Chapter 1

1383 Words
"Oh anong nangyari?" Tanong ko nang pumasok sa bahay. Isa-isa kong tinapunan ng tingin ang mga kapatid kong nakaupo sa silya habang ang isa ay nakayuko at panay ang pag-angat ng balikat. "Anong nangyari, Winter?" Maangas na tanong ko. Inilapag ko ang bag na dala sa bakanteng silya saka pilit syang pinaayos ng upo pero hindi ito nagpatinag at nanatiling nakayuko. Tinapunan ko ng tingin ang dalawa ngunit nagkibit-balikat lamang ang mga ito saka muling inalo ang aming kapatid. "Inaway ka ba nung boyfriend mong mukhang tilapia ha?!" Inis na tanong ko. Handa na sana akong sunugurin ang lalaking iyon nang bigla ay maramdaman ko ang pagbatok sa akin. Naniningkit ang mga matang nilingon ko si Fall na may hawak na notebook saka pinandilatan sya. "Yang bunganga mo, masama ang manlait!" Pangangaral nya saka muling bumalik sa pagkakaupo. "Anong masama sa pagsasabi ng totoo ha?" "Tumigil ka nga, Autumn. Ang haba na ng listahan mo sa langit at sa mga puntong ito, hindi ko alam kung tatanggapin ka pa ni San Pedro kung sakali man." Nakangiwing saad nya. "Oo nga naman, ate." Pagsang-ayon ni Summer, ang bunso naming kapatid. Nanunuyang tinignan ko ang dalawa bago muling bumaling kay Winter na hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aangat ng tingin pero panay ang pagsinghot. "Winter, walang mareresolba kung iiyak ka lang dyan. Umayos ka at sabihin sa akin ang nangyari. Ako ang bahala sa nagpa-iyak sa'yo," salita ko. Mula nang mamatay ang mga magulang namin ay nangako akong aalagaan ko silang tatlo. Ni minsan ay hindi ko pinadapuan ang mga ito sa lamok kahit puno na ako ng kagat ng lamok tapos paiiyakin lang ng ibang tao? Ha! Ang kapal naman ng mukha nila. "Ate, ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Summer. Mukhangq kagagaling lang nito sa school dahil nakauniporme pa pero mas pinili nang aluin si Winter. "Winter." Pagtawag ko. I gave her a warning tone para sana takutin lang sya pero hindi ito natinag. Mukhang talagang masama ang nangyari sa kanya para maging ganito ang reaksyon nya. "Winter, anak." I use my motherly tone. Lumuhod ako sa harapan nya at mula sa pagkakayuko ay narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "Hoy! Lumubo yata yung sipon mo!" Nandidiri kunwaring dagdag ko pa. At tulad ng dati ay inangat nito ang kanyang ulo. Bagaman basa ng luha ang mukha ay tumatawa sya. Awtomatiko akong napangiti saka hinawakan ang kanyang kamay. "Anong nangyari?" Malumanay na tanong ko. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muli itong umatungal dahilan para samaan ako ng tingin nung dalawa. "Winter, ano ba kasing nangyari? Alam mo namang pwede mong sabihin sa amin ang lahat ng problema mo, hindi ba?" Saad ko saka inilagay sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng buhok na napunta na sa kanyang mukha. "Ate mo ako, Winter. Handa akong makinig sa'yo." Dagdag ko pa pero nanatili lamang syang tahimik. Nagbuga ako ng malalim na hininga saka sinenyasan ang dalawa na umalis na muna. Alanganin man ay sumunod ang mga ito sa utos ko. "Sige. Umiyak ka lang muna hanggang sa mapagod ka. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Isinandal ko ang kanyang ulo sa aking balikat at hinayaan syang patuloy na lumuha. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatili sa ganoong posisyon bago ito tuluyang tumigil. "Ayos ka na ba?" Tanong ko na pinupunasan ang kanyang mukha. Parang bata itong tumango saka ako niyakap ng mahigpit. "Salamat, Autumn." "Wala iyon, ano ka ba?" Natatawang saad ko na tinapik-tapik pa ang kanyang balikat. "Ako ang pinakamatanda sa ating apat kaya responsibilidad kong alagaan kayo." "May boobs ka pala 'no?" Biglang saad nya. Nanlalaki ang mga matang bahagya konitong itinulak palayo sa akin saka naniningkit ang mga matang pinakatitigan ko sya. Nagtaas baba ang kilay nya habang inginunguso ang parteng iyong ng aking katawan. "Bakit di ka na lang magpakababae?" "Inaano ba kita ha?" Kunwaring inis na tanong ko saka hinarangan ang dibdib ko nang magtangka nya itong abutin. "Nung niligawan ka nga ng mukhang tilapiang lalaki na iyon ay hindi ako umangal tapos—" "Hindi ka nga umangal pero panay naman ang panlalait mo sa kanya." Salubong ang kilay na isinandal nya ang katawan sa upuan saka magkakrus ang mga kamay na tinignan ako nang walang gana. "Mukha naman kasi syang tilapia." "Hindi importante ang panlabas, Autumn. Ang importante ay iyong kalooban ng isang tao. Kung gwapo nga ang boyfriend ko, pero niloloko naman ako, magiging masaya ka ba para sa akin?" "Syempre, hindi." "See?" Pilit syang ngumiti saka nagbuga ng malalim na hininga. "Masaya ka ba talaga sa kanya?" Nagtatanong na nilingon nya ako saka binigyan ng isang matipid na ngiti. "Masaya," aniya pero hindi ko nakita ang ningning sa kanyang mga mata. Alam kong may problema sya. "E bakit umiyak ka kung masaya ka? Tinotokis mo ako, e!" "Hindi ko na alam kung saan pa tayo pupulutin ngayon, Autumn." Malungkot na aniya saka yumuko. Nang marinig ko ang muling pagsinghot nya ay agad akong lumapit at niyakap sya ng mahigpit. "Anong nangyari?" "Natanggal ako sa trabaho, Autumn," tugon sya saka muling umiyak na animo'y isang batang inagawan ng laruan. "Hayaan mo na. Ayos lang iyan. Ganyan talaga ang buhay." Pang-aalo ko. Hinaplos ko ang kanyang balikat at pilit syang pinakalma. Bumitaw ito sa akin saka ako hinarap na puno ng luha ang mata. "Maganda ang performance ko, maniwala ka. Nalate lang ako ng dalawang minuto kanina dahil sa traffic tapos pagdating ko sa opisina, tinanggal na ako ni Mr. Perell." "Ayos lang yan, Winter." Nakangiting saad ko't pinunasan ang kanyang mukha. "Marami pang ibang trabaho dyan." "Ate, alam mong matagal ko nang pangarap magtrabaho sa Nexus." "Alam ko, alam ko. Pero hindi lahat ng pangarap ay natutupad. May iba na mananatili lang pangarap. Pero alam kong may ibang oportunidad na nakahanda para sa iyo. Iyong mas magandang oportunidad." Pagpapaintindi ko sa kanya. Iyon ang parating sinasabi sa akin noon ni Mama. Na may kapag hindi namin nakuha ang matagal na naming ipinagdarasal ay may isang bagay na inihahanda para sa amin. Iyong mas higit pa sa hinihiling namin. Ganoon magtrabaho ang Diyos. Hihiling ka ng simple pero ang ibibigay sa'yo ay sobra-sobra pa. "Gusto ko Syang tanungin kung bakit parating tayo na lang, Autumn? Bakit parating tayo ang pinagdadamutan Nya?" Mas lalong tumindi ang lungkot nya. Pakiramdam ko ay iyong pagkawala na nila Mama at Papa ang sinasabi nya. "Winter, hindi tayo pinagdadamutan, okay?" Sinapo ko ang pareho nyang pisngi saka sinalubong ang kanyang mga tingin. "Inihahanda tayo para sa mas nagandang biyaya. Iyon ang lagi mong isipin. Hindi Nya tayo pinabayaan. May ibang bagay lang na para sa atin." At bago pa man sya tuluyang makasagot ay bigla nang bumukas ang pinto't pumasok ang isang lalaking dala ang isang tupperware. "Nagdala ako ng spaghetti, four seasons!" Anunsyo nya at mabilis na tinawag sina Fall at Summer. "Oh bakit pinaiyak mo si Winter, my loves?" Nakangiwi ko syang pinanuod na naupo sa aming harapan. "Kinilig ka?" Nakangising tanong nya nang manatili akong tahimik. "Anong kinilig? Nagtayuan ang balahibo ko! Nako, Korek, tigil-tigilan mo nga ako at hindi tayo talo!" Giit ko. Si Korek ay isang kaibigan mula sa highschool. Sya iyong kaibigan na gugustuhin mong makasama at minsan naman ay bigla na lang itulak sa gitna ng kalsada. Panay kasi ang kalokohan pero laging maasahan. Patay na patay sa akin kahit alam namang parehong babae ang gusto naming dalawa. "Magpaligaw ka na kasi sa akin, Autumn!" Ayon nanaman sya sa parang bata nyang asta. Narinig ko ang mahinang tanawan ng nga kapatid ko kaya agad ko itong sinaman ng tingin. "Friendzone ka nanaman, Kuya Korek." Pang-aasar ni Summer sa kanya saka naupo sa tabi nito. Close talaga sila ni Korek. Kapatid rin kas ang turing nya sa mga kapatid ko. Sa akin lang hindi. "Lalambot din 'tong ate nyo sa akin makikita nyo." "E, kung yang bungo mo kaya ang palambutin ko?" Inis na saad ko. "Joke lang ito naman. Kumain ka na, init lang ng ulo yan." Maganda ang ngiting saad nya saka ako inabutan ng pagkain na kanyang dalawa. Si Korek yung kaibigan na maasahan. Kahit ilang ulit ko nang sinabi na hindi mangyayari ang gusto nyang maging kami ay nanatili pa rin sya sa aming tabi tulad ng ipinangako nya kila Mama at ipinagpapasalamat ko iyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD