CHAPTER 4

545 Words
CHAPTER 4 NAGULAT si Isabel sa biglang may dalawang malakas na tunog ang sunod sunod na bumagsak. Nilingon niya ito mula sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang kuya na ibinagsak ang dalawang kahon na punong puno ng maruruming labahan. Sa kahon lang kasi naka lagay ang labahan ng kuya niya dahil walang laundry basket ang kuya niya. Tinignan ng masama ni Isabel ang dalawang kahon na punong puno ng labahan. Napansin naman ni Anthony na masama ang tingin ni isabel sa mga labahan niya kaya hindi niya napigilang mag salita. "Tsk, hoy! bakit ang sama ng tingin mo sa labahan ko?" Maangas na tanong ni Anthony kay Isabel. Tumingala si Isabel sa kuya niya at nang makita niyang naka tingin ito sa kanya nang nakaka bwiset na tingin ay iniyuko niya ang ulo niya at napa lunok muna siya ng laway bago ulit mag salita. "Kuya ang dami naman kasi niyan eh, Akala ko ba may ipapasabay ka lang na labahan? Bakit parang lahat naman ata ng labahan mo ay ako ang mag lalaba. Tsaka patapos na nga rin ako sa nilalabhan ko." Mas sumama ang timpla ng mukha ng kuya niya dahil iniisip nito na hindi sinusunod ni Isabel ang utos niya. "Ang arte mo naman. Isasabay mo lang naman sa nilalabhan mo 'tong mga labahan ko! Apaka arte mo pa!" Nag pakawala ng buntong hininga si Isabel at kinuha ang dalawang karton ng labahan. As if naman na makaka angal at may magagawa pa siya eh, No choice naman siya. Sinamaan nga lang niya ng tingin ang labahan ng kuya niya, nagalit na agad sa kanya what more pa kung tinanggihan niya itong labhan ang labahan nito. .. .. .. "Huwag kang mag-alala babayaran na lang kita mamaya pag-uwi ko. Para naman wala kang maisumbat sa akin!" Galit na sabi ni Anthony at dire-diretsong lumabas ng bahay. "HAYS!" ayan na lang ang na tatanging na sabi ni Isabel sa kanyang bibig, pagka labas ng kanyang kuya. Pinag hiwalay niya ulit ang de color at sa puti at patuloy na nag asikaso ng mga labahin. Parang kasalanan pa ni Isabel kung bakit biglang uminit ang ulo ng kuya niya. Si Isabel na nga ang nag lalaba ng mga damit ng magulang niya at pati ang apat na bunsong kapatid niya. Tapos pati ba naman damit ng panganay nilang kapatid ay siya rin ang maglalaba ng maruruming damitan. .. .. .. NATAPOS na ni Isabel ang paglalaba niya. Halos gusto niyang umiyak dahil sa sobrang sakit ng kamay niya sa paglalaba. Mabibigat ang damit ng mga lalaki kaya halos na ngalay na ngalay din ang mga kamay niya kaka-angat baba sa pag babanlaw ng mga labahan. Pati ang kanyang leeg ay na ngalay na rin dahil sa kaka tingala kakasampay ng pagka raming labahan. .. .. pinuntuhan na lamang niya ang kapatid niyang si alas. Napa ngiti si Isabel ng makita niya ang kanyang kapatid na mahimbing na natutulog. Si Alas ang isa sa mga stress reliever ni Isabel, Talagang na babawasan ang pagod nito kapag na susulyapan nito si Alas. Pinatulog ito ni Macoy bago lumabas ng bahay kaya laking pasasalamat ni Isabel kay Macoy dahil kahit papaano ay mabilis niyang natapos ang labahan nila ng walang makulit at umiiyak na bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD