CHAPTER 5

531 Words
CHAPTER 5 GABI NA AT kasalukuyang nag aasikaso ng makakain si Isabel. Nag luluto lamang siya ng itlog na nilagyan ng sibuyas at kamatis upang sagayon ay madaming tignan ang ulam nila para kahit papaano ay mapag kasya ang kararampot na ulam. Nakapag saing na rin siya at na asikaso na ang mga pinggan. Inaantay na lamang niya ang mga bunsong kapatid niya. Pumasok sa loob ng bahay si Macoy ng may ngiti sa labi at agad hinanap ang kanyang ate Isabel upang maka usap sa magandang balita na nangyari sa kanya ngayong araw .. .. .. "Ate, naka usap ko na yung, si mang pedro sa palengke. Na kung pwede ay mag trabaho akong taga buhat ng mga gulay at isda nila." Nilingon ni Isabel ang kapatid niyang si Macoy at napa ngiti. "Oh anong sabi ni mang pedro?" "Ayun ate, pumayag siya. Kaso ate hindi naman ganon kalakihan ang makukuha kong sahod sa kanya kasi taga buhat lang naman ako ng isda at gulay." Malaki ang mga ngiti sa mukha ni Isabel dahil kahit papaano ay may kapatid siyang may maayos na pinag kukunan ng pera. May kapatid siyang marangal at matino ang trabaho at walang sino mang pwedeng apakan ang pagkatao nito dahil marangal ang kanyang trabaho. "Aba! ayos lang yan. Ano ka ba masaya ako, na may maayos at marangal kang trabaho. Proud ako sayo Macoy dahil ikaw lang ang may maayos na pagkukunan ng pera sa ating mag kakapatid, alam mo naman ako hindi ako makapag trabaho dahil kailangan ako dito sa bahay at kailangan ko rin bantayan si alas dahil kapag wala ako ay siguradong iiyak lang yan ng iiyak hehehe. Hayaan mo sa susunod ay ako naman ang magkakaroon ng maayos at marangal na trabaho." Niyakap ni Isabel ang kapatid niya dahil sa tuwa. Isang malaking achievement ang magkaroon ng maayos at marangal na trabaho ang isa sa mga close niyang kapatid. "O siya, Halika na --- ikaw na ang tumawag kila Nathan at Janong. Kakain na tayo." .. .. .. KALAGITNAAN ng pagkain ay biglang dumating ang mga magulang ni Isabel. Napa hinto siya ng pag subo at napa tayo. "Ma, Pa. Kain po." alok ni Isabel sa magulang niya. Tumango tango lang ang magulang niya ay umupo sa upuan sa sala. Mukhang pagod ang mukha nila pero may mga ngiti sa labi. Paniguradong naka benta ang mga ito. Binalik na lamang ni Isabel ang pansin sa mga kapatid niya na masayang kumakain. Natapos na si Isabel sa pagkain at tumayo na upang pumunta muna saglit sa kwarto nang biglang may tumawag sa kanya. "Oh, Isabel." Napatingin naman si Isabel sa nag salita at nilingon. Napa taas ang kilay niya upang senyales ng (bakit?) Nag tatakang na patingin ang mga magulang nila isabel sa kanila ni Anthony at tila inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Lumapit ang kuya niya at may inabot. "Oh ito. Bayad ko sa paglalaba mo ng labahan ko. Tsk.." Naka ngising sabi ni Anthony kay Isabel. Inabot ni Anthony ang 250 pesos dahil nilabhan ni Isabel ang kanyang labahan. Tinignan lamang niya ang inabot ng kuya niya at nag iisip kung tatanggapin niya ba ang perang ito o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD