Chapter 2

1790 Words
Chapter 2 "M-Miss?" "Ay butiki!" Napahawak si Athena sa tapat ng kanyang dibdib ng marinig niya ang paos na boses ng lalakeng estrangherong napadpad sa kinaroroonan niya Dalawang araw na kasi itong walang malay simula ng tulungan niya ito at dalhin sakanyang munting bahay. Maliit lamang ang bahay niya. Sapat na iyon para sakanya dahil mag-isa lamang siya roon. Sanay na siya sa tahimik at simpleng pamumuhay. Siyang yung tipo ng taong mas gugustuhin mag-isa kaysa mapalibutan ng ibat-ibang klase ng tao. Lumaki kasi siyang nag-iisa kasama lamang ang magulang niya. Nakahiga ang lalake sa kanyang kama. Luma na ang kamang iyon ngunit komportable paring higaan. Dalawang gabi na siyang nagtitiis sa kawayan na upuan at doon siya natutulog habang binabantayan niya ang lalakeng ito "N-Nasaan ako?" Mahinang tanong nito sakanya Kasalukuyan niya pa namang hinihilamusan ang mga kamay nito. Hindi niya akalain na magigising ito sa mga sandaling iyon "Gising ka na pala!" Napatayo siya sa sobrang gulat niya habang hawak niya ang isang puting bimpo na pinang-pupunas niya sa katawan nito Parang nahihilo parin ang lalake dahil napahawak ito sa sariling ulo nito "Where am i?" Tanong ulit nito sakanya at pinipilit nitong makaupo. "S-Saglit lang mahina ka pa. Dahan dahan lang." Nilapitan niya agad ito upang alalayan sa pag-upo "Who are you?" Kunot nuong tanong nito sakanya habang inaalalayan niya itong makaupo sa kanyang kama "Ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan. Sino ka ba? Napulot lang kita diyan sa dalampasigan. Akala ko nga patay kana eh." Napalunok ito at parang lalong naguluhan sa sinasabi niya "S-Sino ako? Ako si...Ako si.." Napahawak ito sa sariling ulo dahil parang lalong sumakit sa ulo nito "Si? Kaya mo yan. Sino ka ba?" Pangungulit pa niya "Hindi ko maalaa. Sino ba ako? Kilala mo ba ako miss? Damn i can't remember anything!" "Ay english speaking ang lolo mo." Napangiwing sambit ni Athena habang nakatingin siya sa estrangherong napakagwapo "Relax ka lang? Ewan ko kung sino ka. Hindi nga kita kilala eh. Napadpad ka lang dito sa lunga ko. Dinala kita dito sa bahay ko dahil buhay ka pa pero kung patay kana ipapa-anod lang kita sa dagat--" "What? A-Ano bang nangyari? Naguguluhan ako" Paos na paos ang boses nito. Napansin niyang mapuputi pala ang mga ngipin nito habang nagsasalita ito Infairness ha? Hindi man lang bumaho ang hininga nito kahit dalawang araw na itong natutulog? Napabuntong hininga siya "Ganito kasi yan, nagulat nalang ako ng makita kita doon sa dalampasigan. Akala ko patay kana kaya nagsisisigaw ako sa sobrang takot ko. Tapos tinignan ko kung buhay ka pa, Awa naman ni batman buhay ka pa kaya tinulungan kita at dinala kita dito sa bahay ko. Dalawang araw ka ng di nagigising. Ano bang nangyari sayo bago ka napadpad dito?" "S-So you don't know who am i? Hindi mo rin alam kung sino ako?" Umiling siya "Hindi. Siyempre napulot lang kita eh. Eh sino ka nga ba?" "Hindi ko nga alam kung sino ako miss." Napahawak na ito ng mahigpit sa ulo nito parang lalo lang itong naguguluhan sakanya Napanguso siya "Bakit may amnesia ka ba?" Inosenteng tanong niya at pagkatapos napatakip siya sakanyang bibig ng marealize niyang baka may amnesia nga ang lalake! Nanlaki tuloy ang kanyang mga mata. Tinignan lang siya nito at halatang hindi rin alam ang isasagot sakanya Base sa reaksyon nito ay nakumpirma niyang may amnesia nga ito! "Hala! Hindi mo maalala kung sino ka? Hindi mo maalala kung anong nangyari sayo. Isa lang ibig sabihin niyan! May amnesia ka! Iyon ang nangyari sa tatay ko noon bago siya namatay--pero hindi naman amnesia ang kinamatay ng tatay ko kundi nalunod sila ng nanay ko. Teka huwag kang matakot ha? Pero alam ko hindi na bumabalik ang mga alala ng mga taong nagkakaroon ng amnesia--" "Miss lalo lang sumasakit ang ulo ko" Sita nito sakanya dahil walang tigil ang pagsasalita niya "A-Ay sorry nasabik lang. Minsan lang kasi ako magkaroon ng kausap" Napapakamot tuloy siya sa kanyang ulo "Minsan? Bakit wala ka bang kasama dito?" Umatras siya at parang natatakot na tinignan ito. "Bakit mo tinatanong? Siguro masamang tao ka? Balak mo akong gahasain at patayin ano?" Napabuntong hininga ang gwapong lalake dahil sa naging reaksiyon niya "Sa tingin ko naman mabuting tao ako. Hindi ko lang talaga maalala kung anong nangyari sakin at kung sino ako. I can't even remember my damn name" "Mabuti na yung nakakasigurado ako. Baka kasi isang takas na preso ka pala o dikaya may pinatay ka tapos lumangoy ka papunta dito para magtago tapos--" "Miss hindi ako masamang tao." Medyo naiinis nitong sabi sakanya dahil kung ano ano agad ang mga pinag-iisip niya Natigil tuloy siya sa pagsasalita dahil parang lalo lang sumasakit ang ulo ng lalake sakanya "Sorry pasensya kana. Nag iisa lang kasi ako dito." Pag-amin niya "Nag iisa?" kunot nuong tanong nito Tumango siya "Oo. Kaya natatakot ako sayo baka mamaya masamang tao ka pala. Pero naawa rin ako sayo kasi parang dalawang bulate nalang yung hindi pumipirma para kunin ka na ni batman eh. Noong nakita kita sa dalampasigan--" "Wait i remember something.. Naalala ko, Hinahalikan mo ko" Kunot nuong sabi ng lalake sakanya na parang inaakusahan siya nito "W-Woy! Woy woy! Tumigil ka ilusyon mo mister ano ha? Para sabihin ko sayo hindi ho halik yon. Binibigyan lang kita ng hangin sa katawan mo dahil nalunod ka. Kaya kailangan kitang i-CPR. Pasalamat ka nga at tinuruan ako nila nanay at tatay kung paano gawin yun noon eh!" Pulang pula ang pisngi niya habang ipinapaliwanag sa lalakeng ito ang nangyari sa dalampasigan Hindi ito kumibo "Mister ano. Huwag kang mag-isip ng malisyosong bagay--" "Yeah. Hindi ako nag iisip ng ganyan. Sinasabi ko lang yung naaalala ko. Iyon lang ang naaalala ko tapos wala na. Blangko na lahat" Parang ang bigat bigat ng loob nito Napabuntong hininga siya "Hayaan mo. Manghihingi tayo ng tulong sa kabilang isla. Kaso isang buwan pa ang hihintayin natin bago tayo makapunta doon." "Ha?" Kunot nuong tanong nito "Huwag kang mabibigla ha? Ako lang kasi mag-isa sa isla na ito. Walang ibang tao dito kundi ako lang. Walang TV, walang telepono walang kahit anong makabagong teknolohiya at wala ring kuryente dito." "What the hell--Sorry bigla nalang lumalabas sa bibig ko" Naitikom agad nito ang bibig dahil napamura ito sa sinabi niya "Isang beses sa isang buwan sinusundo ako ng isang bangka papunta doon sa kabilang isla para mamili ng mga kailangan ko dito. Kaso sa kasamaang palad noong isang araw lang ako nagpunta sa kabilang isla kaya kailangan mo pang maghintay ng isang buwan para bumalik ang sasakyan natin papuntang kabilang isla." "Mag isa ka lang dito? Wala kang kasama?" Di makapaniwalang tanong nito sakanya "Oo. Kaya pasensya kana kung hindi natin agad marereport sa mga pulis ang nangyari sayo. Baka pinaghahanap ka na rin ng pamilya mo" Lalo tuloy itong namomblema "Hindi ko rin maalala kung may pamilya ba ako o wala. I don't remember anything.." "Hayaan mo pagpunta natin sa kabilang isla baka sakaling mag makakilala sayo kapag naireport na natin sa mga pulis ang nangyari sayo. Sa ngayon dumito ka muna sa bahay ko dahil wala naman tayong parehong choice." "Nakakahiya naman sayo. Makakaabala pa ako" Tinaasan niya lang ito ng kilay "Hindi naman masyado. Basta huwag mo lang ako gagawaan ng masama dahil marunong rin akong magkarate sige ka. Huwag ka rin hahawak ng mga kutsilyo at mga bagay na pwedeng ipang-pukpok sa ulo ko dahil hindi ko pa sigurado kung nagsasabi ka ba ng totoo sakin" Natatakot kasi siya dahil kapag pinatay siya ng gwapong lalakeng ito ay walang makakatulong sakanya dito. "Miss wala akong balak gumawa ng masama sayo. Lalo na ikaw ang nagligtas sakin. Salamat ha" Napangiti naman siya dahil mukhang sinsero ang lalake sa pagpapasalamat nito sakanya "Walang anuman. Kaso kaunti lang ang stock ko sa pagkain kaya huwag kang malakas kumain ha?" Tumango lang ito "A-Ako nga pala si Athena Angela Sanchez. Bente anyos palang ako pero kaya kong pumatay ng masamang taong magtatangka sa buhay ko kaya umayos ka" Napangiti ng kaunti ang lalake dahil sa sinabi niya ngunit hindi na ito kumibo "Ikaw anong gusto mong pangalan ang itawag ko sayo? para naman kahit papaano may pangalan ka habang kinukupkop kita dito sa mansiyon ko" "I don't know. It's up to you. Ikaw nalang ang mag-isip kung anong pangalan ang gusto mong maging pangalan ko" Saglit siyang napaisip kung ano bang pangalan ang ibibigay niya sa estrangherong lalakeng ito. "Sandro nalang." "Sandro? Pangalan ba iyon ng ex mo?" Ngumiti siya. Si Sandro kasi ang nag-iisang crush niya sa kabilang isla. Kaibigan ito ng pinsan niyang si Rodolfo. Ngunit pamilyadong tao na ito kaya hangang crush na lamang siya sa lalakeng iyon "Hindi no. Pangalan lang iyon ng gwapong lalake doon sa kabilang isla. Gwapo ka rin naman kaya bagay sayo ang pangalan niya" "Gwapo ako?" Kunot nuong tanong nito dahil kahit siguro ang itsura nito ay hindi na nito maalala pa "Oo kung maliligo ka siguro gagwapo ka. Nangangamoy dagat ka parin kasi eh dahil dalawang araw na kitang hinihilamusan lang. Hayun ang salamin baka sakaling maalala mo kung sino ka" Dahan dahan nitong sinubukan makatayo. Bukod sa sugat sa nuo nito ay wala naman na itong pinsala sa buong katawan nito Lumapit si Sandro sa salamin na nakasabit sa gilid ng pader. Inaasahan na niyang matangkad ito ngunit nagulat parin siya dahil napakatangkad nito. Para itong basketball player sa katangkaran nito. Napakunot ang nuo nito ng makita ang sariling repleksyon at pinagmasdan maigi ang sariling mukha "Ano naaalala mo na ba kung sino ka?" Umiling ito "I don't remember anything.." Tinapik niya ang balikat nito. "Huwag kang mag-alala pag nagpunta tayo sa kabilang isla panigurado marami ang tutulong sayo doon. Sa ngayon magpagaling ka muna dito sa bahay ko" Tinignan siya nito "Salamat" "Magluluto lang ako ng kakainin mo dahil panigurado kinakain na ng maliliit na isda ang bituka mo." "Maliliit na isda?" "Oo baka pinasukan ka ng maliliit na isda dahil kanina pa kumukulo ang tiyan mo." Kumunot lang ang nuo nito "Joke lang. Joke lang iyon masyado ka naman kasing seryoso. Magpahinga ka lang diyan at magluluto lang ako" Tipid lang itong ngumiti sakanya "Babawi nalang ako sayo kapag nakarecover na ang katawan ko. Pasensya kana sa istorbo" "Ayos lang basta walang p*****n ha? Bata pa ako marami pa akong pangarap sa buhay ko kaya makonsensya ka. Kapag pinatay mo ako hindi ko papatahimikin ang buhay mo mumultuhin kita." Napapangiti ito dahil sa sinasabi niya "Ganyan ka ba talaga kadaldal at kabilis magsalita?" Napahiya naman siya sa sinabi nito kaya itinikom nalang kiya ang bibig "Pagbigyan mo na. Ngayon lang ako nagkaroon ng kausap dito eh" Iyon lang ang sinabi niya bago niya ito tinalikuran upang magtungo sa kusina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD