CHAPTER 6
SA huli ay na pag-desisyonan niyang tanggapin ang pera na ibinayad ng kuya niya.
Kailangan din niya ito kahit papaano. Pero ang ikana kaaasar ni Isabel ay paniguradong galing ang perang ito sa sugal o di kaya'y sa pang hohold up dyan ng kuya niya sa kanto.
Nag-ayos na ng higaan si Isabel upang matulog na. Kasama niya ang bunsong kapatid sa kanyang kwarto. Siya lamang talaga ang tanging umaasikaso nito maliban kay Macoy.
Nang maka tulog na si Alas ay agad din namang naka tulog itong si Isabel. Dahil sa sobrang pagod ni Isabel sa gawaing bahay kanina ay madali na lang siyang dalawin ng antok at nap lalim agad ang kanyang tulog.
..
..
..
KINABUKASAN ay agad siyang nag asikaso ng mga dapat niyang gagawin. Katulad ng palagi niyang ginagawa ay mag aasikaso ng umagahan at paglilinis ng mga kalat ng pamilya niya ang kanyang morning routine. Sanay naman na din siya sa gantong gawain. Pag gising ay kalat agad ng mga kuya niya ang bubungad sa kanya.
Napa iling na lang siya ng kanyang ulo at nag pakawala ng malakas na buntong hininga. Isipin mo ay kahit araw araw siyang mag linis ng bahay nila-- ay hindi parin kayang panatilihin ng mga kapatid niya ang pag me-maintain ng kalinisan ng kanilang bahay. Wala rin naman siyang magagawa dahil puro lalaki ang mga kapatid niya.
..
..
..
NAPATIGIL siya sa pag lilinis ng biglang may nag salita at kumatok.
"Tok.. Tok.. Tok.. Andyan ba si Jerome?" Tawag nung isang lalaki mula sa labas ng bahay nila Isabel. "Jerome!... Je!" sigaw pa nito dahil akala ay hindi siya naririnig sa loob ng bahay.
Bumuntong hininga at napa isang iling si Isabel dahil sa ingay ng kaibigan ng kuya niya. Si Jerome ay pang tatlo sa magkakapatid at ito ay 24 years old. Hinto rin sa pag aaral kaya ayun, kumapit na lang din sa patalim.
"Na tutulog pa ata si kuya!" Sagot na sigaw ni Isabel upang marinig siya ng lalaki sa labas.
"Ngiii! Gisingin mo. Mag papasama pa ako sa kanya." sabi ulit ng lalaki.
"Tsk, kung maka utos.." bulong ni Isabel sa sarili niya. Naglakad si isabel papunta sa kanilang pintuan at binuksanang kanilang pintuan upang maka usap ang binatang nasa labas. "Bakit ako ang mang-gigising? Mamaya.. sapukin pa ako nun." inis na giit ko.
"Hmm.." at huminga pa ng malalim ang lalaki bago mag salita pang muli. "Sige na nga ako na ang mang gigising sa kuya mo." Tumingin ang lalaki kay Isabel. "Papasok ah?" paalam nung lalaki.
Tumango tango naman si Isabel. Ang lalaking kausap niya ay si Bulate, matalik na kaibigan ng Kuya Jerome niya kaya walang ano-ano ay agad niyang pinapasok ito sa kanilang munting tahanan.
..
..
IBINALIK na lamang niya ang pansin sa kanyang mga gawain. Nag saing na siya ng kanilang kanin at ulam na lang ang wala pa.
"Isabel oh," Tawag ng kanyang ina at nag abot ng pera. "Ibayad mo 'to duon sa mga utang natin kay Mercy. Tapos mangutang ka na lang din ng ipang uulam natin sa ngayon."