gamit at may baon palagi na nakukuha sa magulang.
Hindi tulad ng buhay nila na... kung wala pang oorder o kukuha ng shabu sa business ng mga magulang niya ay wala rin silang maipapambayad sa utang at walang maipapambayad sa bills at pagkain.
At ang mga nakaka tandang kuya naman niya ay panay ang sugal at pang hohold up ang alam na trabaho.
Ang perang na kukuha nila sa maling pamamaraan ay na uubos lang din.
Dahil ang mga perang nakukuha sa pang hohol up ay ipi-nang susugal lang din.
Ni hindi man lang na isip na makapag bigay ng pera upang makapag ambag sa gastusin dito sa bahay.
Panay sugal ang alam at panay ang libre sa inuman kasama ang mga tropa. Pero ang sariling pamilya ay hindi man lang mailibre.
Masyadong mapait ang sinapit ng kapalaran ng pamilya nila. Gusto niyang gumawa ng paraan para mabago ang kapalaran na nangayayari. Pero hindi niya alam ang gagawin niya.
..
..
"Akin na muna si Alas. Ako muna mag papakain sa kanya para makakain ka." sabi ni Isabel sa kanyang kapatid na si Macoy. Ibinigay naman ni Macoy ang bunsong kapatid sa ate niya at sinabayan kumain ang mga kapatid.
..
..
Pagka tapos nilang kumain ay nah hugas na nang pinag-kainan si Isabel. At pagkatos niyang maghugas ay ipinag patuloy na niya ang paglalaba ng mga labahan nila.
May washing machine naman sila kahit papaano. Yun nga lang ay nakaw lang ito ng kuya niya. Ano pa nga bang aasahan niya sa mga kuya niya?
..
..
..
Ilang beses niya ng pinag-sabihan ang magulang at mga kuya niya na mali ang ginagawa nila. Daig pa ni Isabel ang panganay dahil mas mabuti pa ang kanyang iniisip.
Ngunit si Isabel lang ang nag mumukhang masama palagi at kapag ipinag patuloy pa niya ang pag-sabihan ang pamilya niya ay siya na ang malalagot at baka mabugbog pa siya ng mga kuya niya.
Naka salang na sa washing ang mga de color at nag binabanlawan naman niya ang mga puting damit sa balde.
..
..
..
Napa lingon siya sa pintuan nang may biglang pumasok sa bahay nila. Nakita niya ang panganay niyang kapatid at napatingin sa ginagawa niyang paglalaba.
"Oh, Ayos pala ang dating ko. Saktong-sakto." Masayang sabi ni Anthony at kita pa ang ngiti sa mga labi. "Teka, isabay mo na rin ang mga labahan ko tutal nag lalaba ka na rin naman."
Napa ikot na lang ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng kuya niya.