The kissed lasted only for two seconds pero para na akong mababaliw. Mula kagabi ay hindi na ako pinatulog nang nangyaring iyon.
Wala sa wisyong napahawak ako sa labi ko. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ang lambot na labi ng Josiah Perell na iyon! Punyeta ka, Autumn! Ano kasing pumasok sa isip mo at talagang hinalikan mo ang lalaking iyon!
Wala iyon sa plano ko. Maniwala kayo o sa hindi. Ang gusto ko lang sana ay makita sya kagabi para naman may ideya ako sa kung ano ang papasukin ko. Ang gusto ko ay makita lang sya sa malayo. Actually, kasalanan nya rin naman! Kung hindi nya ako hinila sa garden at hindi nya pinagmalaki ang mapupula nyang labi, hindi ko sya mahahalikan!
Madiin akong napapikit. Sa isip ay muli kong kinastigo ang sarili sa nagawa. Kasalanan iyon sa aking pagkatao. Sabi ko babae ang gusto ko at unang beses ang kagabi na na-attract ako sa isang lalaki. Paulit-ulit pa ang naging tanong si Korek kagabi nang makabalik ako at biglang magyaya na umuwi, buti na lang at mabilis ko rin syang napapayag bago pa man makalapit si Perell sa amin.
"Baby, are you okay?" Tanong ni Selene. Isa sa mga may gusto sa akin. Matipid akong ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nawalan kaagad ako ng gana sa mga babae. Noon naman ay lagi akong naeexcite at kinikilig kapag isinasandal ni Selene sa akin ang ulo nya.
"Napakatahimik mo, may nakita ka yatang ibang babae kagabi sa party." May pagtatampong saad nya.
Imbis na suyuin ay kinalas ko ang kanyang braso sa akin saka ako tumayo, "mauuna na ako. May usapan kami ni Korek ngayon," saad ko saka hinaplos ang kanyang pisngi.
Pilit ang ngiting tinanguan ko sya at tumalikod. Ngayon ang araw na sasamahan ako ni Korek sa bahay ng Perell na iyon para magtrabaho. Nahihiya na tuloy ako pero ang sabi nya ay nasabihan nya na kasi ang kaibigan at dahil wala syang driver ngayon, ay tinanggap na nya ako bagaman hindi pa ako nakikilala.
"Tara sa bahay?" Patanong na saad ko nang makita si Korek sa isang karinderya. Mag-aalmusal yata.
"Sandali. Wala pa yung fried rice ko," aniya saka tumawag ng serbidora para magdagdag pa ng isang order nang kung ano mang in-order nya.
Laylay ang balikat na naupo ako sa kanyang ang harapan. Ang paulit-ulit na pagbuga ko ng malalim na hininga ay syang dahilan para mahina nyang hampasin ang aking harapan.
"Okay ka lang? Ano bang nangyari sa inyo kagabi? Narinig kong may pinapahanap syang babae, may nakita ka bang babae doon kahapon bukod sa'yo?" Sunud-sunod na tanong ni Korek.
Hindi ko naiwasang hindi mag-alala. Ako ba ang ipinahahanap nya? Baka naman isalvage ako ng tao na 'yon dahil lang sa isang halik?
"Wag ko na lang kaya ituloy? Parang tinatamad ako, e." Pagdadahilan ko.
"Ilang ulit ko nang sinabi sa'yo. Naabisuhan ko na si Josi—"
"Oo na! Oo na!" King ina! Wala talaga akong choice! Inis na nag-iwas ako ng tingin saka pabagsak na isinandal ang aking sarili.
"Malaki ang sahod mo, wag kang mag-alala. Isa pa, di ko naman sinabi sa kanya na ikaw yung magtatrabaho," aniya na tila ba isa iyon sa bagay na makakapagpagaan ng kalooban ko sa mga oras na ito. Nanatili akong tahimik habang ipinagdarasal ang kaluluwa ko. Sana hindi talaga ako ang ipinahahanap nya dahil yari ang mga kapatid ko kapag may nangyari sa akin.
Walang trabaho si Winter. Sino ang magpapakain sa kanila kung sakali? Sino ang titingin sa kanila? Nangako ako sa mga magulang namin na hindi ko sila pababayaan.
Nang matapos kumain ay agad kaming nagtungo sa bahay ni Mr. Perell. Sa kabila ng kaba ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Kung kagabi ay malaki na ang napuntahan namin, ang bahay nya ay triple pa ang laki. Ano ba?! Uso ba sa mayayaman ang tumira sa palasyo?
Kulay matt black ang exterior ng bahay. Ang isang bahagi ay gawa sa salamin habang ang kalahati ay panay marble na. Sa taas pa lang ng gate na kaninang pinasukan namin ay malalaman mong hindi ordinaryo ang yaman ng taong nakatira rito at mas lalo pa akong namangha nang pasukin namin ang malawak na bakuran.
"Tara na." Rinig kong saad ni Korek nang maiparada ang kotse. Bahagyang nakanganga na tumango ako sa kanya. Mas lalo akong namangha nang makapasok sa loob. Ang kulay matte black na pintura ay umabot doon. Halos gray at puti ang ibang pintura.
Ngunit agad na nanumbalik ang kaba ko nang makita si Mr. Perell sa napakalawak na sala. Nakaupo ito sa sofa na ubod nang ganda habang abala sa kausap sa kanyang telepono. Ni hindi nya yata naramdaman ang pagdating namin.
"Did you find her? Fvck! Okay. Call me when you find her." Malakas na sigaw nya. Kitang-kita ko ang pagkakasalubong ng mga kilay ni Mr. Perell habang nagtitipa sa kanyang telepono matapos ang tawag.
Hindi ko sigurado kung ako nga ba ang pinapahanap nya pero ayokong mag-isip ng kung ano pa man. Panigurado namang limot nya na ang nangyari kagabi. Natitiyak kong hindi lang naman ako ang nahalikan nya 'no!
"Korek," bulalas nya nang maramdaman ang presensya ng kaibigan. Nakangiti itong tumayo saka kinamayan ang lalaking kasama ko. "How are you?" Kaswal na tanong nya at inanyayahan kaming makaupo.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata naming dalawa. Sa mga puntong ito, parang gusto ko na lang maging jumbo hotdog para kaya ko na 'to.
"I'm fine. You look frustrated. May nangyari ba?" Rinig kong tanong ni Korek. Hindi ko naman talaga alam sa taong 'to. Kalalaking tao pero napakachimoso. Hindi na lang manahimik para everybody happy e.
"This Autumn Grayson, where is she?" Tanong ni Mr. Perell. O, edi say goodbye to your life, Autumn. Isa kang inutil.
"Autumn, she's —" palihim kong hinila ang laylayan ng damit ni Korek saka bahagya syang inilingan. Ang nagtatanong nyang mga mata ay tila ba nabigyan nang kasagutan nang makita ang pag-aalala sa aking mukha.
Damn it! Talagang hinahanap nya ako! Ano ba kasing pumasok sa isip ko kagabi ha?!
"I don't know. I just met her sa bar nung nakaraan. Bukod sa pangalan ay wala na akong ibang alam sa kanya." Matinding pasasalamat ang ginawa ko nang hindi topakin si Korek at biglang magdahilan. Sa sobrang pagpapasalamat nga yata ay naipagdasal ko na rin na kuhain na sya sa mundo.
"Fvck." Pakiramdam ko ay nalaglag ang suot kong boxer nang marinig ang lalaking-lalaki na pagmumura ng Perell na aming kaharap. Pero mabilis ko iyong iwinaksi sa aking isip. Mamatay ka na lang lahat-lahat, Autumn. Panay katangan pa ang nasa isip mo.
"Did something happen between you and that girl?" I can sense Korek’s – anong tawag don? Kachismosahan, basta! Habang nagtatanong. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay hindi nakaligtas sa akin ang palihim nyang pagsulyap pati na rin ang panlalaki ng kanyang mga mata na tila ba sa pamamagitan non ay sinasabi nyang kailangan kong magkwento sa kung ano man ang katangahang ginawa ko kagabi, na parang kung ano man ang namagitan na iyon sa pagitan naming dalawa ng kaibigan ay hindi katanggap-tanggap lalo na sa pagkatao ko.
"That girl kissed me and left like nothing happened!"
I gasp for air when he shout. May pahampas effect pa sya sa lamesa na nasa aming harapan kaya mas lalo akong kinabahan. Ano ba? Hindi ba marunong ng calmness ang mayayaman?
"S-she kissed you?!" Gulat na tanong ni Korek. Nang lingunin nya ako ay awtomatiko akong nagbaba ng tingin. "Bro, baka nagkakamali ka. Did you drink too much ba kagabi bago pa man kami dumating?" Hindi makapaniwalang tanong ni Korek. Maski rin naman ako ay hindi makapaniwala na magagawa ko yon 'no! Kaya hindi na ako nagtataka sa gulat na gumugulantang sa nararamdaman nya ngayon.
"I didn't. Sge pulled me into her lips and kissed me then left!" Nanggagaliting sigaw nya. Ano ba kasing ipinuputok ng buchi nya sa simpleng halik na 'yon? "I'll find that girl and make her pay for what she did!" Punyeta talaga, Autumn! Akala ko sya yung tipo ng lalaki na mabilis makalimot! Turns out mali ang paniniwala ko! Paano pa ako makakapaghiganti ng ganito kung alam kong nanganganib ang buhay ko!?
Sorry, Winter. I failed as a human.
"By the way, where's the driver you're talking about? I need to be at this resort. I have to meet Paisley," tanong ny matapos ang ilang minutong pananahimik. Gusto kong tanungin kung apo ba sya ni Sisa nang makita kung gaano na kalaki ang pagkakangiti nya nang sabihin ang pangalan ng babaeng iyon.
"She's back?" Gulat na tanong ni Korek. Isyu nito? Napatulala pa ang ogag.
"Yeah. She's back. So where's my driver?"
"He's here," ani Korek na mukhang ngayon ay literal na wala nang gana. Nangunot ang noo ko sa inaakto nya. Ngunit ganoon na lang kabilis iyon nawala nang maramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin.
"Have we met?" Tanong ni Perell dahilan para muli akong magbaba ng tingin saka paulit-ulit na umiling. Hilo na ako, nyeta. "You look familiar. Nevermind. Let's go." Dagdag nya pa saka bumaling kay Korek. "Hindi ako dapat malate. You know Paisley, she's like a bomb kapag naghihintay sya." Nagkibit balikat pa ito at saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya.
"Sige. Mag-ingat kayo," tugon ni Korek pero bago ko pa man sya tuluyang mataliguran ay agad nang gumuhit ang kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha, bagay na ngayon ko lang nakita.