Pinagsisisihan kong pumayag ako sa ideyang ito ni Korek! Para akong ginawang koloring book nung limang babae na pinapunta nya! Oo! Limang babae ang pinapunta nya at lahat sila ay abala sa akin! Kaya naman na ni Winter sana akong ayusan, bakit pa sya kumuha ng ganito karaming tao?
"Hindi pa ba tapos?" Tanong ko saka bahagyang iminulat ang isang mata. Halos tatlong oras na kami dito sa harap ng salamin. Nangangawit na ang puwit ko sa pagkakaupo at hindi paggalaw!
Nang makauwi ako sa bahay kanina matapos bumili ng tanghalian para sa mga kapatid ko ay naroon na ang limang babaeng ito sa bahay. Ay mali, may isang binabae pala silang kasama. Panay nga ang pagngiti sa akin ni Winter habang paulit-ulit na sinasabing excited syang makita ako sa gown na ibinigay ni Korek.
"Yang boses mo, panglalaki. Napakasiga mo magsalita, baby girl. Lagyan mo naman ng kaunting lambing." Nakangiwing saad nung isang babae sa akin. Pakiramdam ko ay kaedaran ko lang sya. Maganda sya pero syempre mas maganda si Winter kahit mukha syang tanga na nakadaop ang mga palad habang malaki ang pagkakangiti sa akin.
Natitiyak ko na ngayon pa lang ay nababasa ko na ang kakaibang ngiti sa mga labi nya.
"Ganito ba, baby?" Hinawakan ko ang pulsuhan nya saka bahagya itong hinila dahilan para maglapit ang aming mukha. Mabilis kong naramdaman ang paglayo nya sa akin
"Ano ba? Isa kang no no no check!" Nakangiwing saad nya. Siguro kung hindi nya lang ako inaayusan ay nalamukos nya na ang mukha ko ngayon.
"Arte nito. Tapusin mo na ang ginagawa mo at nangangawit na ang mukha ko. Gaano ba kakapal ang inilalagay mo?!"
"Nako, girl! Baka magulat ka! Magpapabili ako kay Korek ng bagong set ng make-up dahil naubos na sa mukha mo! Grabe! Kahit anong gawin ko, walang epek! Ang pangit mo pa rin!"
"Maganda ka?"
"Oo naman, baby girl."
"Binabangungot ang isang 'to. Gisingin nyo!" Malakas na sigaw ko dahilan para magtawanan ang mga naroon.
Gustung-gusto ko talagang sapakin ang babaeng 'to. Tanggihan ba naman ang kagwapuhan ko? Nakakainsulto ha?!
"Ano ba! Gusto mo bang gumanda?"
"Gwapo ako. Gwapo."
"Ah. Tomboy." Tatango-tangong aniya saka yumukod para ayusin ang lipstick ko.
"May problema ka ba ha?"
"Wala. Actually pro-LGBT ako. Gusto mo ba ng nobya? Ang isang iyon ay wala bang boyfriend." Tinuro nya ang kasaman nito na abala sa pag-aayos ng make-up. She bit her lower lip. Nahihiya itong nag-iwas ng paningin sa akin saka hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga.
Balingkinitan ang babae. Ang mahaba nyang buhok at bilog nyang mata ay bumagay sa kanya. Mukha iyong inosenteng nakangiti sa akin at agad na umasim ang mukha ko nang mapag-aralan ang babeng inirereto nya.
"Ayos ka lang?! Parang trese lang yan eh! Tigilan mo ang pagpapacute sa akin, ineng at baka makasuhan ako ng magulang mo."
"Bente tres na ako 'no."
"Talaga? Mukha kang trese para sa akin kaya manahimik ka," saad ko. Agad kong napansin ang pagkibot ng mga labi nya kaya naman nagkibit-balikat na lamang ako at binalingan ang babae sa aking harapang. "Pwede bang bilisan mo na? Lalabas na ang buto sa pwet ko. Kapag nangyari yon, isasampal ko talaga sa'yo ang make-up kit mo."
Nang sumapit ang alas-sais ay agad ding dumating si Korek. Kinailangan nya pang maghintay ng kaunti dahil napakarami pang orasyon ng mga kapatid ko bago ako tuluyang pakawalan.
"Omg! Napakaganda mo ate! Babaeng-babae ka na!" Maluha-luha kaagad na saad ni Winter. Pakunwari pa itong nagpupunas ng kanyang mga luha.
"Mama! Nadagdagan na ang dalaga mo!" Anang Summer saka ako mabilis na niyakap.
Nakangiwi kong pinagmasdan ang tatlo. Kung alam ko lang na sasambahin nila ako ng ganito, edi sana hindi na lang talaga ako pumayag na sumama!
"Bagay sa'yo mag-ayos, Autumn." Si Fall lang yata ang pinakakalmado sa kanilang tatlo. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maintriga sa ayos ko pero bago ko pa man makita ang itsura ko ay agad na akong hinila ng mga ito patungo sa isang sulok at kumuha ng litrato.
Nang maipakita nila iyon sa akin ay humigpit ang hawak ko sa wallet na dala. Ang hanggang balikat kong buhok na laging nakatali ay nakaladlad na at bahagyang kulot. Ang hindi kaputian kong kutis ay bumagay sa kulay skintone ng gown na suot ko at ang pinakahighlight ay ang pagkakaiba ng itsura ko ngayon. Kung noon ay para akong average na babae, iyong tipong kapag nakasalubong mo ay hindi ka mapapalingon, ngayon naman ay hihinto ka pa para pakatitigan ako. Ober confident? Ayos lang. At least di umaasa na babalik pa sya.
"The princess is done!" Malakas na anunsyo nang nag-ayos sa akin. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya nang hilain ako nito at bahagya kong ikinatumba iyon.
"Dahan-dahan naman!" Sigaw saad ko. Sarap mangsampal gamit ang heels aba. Paniguradong may masisira akong mukha kapag nagkataon.
Ngayon pa lang ay ramdam ko na iyong sinasabi nilang tiis ganda dahil nakakailang hakbang pa lamang ako ay agad ko nang naramdaman ang pananakit ng mga paa ko. Ilang inches ba ito? Five? O seven?
"Girl, wag kang OA. Two inches na lang yan," saad muli ng binabae na tila ba nabasa ang naiisip ko. "Hindi ka lang kasi sanay dahil bukod sa siga ang paglalakad mo, labas yang mga daliri mo sa heels!"
"E gaga ka pala! Alam mong hindi kasya sa akin, pinasuot mo pa!"
"Gaga ka ba?! Mahahaba ang daliri mo!"
Aba kota na 'to sa panlalait sa akin, a?
Nang marating ang salas ay agad akong nahiya kay Korek. Hindi ko alam. Kasabay yata ng pagsususot ko ng pambabae ay ang pagbabago rin ng ugali ko.
"Laway mo, tumutulo na. Masyado kang halatado, boy!" Joke lang. Hindi talaga ako nahihiya. Kayo naman. Akala ko lang babae na talaga ako. Babae pa rin pala ang gusto ko.
Nang hindi kumilos si Korek ay mabilis ipinalakpak ang aking mga kamay sa kanyang harapan. Rinig ko ang mahihinang hagikhigan nang tumulo nang tuluyan ang laway nya sa sahig. King ina. Kalalaking tao, dugyot! Minsan iniisip ko talaga kung mayaman ba 'to o ano, e. Kung makaasta, kala mo lumaki sa kangkakungan at di sa malaking bahay.
Nakangiwi kong isinara ang bibig nya.
"You are so beautiful, Autumn," aniya matapos makabawi. Nang ilahad nya ang kanyang kamay ay hindi ko iyon kinuha. Binitbit ko ang laylayan ng aking gown saka siga, iika-ikang lumakad palabas ng bahay.
Nang makita ko ang kotse nya ay agad akong sumakay dito. Bakit ba napakabigat nitong suot ko?!
"Bakit mo ako iniwan?" Parang batang pagmamaktol ni Korek nang marating ang sasakyan. Agad kong itinuro sa kanya ang paa ko at bahagyang ipinakita ang heels na suot ko. Hindi na sya nagsalita matapos non pero kitang-kita ko ang bawat pagsipat na ginagawa nya.
Patay na patay talaga ang king ina.
Halos isang oras din kami sa byahe bago tuluyang narating ng venue. Hindi ko naiwasang hindi mapanganga sa laki ng bahay. Kung mansyon na para sa akin ang bahay nila Korek, ano pa ang pwede kong itawag dito? Parang sampong bungalow house yata ang bahay na ito! Hindi normal ang laki nito!
"Good evening, Mr. Montemayor!" Salubong sa amin ng isang halos kaedad lang ni Korek.
Kung kanina ay napanganga ako sa ganda ng bahay, ngayon naman ay napanganga ako sa lalaking nasa aking harapan! His ocean blue eyes are really something. Para akong hinihila non patungo kung saan. Ang mga kilos nyang lalaking-lalaki ay talagang nakadaragdag sa kanyang kagwapuhan. He was wearing a gray suit na talagang bumagay sa kanya.
I don't know but I am drooling over this guy! Kung maluwag lang ang panty ko ay paniguradong nahulog na ito. I shook my head mentally. Naiinggit lang ako sa kagwapuhan ng lalaking 'to.
"This is my date, Autumn Grayson." Mahina akong tinapik ni Korek. "This is Mr. Perell. Josiah Perell."
Lahat ng kakaibang nararamdaman ay agad ding nawala sa akin nang marinig ang kanyang pangalan. Muli kong pinakatitigan ang lalaking nasa aking harapan. Gosh! Ito talaga yon?
"It was nice to see you. Mind if I ask her to dance?" Baling nya kay Korek. Agad kong napansin ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi.
Ipinagkrus ko ang mga kamay saka siga syang tinignan. Nang subukan kong magsalita ay agad akong tinabig ni Korek saka peke ang tawa akong inilingan. Pinandilatan ko sya ng mga mata at agad nyang hinawakan ang aking braso, "Wag, Autubabes." Pigil niya. Alam nyang ano mang minuto ay handa akong mag-eskandalo pero dahil naisip ko sya at alam kong masisira sya, I composed myself saka muling tumingin kay Mr. Perell na ngayon ay mas lumaki na ang pagkakangiti sa akin saka ako kinindatan.
Ah. Babaero. Pero hindi sapat ang bagay na iyon para mapabagsak sya. Lahat yata ng babae ay handang magpakama sa lalaking ito kung sakali.
"May I?" Tanong nya at inilahad ang kamay sa akin. Nakangiting kinuha ko iyon. Ingat na ingat ako sa bawat paggalaw dahil nahihiya akong mapahiya si Korek dahil sa akin.
Panay ang pagkirot nang paa ko, hindi pa man kami nagtatagal sa dance floor. Nang mapansin ito ni Mr. Perell ay agad nyang inilagay ang kanyang kamay sa aking baywang saka ako hinapit papalapit. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"Wanna rest?" Tango nya. Para akong tanga na tumango saka hinayaan syang dalhin ako sa hardin ng bahay.
Nang maiupo ako sa isang bench ay nakangiti syang lumuhod sa aking harapan. Gusto ko pa sanang magprotesta nang hawakan nya ang paa ko pero inilingan ako nito saka nakangiting tinanggal ang heels ko.
"Hindi ka sanay, I see." Tatango-tangong saad nya nang makita ang pamumula non. Mabilis ko iyong binawi pero agad ding nyang hinila pabalik. Nakatingala syang ngumiti sa akin at nang muli nyang itinuon ang atensyon sa pagmamasahe ng aking paa ay pinakatitigan ko sya.
He has this perfect jawline. Ang makakapal nyan kilay at pilik-mata, at ang matangos nyang ilong ay hindi ordinaryo. Sa palagay ko ay may lahi ang lalaking ito. Nang bumaba sa labi nya ang aking paningin ay ilang ulit akong napalunok. It was cherry red. Seductive and very inviting. At bago ko pa man maisip ay agad ko nang hinawakan ang parehong pisngi nya at itiningala sa akin. I can feel my lips pressing against his!
Nakahawak ang isang kamay nya sa aking paa habang ang isa naman ay nakatungkod sa gilid ko para hindi tuluyang matumba mula sa pagkakatingala sa akin. Nanlalaki ang nga matang itinulak ko sya saka tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Did I just kissed the guy?!