Chapter 3

1000 Words
Chapter 3 "Ay butiki." Muntik pang mapaso si Athena mula sa kawaling nilulutuan niya nang lumabas ng banyo si Sandro. Ang lalakeng estrangherong napadpad sa isla Dela Vega. Paano ba naman siya hindi mapapaso? Halos mapanganga siya sa angking kagwapuhan nito. Mas dumoble pa kasi ang kagwapuhan nito ngayong nakaligo na ito Hindi niya akalain na babagay dito ang lumang damit ng kanyang tatay na itinago niya sa baul. Nilabahan naman niya ang mga iyon kahapon dahil naisip niyang kailangan ni Sandro ng maisusuot habang naroon pa ito sa bahay niya Mabuti nalang at may mga damit ang kanyang tatay. Pero malakas ang hinala ni Athena na mayaman ang lalakeng napulot niya, Kitang kita kasi sa kinis ng balat nito na galing ito sa mayamang pamilya. Idagdag pang wala itong ni isang kalyo sa mga kamay at paa nito. Napansin niya kasi iyon kahapon habang hinihilamusan niya ito "K-Kumain ka sana muna. Bakit naligo ka agad baka mabinat ka niyan" Nag iwas siya ng tingin kay Sandro Kahit naman probinsyana siya at taong isla ay marunong parin siyang maka-appreciate ng kagwapuhan. Sandro has it all.. Matangkad, Gwapo. Makinis ang balat. Magandang mga ngipin at may panalong hairstyle na bumagay sa kagwapuhan nito. Yung tipong kahit magulo ng paulit ulit ang buhok nito ay mukha paring mabango at malambot iyon? Nanghiram ito ng damit sakanya kanina kaya ibinigay niya ang damit ng kanyang tatay na kakalaba niya lang kahapon. Binabad niya pa nga sa fabric conditioner ang mga iyon. Binigyan na rin niya ito ng bagong toothbrush na nakastock lang sa drawers niya. "Walang masama sa paliligo kahit may lagnat o wala. A hot soak in a home bathtub will assist in relaxing aching muscles, breaking a fever, and offering some relief to congestion in the chest and sinuses especially." Napanguso siya sa sinabi nito. Wala naman siyang naunawaan dahil mahina siya sa salitang ingles. Ayaw nalang niyang ipahalata sa lalake ang pagiging ignorante niya Medyo naunawaan naman niya ng kaunti. Hindi daw masamang maligo. "Edi don't if no no bad to you" Sabi nalang niya at sinubukang sagutin ito sa ingles na paraan Ito naman ang napakunot ng nuo sa kanyang sinabi "Ha?" "Ha-hotdog. Ito hotdog kumain ka muna para makainom ka ng gamot para matangal ang sakit ng ulo mo" Inilapag niya sa lamesa ang pingan na may apat na pirasong hotdog na may kasamang itlog at sinangag na kanin sa bawang. Tinignan nito iyon "Ang dami naman--" "Aba siyempre hati tayo diyan. Tig dalawang hotdog tayo at tig isang itlog. Magtipid tayo dahil baka hindi umabot sa pang-isang buwan ang mga groceries natin. Pang-isang tao lang kasi ang laman ng kusina ko dito. Malay ko ba naman kasing may darating na katulad mo edi sana sinobrahan ko" Nakatingin lang ito sakanya habang nagsasalita siya. Napakarami niya kasi agad nasabi "Ano pang tinitingin tingin mo diyan? Halika na at kumain na tayo." Alok niya kay Sandro at itinuro niya ang isang upuan na gawa sa kahoy. "Salamat Ana" "Athena Angela Sanchez ang pangalan ko. Hindi Ana." "I'm sorry nakalimutan ko" Naupo na ito sa katapat na upuan niya "Agahan palang natin ito. Mamaya ipagluluto kita ng tanghalian. Kapag magaling kana salitan na tayong magluluto. Marunong ka bang magluto?" Napaisip ito bago ito umiling "I don't think so. Parang hindi ko alam kung paano magluto" Napansin niyang nahihiya ito dahil iniisip siguro nitong nakakaabala ito sakanya "Mukha nga. Siguro galing ka sa mayamang pamilya? Sa tingin ko rin hindi ka marunong magluto eh--" "But i'm willing to help you. Ituro mo nalang sakin kung ano yung mga maitutulong ko sayo. Para hindi naman ako maging pabigat sayo" Napatango tango siya. Mabait naman pala si pogi. "Mabuti kung ganon. I like your are good boy person helping also me" Pagpupumilit niya sa pag ingles. Aba siyempre naman marunong rin siya mag-ingles spokening dollars ano? Napapakunot naman ang nuo nito dahil iniintindi nito ang kanyang sinasabi ngunit bandang huli ay napapangiti nalang Kumuha siya ng isa pang plato upang hatiin ang kanilang mga pagkain Nakatingin lang ito sakanya "Kumain kana ano pang hinihintay mo?" Tanong niya kay Sandro habang nagkakamay na siya sa pagsubo ng sinangag at hotdog. "Do you have spoon and fork?" Napakunot tuloy ang nuo niya "Pork? Aba baboy iyon ah diba? Wala mamayang gabi pa natin ulamin ang pork kung gusto mo. Sa lahat naman ng nakikikain ikaw pa ang demanding ano?" "No. I mean tinidor hindi pork" Saglit siyang napahiya. Pareho kasi ng tunog eh? Malay ba naman niya "Ah iyon ba iyon? Malay ko ba kung tinidor lang pala ang hinahanap mo pa-ingles ingles ka pa kasi eh sana sinabi mo lang na gusto mo ng tinidor" Tumayo siya upang kumuha ng tinidor at kutsara upang ibigay kay Sandro "O ayan mag tinidor ka. Hindi kasi ako sanay gumamit niyan kapag pwede namang magkamay. Mas masarap kayang kumain ng naka-kamay" "Salamat Athena" Ngumiti ng tipid ang binata sakanya kaya parang tumalon tuloy ng kaunti ang puso niya Tinignan niya tuloy ito ng magsimula na itong kumain. Halatang gutom na gutom ito dahil dalawang araw itong walang kinain. Aba't lalo pala itong gumagwapo kapag ngumingiti ng ganoon? Siguro ay maraming mga babae ang nabighani sa lalakeng ito? Napatingin ito sakanya na may nagtatanong na mga mata "Artista ka siguro ano?" Balewalang tanong niya Nagkibit balikat ito bago nagpatuloy sa pagkain. Pati sa paraan ng pagkain nito ay mahahalatang pang mga taong mayayaman ang kilos nito "I don't know." "O baka prinsepe ka sa ibang lugar? Nako sana naman mayaman ka para balatuhan mo ako kapag nakabalik kana sa bahay niyo" Ngumiti ito sakanya ng kaunti bago sumeryoso ang mga mata. "Oo kahit hindi ako mayaman pagbalik ko doon babalatuhan parin kita dahil ikaw nagligtas sa buhay ko. I owe you my life" Napa-twingkle eyes tuloy ang kanyang mga mata "Sabi mo yan ha? Mukhang mayaman ka kasi eh? Panay pa ang ingles mo. Baka mamaya niyan anak ka pala ng presidente ha?" Tipid lang itong ngumiti sakanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD