Chapter 2

1494 Words
Nakatalumbabang tumitig ako sa kawalan. Hay. Paano kami nito ngayon? Si Winter lang ang may maayos na trabaho sa aming apat. Si Fall ay naghahanap pa rin ng mapapasukan habang si Summer naman ay nag-aaral pa. Ngayong tinanggal na sya ng amo nya dahil lang sa walang kwentang rason, kailangan ko nang magseryoso at humanap ng trabaho. Hindi na ako makakapang-chix! "Anong problema, Autobabes. Parang ang lalim ng paghinga mo?" Rinig kong tanong ni Korek. Nakangiwing tinignan ko sya at agad na sumama ang aking mukha nang maalala ang itinawag nya. "Anong autobabes?!" May inis ang tonong tanong ko. Pauso nanaman 'tong depungal na 'to. "Autumn babes. Autubabes. 'Yon ang tawag ko sa'yo. 'Di ba unique?" Proud na saad nya. Agad akong nakaramdamn ng kakaibang inis nang makita ang pagngiti nya sa akin. Kung nakakabulag lang ang kaputian ng ngipin nya, paniguradong bulag na ako ngayon. "Autobabes. Autobabes. Bakit di mo na lang ako tawaging autobots?! Tas bigla mong sabihin transform para masapok kita!" Saad ko saka sya inambahan ng hampas. "Ito naman. Sana sinabi mo na gusto mong may endearment tayo, edi natawag na sana kitang mahal," aniya na malaki ang pagkakangiti. Iniangkla nya pa sa akin ang kanyang kaliwang kamay saka ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "Okay, mula ngayon ay mahal na ang itatawag ko sa'yo." Nanunuya kong hinawakan ang ulo nya saka iyon itinulak palayo sa akin. "Nako Korek, lumayo ka nga sa akin at baka samain ka na talaga." "Autubabes." Naroon nanaman ang parehong kulit sa boses nya. Bakit ba hindi nawawalan ng energy ang lalaking 'to? "Layo!" Mas malakas na sigaw ko pero dahil pinaglihi sa kung ano mang matigas na bagay itong si Korek, hindi sya umalis sa tabi ko. Pinairal nya ang katigasan ng ulo at mas lalong inilapit ang sarili sa akin. Gwapo naman si Korek. Mayaman at disente. Walang mahihiling sa kanya ang babae dahil sa sobrang bait at maalaga. Ang kaso lang nagkamali sya ng ginusto dahil parehong babae ang gusto namin. Ang problema lang ay hindi nya kayang tanggapin na mas habulin ako ng babae kaysa sa kanya. "Anong problema?" May paglalambing na tanong nya. Wtf? Lambing? Pwe. Gusto kong masuka sa sinabi. "Mayaman ka pala 'no. Sige tulungan mo ako." Malumanay na saad ko saka sya pinakatitigan. Bukod sa may-ari ng malls ang pamilya ni Korek, may iba't-ibang business din sila sa bansa. Hindi ko nga malaman dito kay Korek. Mayaman pero sa akin laging nakabuntot. Ang masaklap pa doon ay mukhang okay na okay lang sa mga magulang nya ang ginagawa nya. Suportado pa sya sa pangliligw kuno sa akin. "Tulungan mo ako, Korek. Ikaw lang ang mapera na kilala ko," saad ko. Hindi naman pera ang kailangan ko. Kailangan ko lang ng koneksyon. "Manggagamit na manggagamit ang dating ah?" Saad nya na tumalumbaba pa saka ako diretsong tinignan nang may nakakalokong ngiti. Kung open ang audition para sa role ni joker, hindi na kailangan pa ni Korek na mag-audition dahil tatanggapin kaagad sya dahil sa malaking bunganga nya at sa mukhang tangang pagkakangiti. "Ano?! Lumayo ka nga sa akin!" "Joke lang. Mainit kaaagad ulo mo. Ano ba 'yon?" Tanong nya saka ako nginitian ng malaki. Ilang ulit ko syang inambahan ng hampas pero hindi man lang nabawasan ang pagkaka-awang ng bibig nya sa akin. "Tulungan mo akong makapasok sa mga Perell," tugon ko. Kagabi ko pa iniisip 'to at iyon lang ang paraan na pumapasok sa akin para makaganti sa lalaking iyon. Sinisigurado kong bago matapos ang taon na ito ay babagsak sya at hindi nya na magagawa pang mangbully ng mga empleyado nya. "Perell? Kay Josiah?" Nagtatakang tanong nya. Agad na naningkit ang mga mata ko nang sumandal sya saka ipinagkrus ang kanyang mga kamay. Josiah? Hindi ko sigurado kung iyon ang pangalan ng dating amo ni Winter. Perell lang kasi ang laging tawag sa kanya ng kapatid ko. Alam naming lalaki dahil minsan ay madalas kiligin si Winter kapag nagkukwento ito tungkol sa trabaho. Ayon, ngayon kinikilig sya sa bahay sa sobrang pag-iyak. Sinabi ko na sa kanya noon, walang magseseryoso sa amin. Magaganda naman ang mga kapatid ko kaso kung kayamanan lng ang labanan, talo na kami don. Mahirap lang kami. Noon nga ay umaasa lang kami sa bigay ng iba pero ngayon nakaluwag-liwag na dahil nakapasok si Winter sa Perell. Ngayong natanggal sya, di ko alam kung saang kangkungan nanaman kami pupulutin. Pinagsabihan ko na rin sya na huwag maging mabait sa lahat ng oras dahil sya lang din ang kawawa sa huli. Kita mo ngayon? Matapos nyang gawin ang lahat ay itinapon na sya ng lalaking iyon dahil lang sa dalawang minutong late. "Mas maganda sa pamilya nya o don mismo sa naging amo ni Winter. Para makahanap ako ng butas sa lalaking iyon." Seryosong saad ko. Pinagkiskis ko ang mga palad saka sya pinakatitigan nang sa gayon ay mapagtanto nyang hindi ako nagbibiro sa kahit ano man plano ko. "Wala nang pamilya si Josiah sa pagkakaalam ko. Nag-iisa na lang sya sa buhay." Seryosong tugon ni Korek. Hindi ko malaman kung ano pa nga bang alam nya sa lalaking iyon para maging ganito kaseryoso ang mukha nya. Sa isang banda ng isip ay nakaramdaman ako ng awa para sa Josiah na iyon. Kaya naman pala ganoon, kulang sa pagmamahal. Tatango-tango ako sa naisip. Pero hindi non mababago ang plano ko. "Bakit gusto mong pumasok sa kanya?" "Tinanggal nya si Winter dahil lang nalate ito ng dalawang minuto. Sinong bobo ang gagawa no'n?" Nangagalaiting sagot ko. Mahina kong hinampas ang lamesang nasa harap namin. Nang mapansin ko ang babae sa aming gilid ay agad akong kumalma saka ito binigyan ng ngiti. Boom! Kinilig! "Ang bobong tinatawag mo ay isang bilyonaryo, Autubabes. Pera ang oras sa isang 'yon." Naroon ang pagiging seryoso sa tono ng pananalita ni Korek. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko sya. "Ano?!" Hindi ko naisip na bilyonaryo ang lalaking iyon. Alam kong mayaman pero iyong yaman na hindi naman sobra. "Kung nagpaplano ka na hanapan ng baho si Josiah, I suggest na don ka mismo sa bahay nya magtrabaho," suhestiyon nya. Mabilis akong napalingon dahil sa sinabi nyang iyon. Gusto kong pagkatiwalaan ang paulit-ulit nyang pagtango sa akin habang nakangiti. Iyong tiwala na para lang sa mga sinasabi nya at hindi sa itsura nya. "Or..." Mabilis kong inilapit sa kanya ang aking mukha nang senyasan ako nitong lumapit. Nakakaintriga ang pagkakangiti nya. "Sumama ka sa akin mamaya." Halos pabulong na saad nya. Sa tono ng pananalita nya ay para nya akong niyayayang gumawa ng isang bagay na ginagawa lang ng mag-asawa. Pero syempre dahil si Korek ito, na puno ng respeto para sa akin ay inialis ko ang isipin na iyon sa akin. "Saan naman?" Nagtatakang umayos ako ng upo nang isandal nya ang kanyang sarili. "Charity ball. Josiah will be there. I got to see you wear a gown and you can have your revenge." "At sino naman ang nagsabing papayag ako sa gusto mo?" Taas ang kilay na tanong ko. Iniisip ko pa lang ang mga tawa ng kapatid ko kapag nakita akong nakagown, para na akong mahihimatay sa hiya. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasan magsuot ng dress, iyon pa kayang buwan. Kuntento ako sa pantalon at tshirt na parati kong suot. "What Winter go through." Kampanteng aniya. "Imagine Autubabes, natanggal si Winter sa trabaho dahil lang sa late sya ng two minutes? Hindi ba't sya ang nagpapaaral kay Summer?" Kampanteng saad nya. Alam na alam na isa sa mga kahinaan ko ang mga kapatid ko. Gusto kong mainis sa pagkakangiti nya nang mag-angat ako ng tingin. "King ina talaga nya!" Malakas na saad ko. Naihampas ko pa ang isang kamay nang maalala na sa isang prestiyisong unibersidad pumapasok si Summer at ngayong wala nang trabaho si Winter, ako na ang magpapaaral sa bunso namin at hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang perang pambayad ng tuition nya! King inang Perell yan! "Sasama ka na ba?" Panay ang pagtaas ng mga kilay ni Korek. Nang tumango ako ay agad na mas lumaki pa ang pagkakangiti nya. Akala ko nga mapupunit na ang mga labi nya, e. "Sige! Uuwi na ako at mag-aasikaso. Anong oras ba yon?" Seryosong saad ko. Isa iyong charity ball. Manghihiram na lang siguro ako kay Winter ng damit at baka may mga maisusuot sya sa ganoong okasyon. "No, Autubabes. Ayokong magmukha kang basahan don. Magpapadala ako ng tao para ayusan ka." "Hindi na kailangan —" "Ayokong magmukha kang alalay. Wala akong tiwala sa mga damit na naroon sa closet mo." Aniya saka tumayo at tuluyan akong iniwan. Nagpanting ang mga taenga ko sa sinabi nya. Para sabihin ko sa kanya komportable ako sa mga damit na naroon sa drawer ko at iyon ang importante 'no! Hindi ko kailangan ng mga mamahaling damit! Akmang hahabulin ko na sana sya nang makita ko ang kotse nyang paalis. Nakabukas pa ang bintana nito at nakalabas ang kamay nyang kumaway sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD