"Stay here." Parang isang aso na hinabilinan ako ni Perell. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango at maupo sa lobby ng hotel na pinuntahan namin. Nagmamadali na si Mr. Perell dahil nalate na kami sa meeting kuno nya. Paano'y traffic. Ilang ulit nya akong pinagalitan na akala mo naman e kagustuhan ko magkaroon ng traffic at sa pamamagitan ng pagsigaw-sigaw nya sa akin ay aandar na ang mga sasakyan sa kalye.
Parang tanga. Edi sana superhero ang in-hire nya at hindi isang simpleng mamamayan na katulad ko.
"Grabe." Hindi ko naiwasang maisatinig ang pamamangha. "Ganito ba magparaos ang mga mayayaman? Sa ganito kaengrandeng hotel talaga? Pwede naman sa kotse na lang e. Mas tipid pa." Dagdag ko pa habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Pinakagusto ko ang sentro ng ceiling kung nasaan ang isang malaking chandelier na panay bilog lamang ngunit napaka-elegante tignan. Bumagay ito sa pinturang krema ng establisyemento.
"Let's go." Nag-angat ako ng tingin at halos lumuwa ang mata ko nang makita si Perell sa aking harapan na abala sa pagtitipa sa kanyang telepono.
Nilingon ko pa kung saan sya nagtungo kanina ngunit walang babae na nakasunod sa kanya.
"Tapos na kayo?" Hindi ko napigilan ang makiusyoso. Ang bilis naman? Parang hindi nga man lang sya umabot ng limang minuto sa loob. Napakaliit ba ng kargada nya para labasan kaagad? Grabe. Naningkit ang mga mata ko sa naisip. Sapat na nga ba iyon para masira ang isang Perell na pangarap ng lahat?
"What are you thinking?" May inis sa tonong tanong nya. Mabilis akong napaayos ng tayo saka bahagyang yumuko nang masalubong ang matatalim nyang mga tingin.
Punyeta. Bakit ko nga ba nakalimutan na hindi alam ng mayaman na ito ang salitang calmness? Wala nga pala iyon sa bokabularyo nya.
"Let's go!" Malakas na sigaw nya at nagpatiuna nang maglakad. Pinanuod kong tumalbog ang pwet nya habang nasa aking unahan. Makisig ang katawan nya. Mukhang laging nasa gym kaya hindi ko maimagine na napakaliit ng kargada na mayroon sya.
"Josiah!"
Hindi man lumingon si Mr. Perell sa tumawag pero dahil isa akong dakilang tsismoso ay ako na ang lumingon para sa kanya at mula sa nilabasan ni Perell ay kitang-kita ko ang isang mala-anghel na babaeng tumatakbo patungo sa gawi namin. Literal na napanganga ako sa gandang mayroon sya.
Kung ayaw 'to ni Perell ay ako na lang ang poporma. Grabe. Napakaperpekto ng katawan nya. Ang mala-nyebe nyang kutis ay tila ba nagpapaliwanag sa kanya. Idagdag mo pa ang mabibilog nyang hinaharap at ang maamo nyang mukha. Para syang isang porselanang manika na tumatakbo sa gawi namin.
"Josiah, let me explain!" Hingal na saad nya saka hinawakan ang braso ng ngayon ay wala wala nang ekspresyon na anak ni satanas.
"There is nothing to explain, Pais. I've seen enough." Matigas na saad ni Perell.
Napatitig ako sa dalawa. King ina. Kung ganito mag-away ang mayayaman, paniguradong dudugo ang utak ko nang wala sa oras.
"You didn't, okay? He forced me—"
"What do you take me for ha?!" Mabilis na nakuha ng dalawa ang atensyon ng lahat sa biglaang pagsigaw ni Mr. Perell. Ang kaninang pilit nyang pagpapakalma sa sarili ay tila ba naging isang larawan na lamang ng nakaraan nang bigla ay hablutin nya sa braso ang dalaga at bahagyang iangat ito palapit sa kanya. Halata mo ang pagpipigil ng galit nang ikuyom nya ang kanyang kamay.
"J-josiah, you're hurting me." Daing ni Paisley na pilit iniaalis ang kamay ng nobyo sa kanyang braso.
"S-sir." Hindi ko na kayang tumayo na lamang. Isa sa prinsipyo naming mga lalaki at feeling lalaki na protektahan ang mga babae, o at least ako lang, lalo na kapag ganito kaganda. Magsasalita pa lamang sana muli ako nang kusa akong matigilan nang muli syang magsalita.
"Let's go." Pagyaya nya saka maingat na pabatong binitawan ang babae at tinalikuran kami pareho.
Halos maiyak ang Paisley na iyon nang tanungin ko sya kung okay lang ba sya. Bagaman halata ang galit sa mga mata ni Perell ay hindi non naikubli ang pag-aalalang nararamdaman nya nang marinig ang pagdaing ng dalaga.
Isang beses ko pa syang tinanong kung maayos lang sya bago tuluyang sumunod sa amo kong anak ni satanas.
"Saan—"
"Stop asking me questions. Just drive." Pagpuputol nya sa akin. Nakangiwi ko syang sinipat mula sa rearview mirror ng kotse at hindi ko naiwasang pagsamaan ng mukha nang salubungin nya ang aking mga tingin saka ako sinenyasan na magsimula nang magmaneho.
"King inang 'yan. E, san ko kaya sya dadalhin?!" Inis na bulong ko sa sarili saka inistart ang sasakyan. Mga mayayaman talaga, akala manghuhula ang mg trabahador nila. Edi sana kung kaya kung manghula, nasa Quiapo ba ako at hindi sya kasama sa iisang sasakyan!
"Are you saying something?"
"Wala ho." Sagot ko saka pilit ang ngiti syang nginitian.
"Then drive!"
"Ito na nga. Init ng ulo, e," tugon at nagsimula nang magmaneho bago pa magtransforn ang isang 'to. Saan ko kaya sya pwedeng dalhin? Mukhang broken hearter e. Napangisi ako sa naisip. Hmm. Isang Josiah na maliit ang kargada at broken hearted, isang magandang bagay iyon na ipakalat pero kinakailangan kong humanap pa ng mas malalim na baho sa pagkatao nya.
Saka ko nalamang napansin kung saan ako dinala ng pag-iisip nang itigil ko ang kotse sa harap ng isang maliit na establisyemento. Kumpara sa hotel na pinanggalingan namin kanina ay mukhang wala ang lugar na ito sa kahit one fourth man lang ng engrandeng pahingahan na iyon.
Maliwanag pa pero mahahalata mo na kung para saan ang lugar na ito. Kung ang pahingahan at inuman ng mga mayayaman ay tinatawag nilang club, ito naman ay patay-sindi o di kaya ay sa lugar kung saan parating may christmas lights kung tawagin nila dito sa amin.
"Tara, Sir." Yaya ko kay Perell nang makita ang ilang babaeng nakaupo sa labas ng lugar. Nagniningning ang mga mata ko pero agad akong napahinto sa pagbubukas ng kotse nang iritableng magsalita ang broken hearted na kasama ko.
"Where are we?!"
"Bar, Sir." Iniiwasan kong magtunog sarkastiko pero hindi ko naiwasan ang pag-ikot ng aking mga mata. Mayaman nga pala ang isang tao. Paniguradong hindi ganito ang bar na nasa isip nya.
"You call this a bar?! This cheap place ha?! Why did you even brought me here?!" May panunuyang tanong nya.
"Sir naman. Sabi nyo magdrive lang ako."
"Are you talking back?!"
"Sabi ko nga tatahimik na ako." Imbis na sumagot pa ay muli akong umayos ng upo at in-start ang sasakyan.
"Why are you driving?!"
King inang toyo yan. Nasobrahan na. Pwede nang pang adobo. Suka, sibuyas, bawang na lang ang kulang.
"Iuuwi na ho kita, Sir. Cheap kasi ang lugar na ito," tugon ko na panay ang pag-atras pero mabilis akong napatigil nang sya mismo ang humawak ng manibela mula sa likuran. Sa lapit ng mukha nya sa akin ay awtomatiko akong napalingon rito at ilang ulit akong napalunok nang tumama sa mapupulang labi nya ang aking paningin.
Punyeta ka, Autumn! Nakaisa ka na. Wag ka nang umulit pa.
"What are you looking at?" Tanong nya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mabilis akong tumikhim saka umayos ng upo at paulit-ulit na umiling. Hinayaan ko ang gusto nya. Pinatay ko ang makina ng kotse pero nanatili akong nakatingin sa harapan at ganoon ko na lamang sya kabilis na nilingon nang muli itong sumigaw sa aking tainga.
"You forced me to go into this place!" Aniya at mabilis na bumaba. Hindi makapaniwalang pinakatitigan ko sya. Anong pinagsasabi nito? Nakahithit yata 'to? Nasobrahan sa pagiging broken hearted ang ulaga na 'to. Saang parte ko sya pinilit kung ipagmamaneho ko na sya pauwi? E kung sapakin ko sya?
Mabilis akong bumaba ng kotse at bago pa man ako magsalita ay muli nya nang ibinuka ang kanyang bibig dahilan para mas lalo akong matanga sa kanya.
"You forced me!"
"Ha? Hindi naman kita—oo na! Pinilit na kita!" Inis na sigaw ko nang manlisik ang mga mata nya habang nakatingin sa akin. Wala akong ibang nagawa nang nandidiri itong maglakad patungo sa lugar. "King ina mo talaga. Di ka na lng umuwi sa impyerno." Bulong ko pero syempre dahil biniyayaan sya ng kalakasan sa pandinig ay nilingon ako nito.
"What?"
"Wala. Sabi ko maraming babae dyan sa loob. Baka may matipuhan ka." Pagsisinungaling ko. Agad ko syang inambahan ng hampas nang tumalikod ito at mabilis kong itinago ang aking kamay saka pekeng ngumiti nang bigla ay lingunin nya ako.
"You really look like someone I know," aniya dahilan para muling manumbalik ang kaba na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay tumagaktak lahat ng pawis na naipon sa katawan ko mula sa maghapong nakaupo ako sa loob ng de aircon na sasakyan. "We did met, right?" Nanatili akong tahimik. Ang kaninang lakas ng loob ko na sagutin sya ay nawala na at para akong napipi. Maski ang pag-iling ay hindi ko magawa.
"What is your name?" Muling pagtatanong nya. Sa sobrang blanko ay hindi ko na nagawa pang mag-isip at basta na lamang sinabi ang unang pangalan na lumabas sa aking bibig.
"Joshua."